chapter 20

3.4K 127 7
                                    


A/N sorry po sa matagal na updates and thank you po sa mga nagfollow at votes.

Thanks sa mga naghihintay ng updates keep waiting po.

so here's the update

Nagising si nasia sa magagaang haplos sa kanyang buhok.naghahatid ito sa kanya ng labis na kapanatagan ganundin ang mahalimuyak na scents na nunuot sa kanyang ilong kayat lalo pa siyang nagsumiksik sa bisig nito.sandali itong natigilan ngunit agad ding nakabawi.hinapit nito ang kanyang bewang upang lalo pa isiksik ang kanyang katawan sa mga bisig nito.

Wake up sleepy head.malamyos ang boses nito kayat imbis na magising ay lalo pa siyang inaantok.naramdaman niya ang mabibini nitong halik sa kanyang buhok.

Gising na aking luna,marami ang  naghihintay sayo.Napakaganda pakinggan ng boses nito kayat kahit gising na siyay ayaw pa niyang imulat ang kanyang mga mata.

I know your already awake.kinusot niya ang kanyang mga mata bago dahan dahang imulat.nasilaw pa siya ng bahagya sa liwanag na nagmumula sa bintana ng silid.Nang makabawi ay ang nakangiting alpha ang nabungaran niya.

Good morning my beautiful mate.lumundag ang kanyang puso upon hearing his voice.

Hindi na siyang nag atubili na suklian ng matamis ring ngiti ang mga ngiti nito.kumislap sa tuwa ang mga mata nito at pagkuwan ay inalalayan siyang humiga sa headboard ng king size na kama.

Kahit  pa gaano ko kagusto na manatili na lamang tayo dito at makasama ka pa ng matagal ay alam kong hindi maaari,maraming naghihintay sayo sa baba.they excited to meet their luna.mahinahong saad nito.napangiti naman siya sa kaalamang tanggap siya ng mga nasasakupan nito.

Marahan siya nitong hinalikan sa noo bago magpaalam ng siyay makapag ayos narin.

Palapit pa lamang siya sa kusina ay naririnig na niya ang masaya at maingay na kwentuhan ng mga naroroon.tumahimik ang mga ito ng maramdaman ang kanyang presensya.agad na lumapit sa kanya si xen at inakay papunta sa katabing upuan nito.ipinaghila siya nito ng upuan na sinuklian naman niya ng tipid na ngiti.ngunit sa loob loob niya ay labis labis na kanyang galak.nagtitili rin sa kanyang isip ang kanyang lobo.napabaling ang kanyang pansin sa mga lobong naroon na pawang masayang nakangiti sa kanya.ngumiti rin siya sa mga ito dahilan para kumislap ang sa tuwa ang mga mata ng mga ito.nakaramdam siya ng labis na siya dahil sa nakikita niyang kagalakan ng mga ito.

Everyone meet your luna nasia!mautoridad na anunsyo ni xen ngunit kababakasan ng saya ang boses nito.

Goodmorning luna!

Magandang umaga luna!

Ang luna,narito na nga ang ating luna!

Masayang pagbati ng mga ito.
Totoo nga mayroon na tayong luna!

At napakaganda niya!masayang bulalas ng batang lobo.namula ang kanyang mukha dahil sa papuri nito.bahagya siyang napapitlag ng marahan siyang hawakan ni xen sa siko dahil sa pagtulay ng pamilyar na kuryente sa kanyang braso.

What do you want to eat.masuyo nitong tanong.

Kahit alin.mahina niyang saad.

Naging masaya ang kanilang umagahan.ramdam niya ang labis na pananabik ng mga ito sa kanilang luna.panay ang kwento ng mga ito.panay naman ang alok sa kanya ni xen ng pagkain na sa tuwing tatanggihan niya ay sisimangot at magtatampo.kayat hindi siya makatanggi.lunod na lunod sa galak ang puso nya.nakilala narin niya ang mga mga kasalo niya sa hapag.naroon rin si carl,ang beta at si laika na bumati sa kanya noon.natatandaan din niya ang ilang omegang naroon .

Masaya siyang nakipagkwentuhan sa mga ito.naging magaan na rin ang kanyang loob.hindi niya na mamalayan ang unti unting paglaho ng takot na matagal na nanirahan sa puso niya.

Pagkatapos ng masayang umagahan ay ipinasyal naman siya ni xen sa labas ng packhouse.hindi nawawala ang kanyang ngiti sa tuwing may makakasalubong silang packmember at magiliw na babati sa kanila.sa loob ng napakahabang panahon ay  hindi na niya inasam at inasahan na makaramdam muli ng ganitong klaseng kaligayahan.napakaaliwalas ng mukha ng bawat taong lobo na narito.

Naramdaman niya ang marahang pagyakap ni xen sa kanyang bewang mula sa likod.sandali siyang natigilan.ng akma nitong tatanggalin ang pagkakahawak sa kanya ay marahan niyang muling ipinulupot ang mga braso nito sa kanyang bewang.

Ilang minuto silang ganoon na walang nagsasalita.si xen ang bumasag sa katahimikan.

Sana hindi ako nananaginip,na totoong nandirito ka na nga,nakakulong sa yakap ko.stay with me my luna and dont ever leave me please.nakikiusap ang boses nito.

Walang pagdadalawang isip na humarap siya rito at yumakap sa bisig nito.

I'll stay.

A/N nakapag updates din.







She's my lycan mate(completed)On viuen les histories. Descobreix ara