THREE

12.5K 385 7
                                    

ILANG BESES ng minumura ni Verra si Kian sa kaniyang isipan. Ito ang unang ka-blind date niya na tumagal sa kaniya kahit pa ilang beses na niyang pinahiya at binara ang lalaki. Amuse na amuse pa raw ito sa kaniya at 'yon ang labis na nagpainis pa lalo sa kaniya.

"Tapos ka na ba?" Biglang tanong nito.

Inangat niya ang kaniyang ulo at tinaasan niya ito ng kilay. "Obvious ba? Kita mo nang hindi pa ako tapos, kalahati palang, gusto mo na bang umalis? If you want to leave, then leave. I don't need you here tsaka makaka-"

He cuts her words. "No, I don't want to leave. I'm staying, aalukin lang sana kita na manood ng sine, hindi mo na kasi ginagalaw ang pagkain mo so I thought you were done eating"

Napangisi siya. "Manonood ng sine?"

Tumango ito. Medyo nahihiya pa.

"Wala ka na bang ibang alam bukod sa panonood ng sine? Yung bago naman, ayoko n'on, nakakasawa. Ganoon din kasi ang mga ibang lalaking niyaya ako. I always end up punching them, do you want to know why?"

Napangiwi ito. Ganyan nga, mainis dapat ito sa kaniya o ma-disappoint. "W-why?"

Natawa siya dahil sa reaksyon nito. "Because they want us to make out, while the whole cinema room is dim lighted. And no one wouldn't mind. Aren't they stupid? Paano 'yong ilaw na nagmumula sa movie? Tapos 'yong mga tao sa itaas na likuran namin"

Napatawa ito na siyang kinagigil niya, akala pa naman niya makakaalis na siya dito dahil magagalit na ito, hindi naman pala. She should make some cringe stuffs.

"You do the right thing. They deserve your punch. They should respect you. You are one of a kind. Iba ka talaga,Verra. Mas lalo lang yata kita nagugustuhan" kumikinang pa ang mga mata nito.

Napahampas tuloy siya sa lamesa at inis nang tiningnan ito. Kailangan na niya itong diretsahin. "Can't you see? I don't like you"

Nabigla ito pero agad na nakabawi. "I know"

Siya naman ngayon ang nabigla. "You don't get me, do you?"

Ngumiti ito. "Napansin ko na pagkapasok mo palang kanina, you don't actually do this date, do you? Nalaman ko rin kay Kia, na siyang kapatid ko na kaklase mo last year, na manhater ka pero nakuha mo talagang mangibabaw,e. Kapansin-pansin ka talaga. Ang ganda mo, alam mo ba 'yon?"

Napangisi siya. "Those sugar-coated words will not get me again. What do you want from me? Is it my body? My money? Or maybe you are just thrilled" Mapagmataas na aniya.

Nawala ang ngiti nito. Sumeryoso bigla ang mukha. Naalala niya tuloy bigla ang isang taong labis niyang iniiwasan. Inilibot niya ang kaniyang mata at tama nga siya, the man she hates the most was sitting in one of the table here, in left corner of the cafe. Prince Cage Monteverde was staring at her shamelessly.

Kailan pa ba ito nawala sa mga blind date niya? Lagi itong narito na hindi niya maintindihan. Magugulat na lang siya minsan kapag bigla na lang niyang nasasalubong ang mga mata nito. Wala itong sinasabi, ni ang lapitan nga siya kapag nakaalis na ang ka-blind date niya ay hindi nito ginagawa. Nakatingin lang ito, minsan ay may kasama pa ngang iba. Hindi nalang niya pinapansin dahil ayaw niyang makausap manlang ang binata. He is a walking temptation, a good player. With or without his sweet tongue, alam nitong magpapaibig nito kahit sino mang babae. Plus, girls always say that he is definitely a good f*cker. Yep, he is also known on that field. Kaya nga ito dapat ang taong mas lalo niyang dapat layuan. Well, not that she is easily tempted by him but she was just preventing herself from entering a worst situation.

"I don't want your money, I like you. I don't care if you don't like me, I like you" anito, ayaw parin huminto. Mas dinidiin pa ang pagkagusto nga raw nito sa kaniya.

VLS 2: TAMING HER HEARTWhere stories live. Discover now