chapter 11

3.3K 137 3
                                    


Ilang araw na ang lumipas ngunit patuloy paring ginugulo si Nasia ng mga nakaraang nangyari.Hindi narin siya tinantanan ng grupo nila vea pilit nila siyang pinapaamin na tinatago nya raw ang wolf nya kahit anong tanggi nya ay hindi sila naniniwala.kung totoo man na may wolf siya  bakit ko naman itatago nya itatago kung ito ang pinakaaasam asam nyang magkaroon.

Excited na akong umuwe best.hyper na saad ni sky kayat nakaunot ang noong bumaling siya rito.

Ha?uuwe ka?

Ito naman ang napakunot ang noo.

Oo ,lahat naman eh

Lalong nagsalubong ang kilay ni Nasia dahil sa narinig lalo pa ata siyang naguluhan.

Dont tell me hindi mo alam?

Ha?ang alin?tungkol saan?

Saan ka ba nagsusuot at ikaw lang ata ang walang alam.

Kahit pakaisipin nya pang mabuti wala talaga siyang alam .nitong mga nakaraang araw kasi ay maraming gumugulo sa isip nya kaya hindi na niya pinagtutuunan ng pansin ang mga nangyayari sa paligid nya.

Ano ba kasi yun?ang tagal pa sabihin eh

Hello!malapit na ang full moon kaya pinauuwe na muna ang lahat ng estudyante dito alam mo naman kung anong nangyayari sa ating mga lobo tuwing kabilugan ng buwan diba?

Ang full moon,ang gabing lalong lumalakas ang mga taong lobo at nagiging agresibo ang mga wolf nito kung kayat hindi naiiwasan na may mga lobong hindi makontrol ang kanilang mga wolf kayat nagiging mapanganib sa iba kayat pinauuwe ang bawat estudyante upang matiyak na walang mapapahamak sa loob ng school dahil kung ang mga itoy nasa kani kanilang pack ay mas ligtas at nababantayan sila.

Napabuntong hininga siya.pinapaalala lamang ng full moon ang mapait niyang kapalaran.hindi katulad ng iba niyang mga kalahi ay nananatili siyang in human form tuwing kabilugan ng buwan.

Ano hindi ka ba natutuwa?

Syempre masaya ako dahil makikita ko na ulit sina mom and dad.

Totoo naman na nananabik din siyang  umuwe sa kanyang pack dahil labis narin niyang namimiss ang kanyang ina at ama  kahit pa umuuwe naman sila kapag bakasyon at tuwing sasapit ang fullmoon.muli niyang hinaplos ang marka sa kanyang noo at mapait na napangiti.matagal na niyang natanggap na kahit kailan ay hindi niya mararanasang magkaroon ng wolf kahit gaano nya pa ito kanais.sadyang pinagkaitan lamang siya ng kapalaran pero kahit kailan ay hindi niya sinisi ang dyosa ng buwan .malaki parin ang ipinagsasalamat  niya dito dahil ibinigay siya nito sa kanyang mga magulang at maranasan kung paano mabuhay sa mundo.

Dagling lumipas ang mga araw hanggang sa tuluyan na silang umuwe ni sky katulad ng mga edtudyante ng black moon academy.Ng malapit na sila sa border ay may sumalubong sa kanilang dalawang pack warrior na madalas namang nangyayari dahil sa malakas nilang senses ay nalalaman agad ng mga ito kung may dumarating .masaya silang binati ng mga ito. bago siya makarating sa packhouse ay naghiwalay na sila ni sky dahil nananabik na din itong makita ang kanyang pamilya

Masaya niyang tinungo ang packhouse

Mom!dad!Im home!
Masaya niyang bungad ng makapasok sa looban .kitang kita niya ang saya sa kanilang mukha.nais niyang supresahin ang mga ito kayat itinago niya ang kanyang scents.

Anak!
Masaya siyang sinalubong ng ina ng yakap at pagkatapos ay ang kanya namang ama.naging masaya ang kanilang kwentuhan  .hindi sila nauubusan ng mga kwento sa ito.inilihim na lamang niya ang mga masasamang nangyari sa kanya sa campus dahil ayaw niyang mag alala pa ang mga ito sa kanya.

Sa mga araw na nag stay siya sa kanilang pack ay sinanay nya na lamang ang kanyang sarili sa pakikipaglaban kahit pa ang nais ng kanyang ama ay maglibang na lamang siya ngunit siya na rin ang tumanggi.

Marahan siyang nagtungo sa tapat ng kanyang bintana habang mataman na tumingin sa kalangitan .ngayong gabi ay muling tatanglaw sa kalangitan ang bilog na bilog na buwan at gigising sa natutulog na bangis ng mga lobo.kung noon ay nananabik siya tuwing sasapit ang fullmoon ngayon ay naglaho na kasabay ng pag asang makikilala na niya ang kanyang lobo.nawala ang kaligayahang nararamdaman nya noon at napalitan ng pangamba at takot na maaaring idulot sa kanya ng markang nasa kanyang noo.

Agad bumangon ang kanyang kaba ng magsimula ng lumitaw ang buwan na wari'y hari ng buong kalangitan dahil sa liwanag nitong taglay kasabay noon ang sunod sunod na alulong ng kanyang mga kapwa lobo.

Awooooo!!!!

Dug!

Napasapo siya sa dibdib ng malakas itong pumintig hanggang sa maging sunod sunod na.malakas niya itong pinapalo ng kanyang kamay ngunit hindi mawala wala ang sakit lalo pa itong sumidhi ng tuluyang magpakita ang kabuuan ng buwan.nagbutil butil ang kanyang mga pawis kasabay noon ang muling pag ilaw ng marka ngunit hindi katulad noon ay unti unti itong nawawala sa kinalalagyan.nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na sakit na parang binabali ang bawat himaymay ng kanyang mga buto kayat napahiyaw siya sa sakit.

Aaaaahhhhh!!!!

Nagawa niyang makarating sa kanyang kama at doon namilipit ng sakit.narinig din niya ang sunod sunod na katok ng kanyang mga magulang at ang nag aalala nitong mga boses.
Muli siyang napahiyaw sa sakit. .nararamdaman niya ang pagkabali ng kanyang buto.tatayo sana siya ngunit nagulat siya ng makitang apat na ang kanyang paa at nababalutan ito ng mga balahibo.tuluyan ng naglaho ang sakit ngunit pagod at hingal na hingal pa rin siya.hindi siya makapaniwala .she have paws and tails. Tinungo niya ang malaking salamin sa kanyang silid at buong manghang pinagmasdan ang sarili.napakaganda ng wolf ko .kaiba ang wolf nya.malaki ito para sa normal na shewolf iba rin ang kulay ng kanyang balahibo kumpara sa kanyang mga ka pack.may wolf ako at napaganda nya.bulalas niya.

Salamat ikaw rin napaganda

Ha!sino yun

Ako si sherra ,ang wolf mo.masaya nitong turan.

Totoo ka nga.masaya niyang usal.napalingon siya sa pinto ng kanyang silid ng marahas itong bumukas .iniluwa nito ang kanyang mga magulang .

Mom!dad! Nakapagshift na ko!masaya niyang mindlink dito.

Ngunit hindi tuwa ang kayang makita sa mga mukha ng mga ito kundi gulat at pagkahilakbot.pero bakit?

L-lycan!

A/N vote and comment po

She's my lycan mate(completed)Where stories live. Discover now