chapter 5

4K 118 3
                                    

 

Dagling tinakluban ng mga ulap ang maliwanag na sinag ng araw kasaba y nito ang agarang pagkalat ng dilim sa paligid.kaiba ang gabing ito sapagkat ,ngayong gabi sisilip at tatanglaw sa kalangitan ang bilog na bilog na napakalaking hugis ng buwan.

Secured na ang bawat border kung sakali mang umatake ang mga rouges.Ang mga warrior ay sinanay ng husto kung kaya't katulad ng mga alpha,luna,beta at ng gamma ,ang mga ito ay kaya ring kontrolin ang kanilang wolf kumpara sa mga karaniwang kasapi ng pack at mga omega.

Magiging ganap na lobo ka na anak.masayang turan ng kanyang ina.

Isang malakas na lobo.dagdag ng kanyang ama na naghatid sa kanya ng lalong kasabikan .

Alpha nakahanda na ang silver chain na inyong iniutos.

Silver chain?nagtataka kong saad.

Oo anak,isa itong paghahanda kung sakali mang may mga lobong magwala at masyadong kainin ng lakas ng kanilang mga lobo ang kanilang katawang tao.

Pero wala naman pong ganoong nanyari noong mga nakaraang fullmoon.

Sapagkat kakaiba ang epekto ng buwan ngayon sa ating mga lobo anak.

Maaliwalas ang kalangitan na parang bang walang anumang mangyayare sa pagsapit ng hatinggabi.

Napabuntong hininga nalang si Nasia habang nakatanaw sa bintana ng kanyang silid.

Buwan!Buwan !Buwang kayrikit nawa'y maging gabay ka,  ng mga lobong sayo'y umaasa.

Matagal na siyang nakahiga at sinusubukang matulog ngunit tila mailap sa kanya ang antok at ayaw siyang dalawin.marahas niyang iminulat ang mga mata at hinihingal na nalibot ang paningin.

Mula sa bintana ng kanyang silid ay natanaw niya ang unti unting paglitaw ng bilog na bilog na buwan

Napasigaw  siya sa sakit ng maramdaman ang nakakapasong init na nanggagaling sa kanyang katawan.para siyang sinisilaban kasabay nito ang sunod sunod na mga alulong ng mga lobo.nagsisimula na ang buwan.

Awooooooo!!!!!

Aaaahhhhh hiyaw niya.hindi niya na napansin ang pagkawasak ng kanyang kasuotan dahil sa hindi maipaliwanag na init na kanyang nararamdaman.lalong sumiklab ang init sa buo nyang katawan kayat lalo siyang nagsusumigaw sa sakit.

Tama na!!!!!

Parang may nais kumawala sa kanya ngunit may pumipigil rito.napasapo siya sa kanyang noo ng maramdaman niya ang walang katumbas na pagsakit nito .

Moooommm!!!!

Marahas na bumukas ang pinto ng kanyang silid at mula rito ay lumabas at iniluwa ang humahangos na alpha at luna.

Nabahala ang mga ito sa nakikitang kalagayan ng anak.

Mom hindi ko na kaya make it stop.nahihirapang saad niya habang nakasapo sa noo.

Akmang lalapit ang mga ito upang daluhan siya ng humiyaw siya ng buong lakas .

Natigilan ang ibang mga lobo ng marinig ang puno ng paghihirap na sigaw na yaon na para bang nadama nila ang sakit na dinaranas nito.

Lalong nabahala ang alpha at luna sapagkat kaiba ang nararanasan ng kanilang anak sa mga lobong sumasailalim sa unang pagpapalit.dama nila ang walang katumbas na sakit na nararanasan nito.

Luke ang anak natin anong nangyayari sa kanya.umiiyak na saad ni luna Ivera.

hindi ko rin alam.nag aalalang saad ng alpha na ng mga oras na iyun ay wala ring ideya sa dinaranas ng anak.

Agad nilang dinaluhan ang namimilipit na anak ngunit pareho silang natuod at natigilan ng pakawalan nito ang pagkakasapo sa noo mula roon ay umilaw ang isang marka na ni minsan ay hindi nais makita ninuman.     

Hindi maaari.umiiyak na saad ng luna at nanghihinang yumakap sa hindi rin makapaniwalang alpha.para silang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa nasilayan.

Bakit?bakit ang anak ko pa moon goddess?

Puno ng lungkot at galit na sigaw ng alpha.

Hinang hina na itinuon ni Nasia ang  kanyang paningin sa kanyang mga magulang.

Hindi niya maipaliwanag ang nakikita niyang ibat ibang emosyon sa mga mukha nitong hilam ng luha.unti unting nanlabo ang kanyang paningin kasabay ng pagtakas ng luha mula rito.tuluyan ng nawala ang sakit at init na kanyang nararamdaman.

Bakit dad?mom?
Bakit kayo umiiyak?

Agad kong sinuri ang buo kong katawan ngunit agad ding napalitan ng lungkot at pagtataka ang kanyang nararamdaman .

Walang nagbago sa kanya.

Kahit hinang hina pa ay bumaling sa sa kanyang mga magulang .nagtatanong ang kanyang mga mata.

Anak ..hindi ko a-alam   nahihirapang saad ni ina na parang nagdadalawang isip kung sasabihin sa kanya.

N-nais ko pong malamam mom.labis labis na kabang kanyang nararamdaman sa maaari niyang malaman.

Sige na mahal sabihin mo na sa kanya.nahihirapang saad ni ama.

Anak..ang marka...

Kumunot ang kanyang noo.anong mayroon sa marka.

Ang marka sa iyong noo.

Napasapo naman siya sa kanyang noo.may nahahawakan siyang scars na hugis buwan .

Nagtataka siya kung bakit siya nagkaroon nito.ito ba ang sakit  na hindi nya maipaliwanag kanina,ang paglitaw nito?

Ano ang mayroon sa markang ito mom.kinakabahang saad niya sapagkat may nabubuo ng ideya sa kanyang isip ngunit umaasa paring hindi iyun ang sasabihin ng kanyang ina.

Ang m-marka ng sumpa.nanghihinang saad ng kanyang ina na tuluyang kumuha ng kanyang lakas .

Anak kailanman ay hindi ka makakapagshift sa anyong lobo mananatili kang nonshifter sa buong buhay mo.malungkot na saad ng kanyang ina.

Pano ito nangyari ?tuluyan ng naglaho ang markang yan!bakit muli itong nagpakita?bakit sa anak ko pa.puno ng galit at lungkot na sambit ng kanyang ama.

Hindi!hindi totoo yan!

Tuluyan na niyang ipinikit ang kanyang mata kasabay ng pagkawala ng kanyang ulirat.tanging ang hiyaw ng kanyang mga magulang ang kanyang narinig bago siya tuluyang kainin ng kadiliman .

Napuno ng kalungkutan ang buong pack dahil sa mga narinig.hindi man nila nasilayan ang mga nangyare ngunit malinaw nilang narinig ang buong pangyayari kaya't imbis na magdiwang para sa mga bagong kabataang ganap ng lobo ay napuno ng hinagpis ang bawat kasapi ng white moon pack dahil sa mapait na kapalaran ng minamahal nilang anak ng alpha,ang susunod nilang luna.

A/N so how was it?any comment ?
Nakakasad naman pero wag kayong magsasawang magbasa .

Vote and comment !
^_ ^












She's my lycan mate(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon