TWENTY TWO

9.4K 234 5
                                    

ALAM NI VERRA kung gaano kadelikado ang sumugal para sa kanilang relasyon ni Cage na nasira na noon, na may lamat na, but she will do anything, she will start taking risks especially loving someone is too risky. Walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa inyo along the way in your of being together pero kahit na hindi siya sigurado ay mamahalin niya parin si Cage. Gagawin niya ang lahat para lang maging masaya silang dalawa ni Cage.

Nasa sala siya at kanina pa hinihintay si Cage na makauwi. May aasikasuhin lang raw kasi ito sa opisina at mabilis lang.

Nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ay agad niyang sinalubong ang binata na may dala na ngayong paper bag. Amoy na amoy doon ang spaghetti ng isang sikat na fastfood chain. Sa kaliwang kamay naman nito ay ang attache case nito.

Cage smiled at her and open his arms for a hug. Agad naman niya itong pinagbigyan at niyakap.

"Nag-take out ako, kumain na muna tayo. Then, we'll go to Mom and Dad"

"Sa inyo? In Villa Larra?" Bigla siyang na-excite nang malamang pupunta sila ng VL. Namiss niya na rin ang lugar na 'yon. Namiss na niya ang sariwang hangin ng lugar nila.

Umiling ito. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha. "We can't go there yet,Verra"

"Why?"

Imbis na sagutin siya ay iniba nito ang usapan. "Kumain na muna tayo,Verra. Hindi na ako makakapagluto kaya nagtake out nalang ako sa Jollibee"

Inayos nito ang mga tinake-out sa lamesa at pinaghila pa siya nito ng upuan. Ito pa mismo ang naglapit sa kaniya ng isang box na may lamang jolly spaghetti. Natakam siya bigla dahil sa masarap na amoy noon.

"Nasaan ba sina Tita?"

Kumagat muna ito sa hawak na fried chicken bago siya nito sinagot. "Sky Wide Subdivision. Hindi kalayuan sa subdivision niyo"

"Oh.." 'yon na lamang ang nasabi niya. Bigla niyang naisip kung naaalala pa kaya siya ng ina nito. She remembered how intimidating his mother was towards her. Well, she really just has that kind of aura. Masungit magsalita, may kunot lagi ang noo pero hindi naman ito ganoon kasama sa kaniya.

Nang matapos silang kumain ay pinauna na siya ni Cage na maligo. Pagkatapos nalang raw niya ito maliligo at may tatawagin muna para iremind sa trabaho.

She noticed Cage was being busy these past days. Marahil ay may problema ito sa kompanya at nang tanungin naman niya minsan ay hindi nito siya sinagot ng maayos. Sinabi lang nitong walang problema at kaya naman nitong ayusin agad kung meron man.

Hindi parin talaga siya makapaniwala. She is with Cage now, na halos tatlong taon din niyang gustong kalimutan. It was not easy on her part, pero ngayon niya lang naintindihan na ganoon din pala ang nararamdaman ni Cage sa nagdaang tatlong taon. He was blaming and hating himself for what he did wrong. Pero pareho lang silang biktima ng mga taong ang gusto ay kasiraan at pagdurusa para sa kanila.

Pagkatapos niyang maligo ay sa banyo na rin siya nagbihis. Pagkalabas niya ay nadatnan niya si Cage na may kung anong kinakatikot sa cellphone nito. Umuklo siya at nakita ang ginagawa nito. May kung ano nanamang inihahabilin. Nang mapansin siya nito ay agad nitong tinago ang cellphone sa likuran at ngumisi pa ito sa kaniya.

"Maligo ka na"

Tumango ito. Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago nito kinuha ang puting tuwalya at pumasok na sa banyo. Hinanap niya ang cellphone nito at nang makita ay agad niyang kinuha. She turned on the cellphone pero may password 'yon. Napanguso nalang siya at itinabi nalang yon.

Maglalakad na sana siya papunta sa may may cabinet para kunin ang pouch niya nang tumunog ang cellphone ni Cage.

The caller was unknown. She was thinking twice if she will answer it or not. Sa huli ay sinagot na lamang niya ito. Nabigla pa siya ng isang malanding boses ang bumungad sa kaniya.

VLS 2: TAMING HER HEARTWhere stories live. Discover now