chapter 9

3.2K 126 4
                                    

Isa kang mahina at walang kwentang nilalang!

Isinumpang lobo

Puro panunuya ang kanyang naririnig.lahat binabato siya ng mga mapanuyang salita.

Papaano nakapasok dito ay isang napakahinang she wolf na nakatulad mo ?

Muli siyang lumipad papunta sa kabilang banda ng gusali.muling nangibabaw ang kanilang halakhakan at matatalim na mga salita na kahit sarili nya ay hindi magawang tutulan.sa bawat mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig ay parang mga patalim na nagmamarka sa kanyang pagkatao.hinang hina na siya dahil sa mga natamong sugat mula sa mga ito.

Paano nga ba sya humantong sa ganitong kalagayan ?kanina lamang ay masaya pa silang magkasama ni sky habang tinatalunton ang kahabaan ng hallway patungo sa kanilang silid aralan.

Tama,sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman siyang nabangga sa mga ito kasabay ng pagkakalantad ng kanyang marka na tuluyan palang magbabago sa takbo ng buhay nya.nilingon niya si sky na wala paring malay.

Pagmasdan nyo ang babaeng isinumpa!pagmasdan nyo kung gaano sya kahina at kawalang kwentang lobo.

Mahina!

Mahina ka!

Isa kang isinumpa!

Oy best tulala ka na naman.

Nabalik siya sa kasalukuyan dahil sa pagtapik ni sky sa balikat nya.

Pinahirapan ka na naman ba ng grupo nila vea?nakikisitpatya nitong saad.

Napayuko nalamang siya sapagkat wala siyang gana maglabas ng kahit isang salita para saan pa ?wala din namang magbabago.

Best sa loob ba ng limang taong pamamalagi natin dito pumasok man lang ba sa isip mo ang lumaban?

Hindi siya sumagot at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.

Hindi ka man lang ba magsasalita?

Sandaling tumahimik si sky at pinakiramdaman ang paligid.hindi nga sya nagkamali ng sa likod ni nasia ay bumagsak si vea .naalarma siya ng
Agad nitong sakalin ang kaibigan .agad na umahon ang matinding galit sa kanya.

Bitiwan mo sya!mariin niyang utos na ikinangisi lamang nito.

At bakit ako susunod?

Kitang kita niya na nahihirapan na ang kaibigan niya.alam nyang hindi niya kaya si vea pero gagawin nya ang lahat ipagtanggol lang ang kaibigan.

Mas lalo pa nitong idiin ang mahahaba nitong kuko sa kaibigan kayat agad niya itong sinugod.ngunit nagkamali siya ng galaw kayat kay nasia bumaon ang kanyang mga kuko,mula roon ay dumaloy ang dugo nito kayat agad siyang natigilan.

Aaahhh!

Ops wrong move.nakangising saad ni vea na lalo pang natutuwa dahil sa nangyari.

Best hindi ko sinasadya.buong pagsisisi niyang usal.

Malungkot lamang na ngumiti ito sa kanya kasabay ng pagbagsak nito sa lupa.

Best!

Tsk!mga mahihina

Tuluyan na silang nilisan ni vea .agad na dinaluhan ni sky ang nanghihinang kaibigan.

Im sorry best patawarin mo ko hindi ko sinasadya.umiiyak niyang saad habang buong pagsisising nakatitig sa mga mata ng kaibigan.

Ngumiti lamang ito ng malumanay kasabay ng paghihilom ng sugat nito.

Wala kang kasalanan kaya wag mo ng sisihin ang sarili mo.

Kahit na kasalanan ko parin.

Dagling kumalat ang dilim ng hapong iyon kasabay ng tuluyang paglaganap ng dilim.

Malapit na ,malapit ng maganap ang nakatakda sa kanya at hindi ko na ito mapipigilan pa.

Bumasag sa katahimikan ng gabi ang malakas na daing ni Nasia kasabay ng pagsilip ng buwan na gumising sa mga diwa ng mga taong lobo.

Aaaaahhhh!!!!

Best anong nangyayari sayo?

Aaaahhhhh

A-ang iyong marka muling nagliliwanag!anong nangyayari

Ayoko na make it stop!

Anong gagawin ko?

Marahas na bumukas ang pinto ng kanilang silid at pumasok rito ang tagapagbantay ng tarangkahan.

Anong nangyayari dito?matigas nitong tanong at bumaling sa namimilipit na si Nasia.

H-hindi ko rin po alam bigla nalamang siyang dumaing sa hindi ko malamang dahilan.kinakabahang saad ni sky sapagkat natatakot siya na nauulit na naman ang pangyayari noong unang pagshift niya.

May mga ilang lobo narin na nasa labas ng kanilang silid na nais ring makahanap ng kasagutan mula sa mga daing at hiyaw na tila walang kapantay na paghihirap ang dinadanas nito.nagsisimula narin ang mga bulong bulungan ng mga ito.

Ang babaeng sinumpa ay pinapahirapan ng dyosa ng buwan.

Isa lamang iyan sa nahagip ng matalas na pandinig ni sky na nagbangon ng kanyang galit sa kabila ng pag aalala sa kaibigan.bumalik ang kanyang atensyon sa kaibigan ng magsalita ang lalaking tagapagbantay.

Magsipag alisan na kayo.dumagundong ang boses nito sa buong sulok ng lugar na iyon kayat lahat ay ginapangan ng takot.makapangyarihan ang utos nito na sinuman ay walang karapatang sumuway.isa isa ng nagsialisan ang mga lobong naroon hanggang sa sila nalamang tatlo ang natira.

Papalapit na ang muling kabilugan ng buwan kayat asahan nyong muling mangyayari ang naganap sa kanya.

Tahimik itong tumayo at tinahak ang pinto.

Anong ibig mong sabihin?

Hindi na mapipigilan ang kanyang paglitaw at pagkabuhay kayat humanda kayo sa magaganap na pagbabago.seryoso nitong saad na naghatid ng kilabot kay sky.

Tuluyan na itong lumisan .nilingon niya ang payapa ng natutulog na si sky.

Bakiy parang may alam ito tungkol sa kanyang kaibigan.

Ano ba talagang hiwagang bumabalot sayo Nasia.bulong niya sa hangin.

A/N thanks for reading ang voting. keep waiting for the next update

Sa mga naghihintay po sa pagkikita nila ng kanyang mate soon po.

Dont forget to vote and comment.















She's my lycan mate(completed)Where stories live. Discover now