SEVEN

11.4K 372 4
                                    

CASA BELLO is a great place. Hindi niya nakuhang pumasyal sa lugar na ito kahit ilang taon na siya sa Villa Larra. Ang alam niya ay dito nagsimula ang kwento ni Larra, ang babaeng labis na nagmahal pero nauwi sa masaklap na ending ang istorya nito. Well, it was an ancient story. She has even no idea if the story is real or just a legend. Ang Lazaro ang nagmamay-ari ng Casa Bello. Ang pamilyang Lazaro rin ang may pinakamalaking parte ng lupa sa buong Villa Larra. Halos naghahati rin kasi ng lupa ang mga pamilyang Lazaro, Saavedra, Monteverde, Montenegro at Montecalvo. Ang mga ito ang may pinakamalaking porsyento ng lupa sa Villa Larra.

"Your eyes are shining"

Hindi niya pinansin si Cage na kanina pa siya sinusundan. Katatapos lang nilang mag-ayos ng gamit sa hotel room nila at talaga namang sinadya ng binata na magkatabi ang room nila. Talagang kinuntsaba pa nito ang kapatid magkatabi lang sila ng kwarto. He even asked if he can share the room with her bluntly. Na akala mo naman papayagan niya. He was obviously teasing her and she couldn't even win against him.

"You really love neutral colors, huh" anito, napansin yata ang suot niyang damit. Ang kulay mint grin na halter top lang yata niya ang naiba sa kaniyang kasuotan. Lucy gave that to her.

"I love them, I mean. They seem calm and I feel confident wearing them. Simple but calmer. Ayoko ng matingkad, parang hindi masyadong bagay sa akin. Maybe because I am not bolder? I am more suitable with these kind of colors. O nasanay lang ako?" She smiled at him. Prince remained staring at her.

Ilang segundo itong nakatingin lang sa mukha niya. Kaya naman tuloy na-feel awkward siya. "I lo—like you with white dress" he looked sideways. Saka pa ito napakamot sa batok. "You should try wearing pink"

"I am not like your girly-girly flings"

Natawa ito nang mapansin ang pag-ikot ng mga mata niya. "Why do you keep on bringing that up?"

Sasagot na sana siya nang marinig niya ang pangalan nilang dalawa.

"Ate! Kuya Prince!" Jennie shouted their names. She's in the second floor of Casa Cafe, with a moreno guy. She is smiling widely as she waves her hand at them.

Kumaway naman siya pabalik sa dalaga at napatitig sa binatang kasama nito. He is familiar but she couldn't point out where she saw him.

"Why are you looking at Diego that way?" May irita sa boses ng katabi niya. Salubong pa ang kilay nito. Tila kanina pa siya pinagmamasdan base na rin sa sinabi nito.

She shrugged her shoulders. Tila wala ang pagsusungit ng binata sa kaniya. "He's familiar"

"He is one of the Lazaro's heirs"

Napatango siya. Kaya pala pamilyar ang binata dahil isa pala itong Lazaro. Hindi siya mahilig umalam tungkol sa mga taong sikat sa lugar nila kaya naman hindi niya agad nakilala ang binata. Marahil ay nakikita niya ito noon sa mga pagdiriwang na ginaganap sa mansion ng mga Lazaro. Minsan kasi siyang isinasama ng kaniyang ama.

"He is off limits" biglang sabi ni Cage kaya napaharap siya sa binata at sinamaan ito ng tingin.

"And what do you mean with that? As if I was ogling at him" mas lalong tumaas ang kaliwang kilay niya dito nang mapansin ang panghuhusga sa mga mata nito. "I am not interested on him, kahit sino pang lalaki,nuh"

"Kung tingnan mo kasi parang gusto mo siyang kainin" anito. He looks irritated.

"Hey, wait! That was exaggerated! I am not like you!" Pikon niyang sabi dito. Nahampas niya pa nga ang beywang nito. Nagsisi tuloy siya dahil naramdaman niya ang matigas na tiyan nito.

"He is Jennie's fiance"

Napa'oh' siya. Ang akala pa naman niya ay ma-shiship niya ang JeYro. Mukhang hindi makakapag-asawa ang pinsan niya dahil nakatali na pala si Jennie sa iba.

VLS 2: TAMING HER HEARTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora