chapter 18

3.1K 115 4
                                    

A/N thanks po sa mga nagvote lamat po
I know na nakakainis na si nasia but understand her situation din po at kung ano ang pinagdadaanan nya.

Btw

Here's the update na!





Nagawang ihagis ng walang kahirap hirap ni sherra ang mga warrior na nagtatangkang pumigil sa kanya na makalapit sa kanyang mate dahilan upang lalo mandilim ang kanyang mga paningin.nagliliyab na sa galit ang kanyang mga mata lalot patindi ng patindi ang pagliliyab ng kanyang katawan.lalo rin lumakas ang pagtama ng katawan at kuko ni ryder sa rehas na humahadlang sa kanya upang tuluyang makalapit sa kanyang mate.

Sinubukan muling sumugod ng beta sa luna ngunit nakipagsabayan lamang ito sa kanya at muli lamang siyang tumilapon.kahit maraming bagay ang gumugulo sa isip nya ngayon dahil sa kakaiba at hindi pangkaraniwang taglay na lakas ng kanilang luna na mas malakas pa sa isang female alpha ay hindi na muna niya pinagtuunan ng pansin kahit na labis niya itong ikinagulat at hindi kapanipaniwala dahil narin sa pangakong binitawan niya sa kanyang alpha,kay alpha xen.

Nagsimulang magpalit palit ang kulay ng mata ni sherra .nagkaroon ng pag asa ang beta dahil sa nakikitang pakikipaglaban ng kanilang luna sa wolf nito.umangil ito ng malakas na waring anumang oras ay magpapalit na ng anyo.

Sherra ,pakiusap makinig ka sa akin .nahihirapang pakiusap ni nasia sa kanyang lobong si sherra.

Bakit ba patuloy mo parin akong pinipigilan!galit na angil nito sa kanya.

Nanatiling nakamaan ang beta sa kanilang luna na nakikipaglaban ngayon sa sarili nitong mate.patuloy rin ang pag angil ni ryder na nasa loob parin ng mga rehas.naging alerto siya ng makitang nanghihinang sumadlak sa isang sulok ang luna.dahan dahan siyang lumapit rito habang nanatiling alerto sa posibleng pag atake nito.napapitlag siya ng marahas itong lumingon sa kanya.bilang isang beta ng pinakamalakas na pack ay wala siyang kinatatakutan maliban sa kanyang alpha,ngunit ngayong nasasaksihan niya ang pagwawala ng kanilang luna ay nakararamdam siya ng takot rito.waring nababalot ito ng mga mesteryo .

Nagdadalawang isip pa sya kung patuloy siyang lalapit rito.nakatagpo ng kanyang mga mata ang mga brown nitong mata dahilan para mapuno siya pag asa.

Luna nasia.anas niya

Beta carl.nanghihinang saad ni nasia .nabaling ang kanyang paningin sa patuloy parin na nagwawalang alpha.naalarma ang beta ng makitang papalapit ang luna sa alpha.

Luna,nababahalang bulalas ni beta carl.

Wag kang mag alala beta kaya ko ang sarili ko nais ko lamang siyang...madama.nahihirapan paring saad ng luna.

Bagamat naninibago parin ang beta sa pagbabagong pakikitungo nito sa kanilang alpha ay hinayaan lamang niya itong makalapit sa mga rehas.

Lalong Naging agrisibo ang kanilang alpha ng makitang papalapit ang luna dito.iwinagayway nito ang mga buntot at lalong nagpumilit na makalabas ngunit katulad kanina at napapasong mapapalayo muli.

Epekto ba ito ng heat season nito sa luna?

Sa kabila ng mga katanungan ay nakaramdam parin ng saya ang beta para sa kanyang alpha.napagtanto niyang kahit natatakot ito sa kanilang alpha hindi parin nito mapipigilan ang mate bond na nagdudugtong sa kanila.

Masuyong hinaplos ng luna ang malambot na balahibo ni ryder.umalulong lamang ang nasisiyahang lobo at pilit na iniinda ang lalong pag iinit ng kanyang katawan dahil sa labis na sayang nararamdaman nito.

Im sorry pero hindi pa ngayon ,bigyan mo sana ako ng oras.puno ng damdaming saad ng luna bago inilayo ang mga kamay sa siwang ng rehas at bumaling ng alpha.nahihirapan siyang nakipagtitigan sa nakamaang paring beta.

Beta carl ikulong mo na ako sa silver na rehas habang nakokontrol ko pa si sherra.nahihirapang saad nito.umangil si ryder dahil hindi nito nagustuhan ang pasya ng kanyang luna.

No!you stay here!galit nitong angil.muling hinaplos ni nasia ang nagwawalang lobo.

Please ryder .puno ng pagsusumamong saad ng luna.

Lumambot ang mapanganib na awra ni ryder at parang tuta napatango.hinang hina na rin ito ngunit mahaba pa ang gabi ng kanyang paghihirap.

Ngayon na beta carl!hiyaw ni nasia

Masusunod luna.

Sa kahabaan ng gabi ay walang maririnig kundi ang angil at alulong ng dalawang lobong pilit nilalabanan ang init na sumusunog sa kanilang mga katawan .patuloy ang mababagsik nitong mga angil na sumisira sa katahimikan ng gabi.

Patawad aking alpha.mahinang bulong ni nasia habang pilit na tinitiis ang sakit na dapat sanay pinagsasaluhan nila ng kanyang alpha.

Ng kanyang mate

A/N so how was it.any comment
Vote!votevote!

She's my lycan mate(completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz