Note: The timeline of this chapter happened after Lady B quitted as a shadow. 1 year after ng umalis si LB sa shadows.

Zia

Kunot noong pinagmasdan ko ang dingding kung saan laging nakatambay si Lhester. 'Di kasi katulad dati ay walang Lecheng asungot na nakasandal doon, ibig sabihin ay hindi niya ako sinundo.

"Zia, may problema ba?" Tanong ng isang babae sa tabi ko, sa pagkakatanda ko ay siya si Chloe Jade Evan. Classmate ko siya sa ibang subject ko at masasabi ko namang isa siya sa mga 'di nampa-plastik sa akin.

Tinapunan ko siya ng tingin at saka napansin na may kasama pala siya, Armel Esquelito. Another real person, taena, nauuso kasi kaplastikan sa mundo. Buti 'di nahaluan itong dalawang 'to.

Ngumiti naman na ako, katulad ng dating gawi, ang mapagpanggap na Zia. "Ahmm, wala namang problema."

Ngiting saad ko iyon, pero halatang 'di sila naniniwala.

"Are you sure?" Asked Chloe, tumango ako. Pero 'di ako tinantanan ng dalawa.

"Parang alam ko na ang problema mo, wala pa si Lhester 'no?" Si Armel naman ang nagtanong. Kaya 'di ko mapigilang mag-iba ang timpla ng mukha ko. Bwisit, ba't ba kasi ako tinatanong nang tinanong ng dalawang 'to. Inis na nga ako sa lecheng Zapanta na 'yon, dinagdagan pa nila.

Pinilit kong ngumiti, "busy siguro. Alam ninyo namang may work na 'yon. Sige girls, uuwi na ako."

Nagpaalam na ako sa kanila at nagmadaling maglakad palayo. Taenang Lhester na 'yan, humanda sa akin ang mokong na 'yon. Wala pa naman akong dalang motor o sasakyan, kaya magco-commute ako. Bwisit!

Walang tawag o text, 'di siya sumasagot sa tawag ko. Taena, ano nang problema nito? Inumaga na ako kakaantay sa reply niya man lang, pero ang Leche, 'di naisipang mag ha-he-hi-ho-hu man lang!

"Kuya, may misyon ka bang ibinigay kay Lhester?" Tanong ko kaagad kay Kuya Renz nang maabutan ko siyang kumakain ng agahan sa dining table.

Nagkasalubong naman ang kilay niya at umiling. " Tinapos na ni Lhester lahat ng mission niya, free siya buong linggo ngayon."

Napanganga ako, aba ang gag* free time niya pala, pero wala man lang sinasabi sa akin? Dumeretso ako kaagad sa pad niya, meron rin kasi akong susi roon. Hindi lang ako pumunta kagabi kasi baka nasa opisina lang siya, pero wala akong nadatnan.

Taena, 'di ako mapalagay! Nagtext ako kay Chloe at Armel, pinasabi ko sa kanila na e attendance na lang ako at pakopyahin ako ng notes kasi may sakit ako.

Walang atubiling nagmotor na naman ako patungo sa building ng Zapanta Company. Umakyat naman ako sa opisina niya, wala akong nadatnang sekretarya sa labas ng silid, kaya naman dumeretso ako sa pinto ng opisina.

Biglang kinabahan ako, hindi ko alam kung bakit, pero nag-iba ang kabog ng dibdib ko. Naramdaman ko na ito dati, magpatingin muna kaya ako sa doktor pagkatapos nito? Taena, mamaya na nga 'yang kabog ng puso ko. Kailangan ko munang mahanap si Zapanta.

Pinihit ko na ang doorknob ng pinto at humakbang papasok, pero natigilan ako kaagad. My tongue was caught, he was there. Lhester was there with his secretary sitting side by side facing his table.

Napatingin naman sila sa akin, kaya kaagad ang sekretarya niya sa tabi ni Lhester at medyo lumayo.

"Good mor—" hindi ko pinatapos ang dalagita. Taena, mag go-good morning pa? Mukha bang good ang morning ko dahil sa kanya?

My Lady Gangster *Published under Lifebooks*Basahin ang storyang ito ng LIBRE!