chapter 26

2.8K 106 1
                                    


Maraming nagkalat na mga bangkay ng mga taong lobo.nagkulay dugo narin ang lupang kanyang tinatapakan ganun rin ang kulay ng mga ilog.

Ang hindi niya mapaniwalaan ay ang nagkalat rin na mga anyong lobo na katulad niya,kauri niya.

Lycans.

Anong nangyayari nasaan siya?hindi ito ang kanilang pack.

Xen.where are you.

Ang hindi niya maunawaan ay bakit tila walang nakapapansin sa kanyang presensya .wala sa mga ito ang nakakapansin sa kanya.

Hindi ba siya nakikita ng mga ito?nasaan ba siya?tila siya nasa ibang panahon.

Puno ng panaghoy ang kanyang naririnig.nangilabot siya sa kanyang nakikita.

Walang awang pinapatay ng kanyang mga kalahi ang lobong alam niyang mas mahina sa kanila.parang wala sa sariling pag iisip ang ito na tila napapasailalim ng masamang enerhiya.

Nakaramdam siya ng labis na poot sa kanyang mga kalahi.wala silang awa.wala silang puso.labis na nahabag ang kanyang puso ng walang pakundangan nilapa ng isang lycan ang isang pup na puno ng takot at umiiyak.

No stop!tumigil kayo.

Tinangka niya itong pigilan ngunit tumagos lamang siya rito.

No!no! Anong nangyayari bakit di niya mahawakan ang mga ito.

Puro patayan ang kanyang nakikita.

No stop!

Napayukod siya sa labis na panghihina.hindi na niya kaya pa makita ang labis na karahasan na ito.

Naramdaman niya ang pagtahimik ng kapaligiran.

Dahan dahan niyang inangat ang kanyang mukha.bahagya pa siyang nasilaw na nagmumula sa isang.....

Napakagandang babae?

Sino siya?parang hindi na totoo ang kanyang kagandahan.sa kabila ng galit sa mga mata nito ay hindi nagbago ang kagandahang taglay nito.para itong dyosa sa labis nitong taglay na ganda.

Dyosa?

Nanlaki ang kanyang mata ng mapagtanto kung sino ito.

Oh god hindi siya makapaniwala.totoong nasa harapan nila ang dyosang lumikha sa kanila.ang nag iisang dyosa ng buwan.

Moon goddess.

Napabaling ang kanyang atensyon sa paligid.nasindak siya ng makitang naglalaho ang mga lycan.maririnig ang panaghoy ng mga ito bago tuluyang lamunin ng kawalan.

Pakiusap mahal na dyosa,patawarin nyo po ako.iligtas nyo po ang buhay ko at ng aking anak.

Napabaling ang kanyang atensyon sa babaeng nagmamakaawa ngayon sa harapan ng dyosa.nanlalaki ang kanyang mata.ang babae ay nagdadalantao.

Ibinigay ko sa inyo ang lahat,kapangyarihan at pagmamahal at pagkalinga ngunit ano ang iginanti ninyo mga lycans!galit na bulalas ng dyosa.

Pinagmalupitan at kinitil nyo ang buhay ng inyong mga kalahi!

Patawarin nyo po ako mahal na dyosa ,alam ko po sa sarili ko na hindi po ako pumapatay ng mga weres.wala po akong pinapatay mahal na dyosa ,ngunit bilang isang lycan ang kasalanan ng aking lahi ay kasalanan ko narin.umiiyak na saad nito.parang pinipiga ang kanyang puso sa nasasaksihan lalo na sa babaeng nagdadalatao.may kung ano rito na malakas na nag uugnay sa kanila.

She's my lycan mate(completed)Where stories live. Discover now