FIVE

12K 292 8
                                    

"HINDI PWEDE! kailangan nandiyan ako. Ang daya, crush ko pa naman si Zarrick. I just want to see him and maybe this is my chance to get him!" 'yan ang himutok ni Lucy nang tawagan ni Verra ang kaibigan.

"Malayo ang Maynila sa Cebu, Lucy. Magcar race nalang kayo ni Primo, atleast hindi ka maiinip sa butler mo" aniya, may halong panunukso sa kaibigan. Kahit ganoon siya kabitter sa love, hindi naman nawala ang pag-se-sail ng barko niya para kina Primo at Lucy.

Biglang umasim ang mukha nito. Hindi nagustuhan ang sinabi niya. "Primo again. Duh, Primo is nothing, hindi ko siya pwedeng pagpantasyahan. Plus, he is a total snob when it comes to me. I even walked almost naked in front of him pero parang tuod lang ang isang 'yon!"

"At bakit hindi pwede? And Primo got used to seeing you naked, you wear thin and short clothes at home!"

Natahimik ito sandali. "Kasi hindi kami pwede. I want my man to see me like a real woman, nuh. Parang Primo only sees me as his boss! Wala ba akong ka-amor amor sa kaniya?"

Well, Lucy is indeed a fashionable woman. Plus, she is wealthy. She is not that big pero mas maganda ang katawan nito pagdating sa kurba. May laman kasi ang katawan nito na mas lalo lang nagpa-sexy sa dalaga.

"Maybe Primo is just pretending to not like you? You should try harder. I thought you are going to seduce him?"

"Oo nga! I even bought those sexy linge—hey! Hindi siya 'yon,ha!" Huli na nang marealize nito ang panghuhuli niya rito.

"Yeah, yeah. Gaya ng sabi mo" natatawa niya nalang sabi sa kaibigan na patuloy parin sa pagiging guilty.

Well, her ship is sailing!


PALINGA-LINGA SI Verra sa kabuuan ng field. Malawak 'yon kaya walang duda na hindi niya makita ang hinahanap niya. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan. She doesn't have feelings for Cage. Never. Hindi mangyayari 'yon. Isa itong malaking babala na dapat niyang iwasan dahil ayaw niya uling masaktan. He is obviously a walking bait.

"Hanap mo si Fafa Prince,nuh?" Tanong ni Kathlene na panay ang paypay sa sarili. Kasama nito ang apat na sina Cyrene, Donna at Maricar. Caesy was obviously a big no to this kind of events. Mas gusto nitong maglibang kasama ang mga libro.

"Hindi,a!" Mabilis niyang iling.

"Grabe maka-shake ng head,ha. Ayon siya,o! Ang gwafu, kaso may kasamang clown" anito. "Nginudngud yata ang sarili sa make up. Kulang nalang pati tuhod make-up-in din" natawa naman ang lima ng sabay-sabay dahil sa sinabi ni Cyrene.

Nakita niya nga ang binata na may katabing babae. She's pretty pero nasobrahan nga lang sa make-up. She's already pretty kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nito ng makapal na make-up. Kitang-kita niya kung paano haplusin ng babae ang braso ni Cage. Masyadong hindi maganda 'yon sa kaniyang paningin.

"Ahm. Aalis na ako, hindi talaga ako sanay sa mga ganito" palusot niya, pero alam niyang mababakasan sa tono niya ang pagkadismaya.

"A-huh, you seem jealous,e" Donna said.

Napalingon siya sa babae. "Hindi,a! Hindi ang klase ng lalaki ni Cage ang magugustuhan ko. Tsaka, magmamadre ako" aniya. Natawa naman ang mga kaibigan niya sa huling sinabi niya. Aalis na sana siya doon nang bigla na lamang umalingawngaw ang pangalan niya sa buong lugar.

"Verra Quinn Perez!"

Kailangan pa talagang isigaw ang buong pangalan niya?!

"Verra!" Nakalapit na si Cage sa kinaroroonan nila at nang makalapit ito sa kaniya ay agad itong ngumiti. "Thank God, you are here"

Tabingi siyang napangiti. Aalis na sana kaso nga, umepal ka pa. "Kadarating ko lang. Si Zarrick ang ipinunta ko" that was a lie, ayaw niya lang matapakan ang ego niya dahil mukhang may dinala itong babae para sa pagtitipon na 'yon.

VLS 2: TAMING HER HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon