TWENTY SEVEN

8.8K 213 0
                                    

SUNOD NILANG pinuntahan ay ang mga magulang niya. Nasabik siya bigla dahil ilang araw din niyang hindi nakikita ang mga ito. Alam niyang nagtatampo parin kahit papaano ang kaniyang ama sa kaniya kaya naman habang papunta sila sa kanilang bahay ay sinabihan niya si Cage na huminto sa isang bake shop.

Bumili muna siya ng ipapasalubong para sa kaniyang ama. May dala namang mamahaling wine si Cage para dito.

Nang marating nila ang kanilang bahay ay sumalubong sa kaniya si Mang Lito na siyang guard nila. Pinagbuksan sila nito at binati ng magandang gabi.

"Anak!" Masiglang sabi ng kaniyang mommy nang masilayan sila. Tila may inaabala nito ang sarili sa pagtatanim ng mga bulaklak.

"I'm with Cage, mom. Where's daddy?"

Nginitian nito si Cage at nakipagbeso. "Hello, ijo. I'm glad you came here" lumingon ito ng bahagya sa itaas bago siya hinarap ng ina. "He's in his office, filling his most time with his paper works. Talagang iniuuwi pa ang trabaho" may kung anong tampo sa boses ng kaniyang ina.

Walang alam ang magulang niya sa naging paghihiwalay nila ni Cage. Nang umalis kasi siya ay iniwanan niya ng sulat ang mga ito at hindi niya nabanggit ang paghihiwalay ni Cage. Instead, she told them that she wants to explore. Na kailangan niyang mag-grow ng mag-isa.

"Aakyat lang ako, mommy. I will just see him" tumingin siya kay Cage pagkatapos. "Gusto mo bang sumama sa itaas? Or you can just wait here?"

"Hihintayin nalang kita dito. And I want to talk to your mother"

Nagpasya na siyang umakyat pagkatapos noon. Tama nga ang sinabi ng kaniyang ina, nasa harapan ng laptop ang kaniyang masipag na ama at maraming papel ang nasa lamesa nito. Nakasuot pa ito ng salamin at pasulyap-sulyap sa cellphone na nasa tabi. Mukhang may hinihintay na tawag doon.

Pinagmasdan niya panandalian ang ama. Halatang pagod na pagod ito pero nagtatrabaho parin. Naaawa siya dito,ngayon siya labis na kinakain ng konsensya niya dahil sa pang-iiwan niya sa mga ito imbis na tulungan niya ang kaniyang ama. Nang umalis naman kasi siya noon ay maayos na ang factory nila sa ibang bansa. Ngayon nga ay dito sa Villa Larra na ang inaasikaso ng ama niya.

"Dad.."

Umangat ang pagod nitong mata sa kaniya pero nang makita siya nito ay agad lumiwanag ang mga mata nito. "Verra, anak"

Tumayo ang kaniyang ama at ibinuka pa nito ang mga kamay.

She walked towards her father and hugged him. "Dad.. it's already late. Mag-aalas dyes na ng gabi. Why are you still awake?"

"May mga kailangan akong i-send na commands sa manager natin sa Australia. Your Titos wanted me to rest but I just can't leave my works there. Alam mo namang takot na akong magkaproblema nanaman ang factory"

She caressed her father's back. "Dad naman, don't tire yourself too much. I am here now, I can manage the factory now, I can also help you. Ako naman ngayon ang magpapagod, just rest, Dad. Hindi ko kakayanin kapag nagkasakit kayo. Plus, you should go out sometimes, with mom"

Her father directly looked at her eyes, doubting. Doon siya labis na nakaramdam ng sakit.

"Dad, hindi na ako aalis,okay? I'm staying now"

"But how, Verra? You have Cage now and sooner or later you will get married" anito na may tila takot. Tila ayaw siyang mawala sa tabi nito agad.

"Dad.." hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin na hindi magpapasakit sa kalooban nito.

"I know, Verra. You left us because you were shattered when Cage cheated on you, and I am not forgiving him yet on what he had to do with you but what can I do if you love him so much. I can't do anything to stop you from being happy, Verra, my princess but I am also afraid that I will lose you" madamdaming ani ng kaniyang ama na nagpayuko sa kaniya.

VLS 2: TAMING HER HEARTWhere stories live. Discover now