chapter 27

2.8K 105 8
                                    

Sorry for the long wait. Kawattpad✌👊🕶

boooghss!!!!

galit na galit ang alpha dahil hindi parin nila nakikita ang kanyang luna.labis na siyang nag aalala sa kaligtasan nito kung wala nga ang kanyang beta ay nawala na siya sa sarili  dumagdag pa ang problemang kanilang kakaharapin.buhay ng lahi ng mga lobo ang nakataya kaya kahit nais niyang hanapin saan mang sulok ng mundo ang kanyang luna ay hindi niya magawa.parang sasabog na ang kanyang puso sa matinding emosyon.nagsipag uwean narin ang ibang mga alpha dahil naalarma ang lahat sa nangyari sa kagabi at sa posibleng muling paglitaw ng mga pambira.nangangamba ang ibang alpha na lusubin ang kanilang mga sariling pack habang wala sila. sasailalim ang lahat ng packs sa matinding pagsasanay .gustuhin man nila tumulong sa paghahanap ngunit may responsibilidad din silang kailangang unahin.naiintidihan naman ito ng kanilang pack.nagpulong muna ang lahat bago ito nagsipag alisan.sasanayin ang mga nasasakupan dahil sa magaganap na digmaan.ang pulang buwan ay simbolo ng digmaan at kamatayan.sa gitna ng pagpupulong ay lumitaw ang isang babae.nakahood ito kayat hindi ito nakilala.inihayag nito ang propesiya sa kanila.ang nalalapit na digmaan sa pagitan ng mga lobo,bampira at mga devil.binalot ng takot ang lahat ng naroon.susugudin sana ni xen ang babaeng ito subalit may kung anong barrier na nakapalibot rito.

kalokohan kailan pa nangialam ang mga devil sa labanan ng mga lobo at bampira?galit na tanong ng isang alpha.

hindi nyo magugustuhan kong sasabihin ko sa inyo.nagningas sa galit ang mga naroon.

sabihin mo may kinalaman ba ang mga devil sa muling paglitaw ng mga bampira?seryosong tanong ni xen.

oo.matigas na saad ng babae.

napagasp naman ang mga naroon.

at bakit ka namin paniniwalaan?tanong naman ni carl.ngumisi ito.

hindi ko kayo pipiliting maniwala sa akin subalit kung nais ninyong matulad ang lahi ninyo sa lahi ng mga lycan at maging bahagi nalang ng kasaysayan ay wala na kong magagawa .napasinghap naman ang mga elder na naroon .nanlisik sa galit ang kanilang mata.nagtataka namang ang mga alpha at iba pang naroon.hindi sila pamilyar sa lahing nabanggit ng babae.ang lahi ng mga lycan.

wala kaming pakialam sa mga mapagmalupit na mga lycan .

nararapat lamang na maubos ang kanilang lahi dahil mga wala silang puso.

nalungkot ang mukha ng babae sa mga narinig sa elder.nakamasid lamang at nakikinig sa palitan ng sagot ng elders at ng babae si xen.curious rin siya sa mga lahi ng mga lycan na ngayon nya lang din narinig.at ano ang dahilan kung bakit galit na galit ang mga elders.

wala silang kasalanan biktima lang din sila.mapait na saad ng babae.

wala?nang uuyam na tanong ng isang elder.

ginawa nilang mga demonyo ang aming lahi,pinahirapan,inabuso at inalipin.masyadong mahirap at masakit ang dinanas ng aming lahi sa kanilang mga kamay kayat papaano mong nasabing biktima rin sila.napakuyom ng kamay si xen.galit ang namuo sa kanyang dibdib ng marinig ang dinanas ng kanilang lahi sa kamay ng mga lycan na iyon.batid nyang ganun din ang nararamdaman ng mga naroon.

matagal na panahon na naging lihim ang totoong nangyari noon.maraming taon na ang lumipas.ang buong akala koy hindi na darating pa sa puntong ito.na kakailanganin kong ipaalam sa inyo ang nakaraan at kasaysayan

kumumpas ang babae sa hangin may kung anong mahika ang lumutang at biglang lumikha ng mga larawan.lahat ng mata ay nakatuon roon.waring nanonood ang mga naroon at walang sinuman na nagbalak magsalita.

Ng mga panahong hindi pa nagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga lycans at weres ay magkakasundo pa ang ibat ibang uri ng makakapangyarihang nilalang mapa diyos o ibang elemento.Lumikha ang dyosa ng buwan ng dalawang uri ng lobo at  inilagak sa daigdig sapagkat ito ang naisip niyang mainam na tirahan ng mga ito.Sobrang mahal ng dyosa ng buwan ang mga lycans at weres na kanyang nilikha ,sinadya niyang gawing mas malakas ang mga lycans upang maging pinuno ng mga weres sapagkat naniniwala siyang mapapanatili ang kaayusan at pagkakaisa kung mayroong malakas at mabuting pinuno, subalit hindi niya inaasahan na pagtataksilan siya ng mga devil .Nilason ng mga ito ang isip ng mga lycans at pinasunod sa lahat ng kanilang inuutos .Naging malupit ang mga lycans sa mga weres sapagkat mas malakas ang mga ito ay walang magawa ang mga ito kundi maghinagpis.Naging sunod sunuran ang mga weres sa mga lycans .Naging heart predator ng mga hayop at tao ang mga weres dahil narin sa utos ng mga lycans,kumakain sila ng mga pusong sariwa .

Napuno ng galit ang dyosa ng buwan dahil sa nasasaksihang paghihirap ng mga weres sa kamay ng mga lycans kaya't inihayag nya ang isang kaparusahan .subalit nagmatigas ang mga lycans at sinalakay ang mga weres at nagsimula ng digmaan sa pagitan ng dalawang panig.dumanak ang dugo ng mga asong lobo ,nagkalat ang bangkay ng mga weres .labag man sa kalooban ay walang ng ibang paraang naisip ang dyosa ng buwan kundi ang lipulin sa sariling paraan ang lahi ng mga lycans sapagkat kung hindi niya gagawin ay ang lahi ng weres ang syang mauubos.Naubos ang lahat ng lycans ng magsimula ang mga itong mawalan ng malay at magsilaho subalit nagmakaawa ang natitirang babaeng lycan para sa kanyang buhay nakita ng dyosa ang labis na pagsisi nito kumpara sa mga kauri nito.Sa halip na bawiin ang buhay ay isinumpa na lamang ng dyosa ng buwan ang natitirang lycan .Isinumpa niya itong maging in wolf form lamang sa loob ng 7 taon.Hindi rin nais ng dyosa na maubos ang lahi ng isa sa kanyang nilikha .Hindi na muli pang nakita ng mga weres ang babaeng lycan kasabay ng paglayo nito ay ang tuluyan na nitong paglaho.Muling bumangon ang lahi ng mga weres ang natitirang lahi ng taong lobo at ang lahi ng mga lycan ay naging isang alamat at napabilang nalang sa kasaysayan sa paglipas ng panahon.Nagsulputan ang ibat ibang grupo ng mga lobo na pinamumunuan ng mas malakas na uri ng taong lobo ang dugo ng alpha na hinirang ng dyosa upang maging bagong pinuno ng bawat grupo na kalaunan ay tinawag na wolfpack .Binigyan ng dyosa ang mga lobo ng mate upang maging kabiyak ng bawat isa sa mga ito

100 years  laters

narinig ang malalakas na alulong mga asong lobo.puno ng galit,pagkasuklam at sakit ang kanilang mga alulong.nagshift ang lahat.sinugod nila ng sabay ang babae.ngunit malakas ang bariier nito.

napatigil ang lahat ang  lahat ng muling magkaroon ng larawan ang mahikang nakalutang.

kitang kita nila kung paano kontrolin ng mga devil ang isip ng mga lycan.ang mga pilit lumalaban ay walang awa nilang pinapatay.nagmistulang puppet ng mga devil ang mga lycans.nais ng mga devil na maramdaman ng moon goddess ang labis na sakit sa paraang iisipin nitong labis siyang binigo ng mga pinakamamahal niyang mga nilalang.noon pa malaki ang inggit ng mga devil sa god and goddeses at isa na naroon ang dyosa ng buwan.nadaragdagan ang kanilang mga kapangyarihan kapag nagagawa nilang manalo laban sa mga diyos at dyosa.

tuluyan ng nawala ang mahika kasabay din ng pagkawala ng babae.wala ni isa man ang umimik.naiwan sa malalim na pag iisip ang mga naroon.bawat isa kanila ay nais maghiganti,laban sa totoo nilang kalaban ...

ang mga devil.

a/n tagal ng update.sorry po.

She's my lycan mate(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon