TEN

10.3K 264 4
                                    

HAWAK HAWAK NI Verra ang kamay ni Cage nang hilain ng kung sino ang binata mula sa kaniya. Hindi niya kilala ang babae kaya naman otomatikong tumaas ang kaniyang kilay lalo na nang marinig niya ang malambing na boses nito na bumulong pa talaga kay Cage pero rinig na rinig naman niya.

"I was right. You are going to be here. Zarria said you want to see me?" The girl eyed her shamelessly. Mula ulo hanggang paa ay tinitigan siya nito. Parang gusto niya na lang mang-ikot ng mata, kaya 'yon ang ginawa niya. Hindi rin naman ito nagpatalo sa pagsusungit niya.

"Steff, I thought you are in New York?" Cage asked her. Parang hindi manlang nito naalalang kasama pa siya nito. Parang gusto niyang mangurot sa tagiliran ulit.

Nasa pool party ni Zarria na sila at hindi na niya mahagilap ang kaniyang kaibigang si Lucy. Kasama nito kanina si Nick at wala talaga siyang tiwala sa lalaking 'yon. Tiningnan niya si Cage na hindi na yata balak na pansinin pa siya. Gusto niyang mapawow sa inis lalo na nang makita niya kung paano bumulong at dilaan ng babae ang side ng tainga ng kasintahan.

Nagpupuyos siya sa galit na umalis doon. Narinig niya ang tawag ni Cage pero hindi niya pinansin. Bahala itong mambabae kung kailan nito gusto. Gusto niya nalang magpapadyak dahil hindi manlang nito siya hinabol. Talaga nagpasipsip ito sa lintang higad na 'yon.

Nakita niya si Leandro na nakaupo sa isang stool doon. Sumisimsim ito ng alak habang patingin-tingin sa cellphone. Lumapit siya sa binata at medyo sinilip ang tinititigan nito sa telepono. Nasulyapan niya doon ang magandang mukha ng babae na hindi pamilyar sa kaniya. Ito ba ang kasintahan ni Leandro kaya maging ang sikat na si Ella ay hindi nito mapansin? She they are still a thing.

"What are you doing here?" Tanong nito nang mapansin siya. Itinago nito ang cellphone at hinarap siya.

"Am I not allowed here? I want a drink" binalingan niya ang bartender na todo ngiti sa kaniya. Napansin niya kasi ito na kanina pa siya pinagmamasdan.

"I did not say that. What I mean is, what are you doing here? You're not with Cage? Where the hell is that punk?"

Napaingos siya. "He's definitely flirting with that Steff"

Natawa ito. "Really? Cage will not flirt in front of you"

"Well, he just actually flirted with someone in front of me. He even let her lick his ear!. Sino ba 'yong babaeng 'yon at kung makakapit kay Cage parang pilay"

Hinanap ng mga mata nito ang kaibigan at napa'oh' pa ito nang makita ang tinutukoy niya. Humalumbaba ito at napabuntong hininga. "You are jealous for the wrong girl" anito.

Napatingin siya sa binata at mabilis pa sa kidlat na umiling-iling. "I'm not jealous"

"Keep denying it. It will help you" tumango-tango pa ito at medyo natawa pa ito. Parang hindi ito 'yong Leandro na laging napakaseryoso. Naninibago rin naman siya sa mga kaibigan ni Cage lalo na at napalapit siya sa mga ito ng kaunti.

"I'm not, really, jealous" aniya. Tiningnan niya ang kasintahan na nakatawang nakikipag-usap sa Steff na 'yon.

"Quit it. You're obvious"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi nga ako—"

"Steff is his cousin. Ampon siya ng bunsong tita ni Prince"

Napatingin siya kay Leandro na nakataas ang kilay. "Pero kita ko kung paano niya dinilaan 'yong side ng right ear ni Cage. Ganoon ba ang gawain ng magpinsan? Nagdidilaan?"

"They're just too close. You're just jealous. Admit it"

Inilingan niya ito at muling tumingin sa kinaroroonan ni Cage. Hindi man lang nito nagawang ipakilala siya as his girlfriend. Mas lalo tuloy siyang nanggagalaiti sa binata pati sa pinsan kuno nito. Magpinsan pero halata namang nilalandi nito ang binata, kaya 'yon na lang ang kinaiinis niya. She looks at him like she wants to devour him. O, medyo natrauma lang talaga siya sa ginawa ni Mylene.

VLS 2: TAMING HER HEARTWhere stories live. Discover now