chapter 30

2.8K 103 3
                                    

bakit hindi mo naman sakin sinabi na may nangyari na palang masama sayo.may tono ng pagtatampong turan ni alisha sa kaibigan nitong si devina na noon ay bumabawi na ng lakas.napabuntong hininga naman ang huli.

kilala mo ko kapag alam kong kaya ko kinakaya ko pero salamat parin at nandyan ka.saad naman ni devina.

napabuntong hininga naman si nasia na kasalukuyang tinatanaw ang magkaibigan.iniwas niya ang tingin rito.naramdaman nalang niya ang pagtabi ng kanyang kakambal sa kanya.

namimiss mo na sya?tanong nito dahilan para lalo pang umusbong ang pagkasabik niyang nararamdaman.

nararamdaman ko rin ang kanyang pangungulila.mahinang anas niya.inakbayan naman siya ng kakambal.

bawat pangungulila at sakit na kanyang nararamdaman ay parang palaso ding tumatama sa aking puso.ramdam na ramdam ko ang kanyang labis na kalungkutan.nasasaktan nyang dugtong.

lalong lumalakas ang inyong koneksyon.ani naman nito nakikisimpatya sa kanyang nararamdaman.

subalit bakit ganito na kalakas ang aming bond gayun hindi pa kami fully mated.naguguluhan niyang tanong.hinarap naman siya nito at buong pagsuyong hinawakan ang kanyang mukha.

lagi mong iisipin hindi ka karaniwang lobo lamang nasia.ikaw ang nasa propesiya pero lagi mong tatandaan na lagi lamang akong narito para sayo.nayakap siya ito at mahinang napahikbi.

kuya,salamat.hindi ko alam kung pano ko haharapin ang lahat kung wala ka.niyakap narin siya nito at maya maya lang ay kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at mahinang tinapik ang balikat nya.

matatapos din ang lahat at magkakasama ulit kayo.napatango naman siya.

sana nga.

....

alpha may mga sugo galing sa kabilang pack.bungad sa kanya ng kanyang beta.

kaninong pack?walang emosyon niyang tanong.

sa white crescent moon.seryoso ring sagot ni beta carl.napakunot naman ang kanyang noo.sa pagkakaalam nya ang pack na iyon ay masyado ng malayo sa kanilang pack at hindi nya nakakadaupang palad ang pinuno nito sa anumang pagpupulong ng mga alphas.ang pack na ito nasa ilalim ng proteksyon ng ikatlo sa pinakamalakas na pack kayat hindi narin niya ito pinakikialaman dahil narin malapit niyang kaibigan ang nagproprotekta dito.isa pa ang tuon niya ay nasa kapakanan ng kanyang nasasakupan.

ano ang sadya nila?malalim ang boses niyang tanong.sa mga sulat at sugong dumarating ay ang kanyang beta ang humaharap dito at ito naman ang naghahatid sa kanya ng mensahe.ang kanyang ang higit na pinagkakatiwalaan niya sa lahat.

nagpadala sila ng mensahe ng paghingi ng tulong.napakunot ang kanyang noo.ngayon lamang nangyari ito at hindi bat dapat sa ikatlo sa pinakamalakas na pack sila manghingi ng tulong.mukhang nabasa naman ni carl ang kanyang ekpresyon.

nilusob ang kanilang pack at kasalukuyan silang lumikas sa blue moon pack.ikatlo sa pinakamalakas na pack.ngunit nangangamba parin sila sa kanilang kalagayan kayat nagpadala sila ng mensahe sa atin.

anong klaseng nilalang ang umatake sa kanila.mayroon na siyang hinala ngunit gusto niya ng kumpirmasyon sapagkat ang grupo ng mga ito ay sunod sunod ng umaatake sa iba pang mga pack.

mga bampira alpha.

napakuyom siya ng kamao kasabay ng pag ahon ng galit sa kanyang dibdib.nanginginig ang kanyang kalamnan sa galit.sila ang dahilan kung bakit labis siyang nasasaktan at nangungulila ngayon.sila ang dahilan kung bakit hindi na niya kasama ang kanyang minamahal.

at isa pa alpha,sa pack na iyon nanggaling ang ating luna.lumuwag ang kanyang pagkakakuyom at marahas na nilingon si carl.

anong ating magiging tugon alpha.

send them all here.maoturidad niyang saad.

alpha.pangungumpirma ni karl.

they are my mate's family and I want you to transfer them all here.may pinalidad niyang saad.

masusunod alpha.

mate,my luna please come back I am dying to see you.I miss you so damn much.

...

nakausap ko na ang iba pa nating kapanalig para sa nalalapit na digmaan.sapat na ang inyong pagsasanay at natitiyak kong handa na kayo.walang mababakas na emosyon sa boses ni devina.sa ganitong mga sitwasyon ay kailangan ang kaseryusuhan.hindi biro ang pagsasanay na kanilang dinanas ng kanyang kakambal.pagkatapos noon ay ramdam niya ang malaking pagbabago sa kanyang lakas at kakayahan.

darating ang grupo ni alisha sa oras na lumitaw na ang bilog na buwan ganun din ang iba pa.patuloy nito.si alisha ay bumalik sa kanyang mundo nangako itong tutulong sa kanila at darating sa oras ng digmaan.sinanay rin ang kanyang nasasakupan ganundin ang iba pang kapanalig.

dalawang araw nalang at magaganap na ang kitatakutan ng lahat ang magaganap na ang unang digmaan sa pagitan ng mga devil,bampira at mga lobo.ganundin ang iba pang lahi na kanilang kapanalig.ito ang kauna unahang magaganap ang ganito kalaking digmaan.hindi siya dapat makaramdam ng takot at pangamba dahil sa kanya nakasalalay ang lahat.sa kanya umaasa ang lahat.

matapos silang idismiss ni devina ay napagpasyahan niyang taluntunin ang daan patungo sa malinis na batis.ito ang nagsisilbing hingahan. niya tuwing nakararamdam siya ng kalungkutan at pangungulila.ang banayad na agos nito ang nagpapakalma sa kanyang nangungulilang puso.

konting panahon nalang mahal ko magkikita na ulit tayo bulong niya sa hangin.
umihip ang hangin at may nahagip ang kanyang pang amoy.marahas siyang lumingon at nakiramdam.hindi siya maaaring pagkamali sa amoy nito.napakuyom siya ng kamay at kinalma ang sarili.pingana niya ang kanyang pakiramdam.naririnig niya ang mabibilis nitong kilos at palipat lipat na pwesto.bawat kaluskos nito ay kanyang naririnig.nagawa niyang iwasan ang atake nanggaling sa kanyang kanan at mabilis na nahagip ang leeg nito.wala pang isang segundo ang nakasalya na ito sa kata wan ng puno habang mahigpit niyang hawak ang leeg nito.

anong kailangan mo bampira.mangingilabot ang makakarinig sa kanyang boses sapagkat walang anumang emosyong nababalot rito kundi malakas na pwersa ng kapangyarihan.umubo ubo ang kanyang sakmal na bampira.

h-hindi ako kalaban.paputol putol na saad nito.

nakipagtitigan siya sa mapupula nitong mga mata na wari bang hinahalukay ang kasuluksulukan ng pagkatao nito.binitawan nya rin naman ito ng makita ang nais niyang malaman.

nais ninyong sumama at umanib sa amin sa darating na digmaan tama ba?wala paring emosyon niyang tanong.napangisi naman ito matapos makarecover sa ginawa niyang pagsakmal sa leeg nito.

hindi nga ako nagkamali ng sapantaha.malakas ka nga,totoo ang sabi sabi sa itinakdang lycan.

matiim niya itong hinarap.ito naman ay sumeryoso ang mukha.

halos maubos na ang aming lahi.hindi lingid sa inyo na grupo ng mga bampira ang sunod na sunod na umaatake sa mga grupo rin ng mga lobo.karamihan sa aming mga kalahi ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga devil at wala kaming magawa kundi kalabanin ang aming mga kalahi.hindi lingid sa amin ang magaganap na digmaan at asahan ninyo na ako at aking mga kasamahan ay nasa inyo nakasuporta.

hindi mo nais na tuluyang maglaho ang inyong lahi at malaki ang inyong pagnanais na mailigtas ang inyong angkan.saad niya.

hindi kami makakapayag na patuloy na gamitin ng aming lahi na instrumento ng mga demonyo.sasama kami para tapusin ang kanilang kasamaan.puno ng determinasyon at poot ang mga mata nito.

aasahan ko ang grupo ninyo sa paglitaw ng haring buwan.tumango ito at mabilis ding umalis.

dumarami na kanilang kapanalig.malaki ang posibilidad ng kanilang pagkatalo ngunit sa ganitong sitwasyon katulad ng digmaan ay kumakapit ang lahat sa maliit na porsyente ng tagumpay.

kung dumating man ang sandali na wala ng ibang paraan kundi iyon hindi siya magdadalawang isip na gawin kahit pa nakasalalay dito ang kanyang sariling kaligayahan.

a/n vote and comment.




She's my lycan mate(completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt