SIX

11.3K 309 6
                                    

HINDI ALAM ni Verra kung saan siya pupwesto. Punong-puno na kasi ang buong cafeteria. Maging sa second floor ay puno na ang mga upuan. May extra nga pero nahihiya naman siyang makiupo lalo na at lalaki karamihan ang mga 'yon.

Tinitigan na lang niya ang hawak na sandwich clubhouse at lemonade. Wala na talagang choice kundi ang kumain ng nakatayo. Kakagat na sana siya sa hawak na sandwich nang may tumawag sa kaniya.

"Verra.."

Napalingon siya. Napataas ang kilay niya nang mapagtantong si Landon ang tumawag sa kaniya.

"Do I know you?" Bitter na kung bitter. Naiinis parin siya dito kaya maanong inisin niya rin ito.

Napayuko ito. Tumayo ito at inilahad ang upuan na inupuan nito. "You can sit here. Tapos na rin naman ako" anito, dala-dala nga sa kamay ang walang lamang lata ng softdrinks.

"No thanks" nagtaka siya dahil hindi nito kasama ang kasintahang panay ang lingkis dito. Mukhang totoo nga ang balita na may alitan ang dalawa.

Kunyaring humanap siya ng iba pang upuan pero wala talaga. Nagmukha lang siyang tanga.

"Sige na,Verra. You can sit here. Don't worry, I will leave after I throw this" taas pa nito ng bahagya sa empty can na hawak.

Nagsalubong ang kilay niya sa binata saka siya taas nuong umupo doon. Walang sabi naman itong umalis na. Doon siya nabigla. That's it? Akala niya ay may sasabihin pa ito sa kaniya o magtatanong manlang. Well, mas makabubuti naman din 'yon na wala itong sabihin.

"That punk!" Nabigla siya nang may pabalyang umupo sa harapan niya. Si Cage na busangot ang mukha. "We have a deal. Dapat tumupad siya"

"Kita mong umalis na diba? Hindi ako kinausap"

"His lips parted for a few times,Verra, unless you did not notice" anito, iritadong-iritado. May sarkasmo pa sa naturan.

She sighed. "Pwede ba. Sinungitan ko na nga diba? Baka hindi mo din napansin" balik sarkastiko niyang ani dito. Hindi talaga siya papatalo.

"Good"

Nagsimula na siyang kumain. Hindi na niya ito inalok dahil may sariling pagkain itong hawak.

"Bakit ka ba pasulpot-sulpot" tanong niya. Para kasi itong kabute na bigla-bigla nalang sumusulpot.

"Sabi ko naman sa'yo. Masanay ka na nasa tabi mo lagi ako"

'Yon nga ang problema. Ayaw niyang masanay pero mukhang sanay na siyang nasa tabi niya ito. Mukhang wala na siyang magagawa tungkol doon. Halos okupado kasi lagi ni Cage ang upuan sa harapan niya, o hindi naman ay sa tabi mismo niya. Ngayon niya lang napatunayan na pwede pala itong maging ganoon ka-clingy.

"Do you have any plans on Saturday or Sunday?" Tanong nito, inilapit pa nito ang lasagna sa kaniya. "Kumain ka, para tumaba ka naman"

"I don't have any plans to go out, pero sa bahay may gagawin ako. Why are you asking?" Kinuha niya ang ibinigay nitong lasagna at kinain 'yon. Gutom talaga siya pero ayaw niyang magtagal kanina sa counter dahil paubusan na talaga ng upuan pero hindi parin siya nakahanap. Halos sa cafeteria kasi kumakain ang mga estudyante. Ayaw niya naman lumabas kasama ang mga kaibigan niya dahil paniguradong may kaniya-kaniyang lugar pagkakainan ang mga ito.

"Uh, ganoon ba" parang dismayado na sabi nito.

Napaisip tuloy siya. "Magdedecorate lang naman kami para sa halloween. Kaya naman 'yon nila Yaya kaya baka pwede akong lumabas, bakit? What's your deal?"

Lumiwanag naman ang mukha nito nang marinig ang sinabi niya. Hindi niya nga alam kung bakit nga ba niya 'yon naisingit. "Pupunta kami ng Casa Bello ng mga Lazaro, hindi kasama sina Maximo dahil magkaaway ang dalawang pamilya. But my parents are friends with the Lazaros so I have to go too. Ayoko namang mag-isa at mabobored lang ako kaya sinasama kita" he even plastered his sweet smile after that.

VLS 2: TAMING HER HEARTWhere stories live. Discover now