chapter 7

3.7K 112 2
                                    


Seryoso po ba kayo?

Nananantyang tanong ni Nasia.Muli niyang pinasadahan ang nasa kanyang harapan.tiyak na magkamali lamang siya ng galaw ay maaaring masawi ang kanyang buhay.

Oo kayat pumasok ka na sa loob.

Pero hindi po ba masyado itong mapanganib sa katulad kong nag uumpisa pa lamang .hindi niya maiwasan na hindi kabahan.ang lugar na nasa kanyang harapan ay isang kweba at sa loob nito ay walang mababanaag na kahit ano dahil sa sobrang dilim doon at tiyak na may napakaraming patibong na hindi mo makikita.

Maaari po bang basics mona.tanong ko sa lalaking naatasang magsanay sa akin.sa pagkakaalam ko ito ang pangalawa sa leader ng mga warrior except sa beta at gamma.

Bumalik na kana sa iyong pack mukhang nagkamali lamang ang alpha sa...

Po?bumalik?ah h-hindi po gagawin ko na po.kinakabahang saad niya

Sigurado ka?nananantyang turan nito.

Opo!

Ang mabuti pay huwag ka na lamang tumuloy sinasayang mo lamang aking oras .wala akong panahon para sa mga mahihinang lobo kayat umuwe ka na.

Hindi ako mahina!
Bumangon ang kakaibang damdamin sa dibdib nya.oo ngat hindi siya nakakapagshift pero hindi siya mahina tulad ng iniisip nito at patutunayan niya ito dito,na kaya nya ring maging malakas at ipagtanggol ang kanilang pack

Sa tingin koy hindi ka pa handa ,ang pagpasok sa kwebang iyan ay lubhang mapanganib para sa mga lobong mahihina ang loob.ang takot ang magtutulak sa kanila sa kabiguan o kamatayan.

Papasok ako sa kwebang yan at gagawin ko ang lahat upang makalabas ng buhay.disisyunado niyang saad.

Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito.

Patunayan mo.matiim nitong saad.

Marahas niyang muling itinuon ang tingin sa kweba.

Nagsimula siyang humakbang papasok dito ngunit napahinto rin ng pigilan siya sa braso ng lalaking kausap niya kanina.

Tandaan mong hindi basta basta ang Papasukin mo ,hindi ang mga mata ang pinapagana kundi ang iyong pakiramdam.

Binitawan rin siya nito kayat nagpatuloy na siya.sa pagtungtong pa lamang niya sa bukana niya ay nakaramdam na kaagad siya ng kakaibang panganib.malakas ang pakiramdam niyang hindi magiging madali ang pagdaraanan niya.muli siyang humakbang papasok,hindi pa man siya lubusang nakakalayo sa bukana ng yungib ay agad itong nagsarado kayat tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.

Nag umpisa na siyang maglakad.wala siyang maaninag na kahit ano kahit ang sariling mga kamay ay hindi niya makita.tanging ang mga yapak nya lamang ang bumabasag sa katahimikan at kadiliman ng kweba.nakatatakot ang katahimikan nito sapagkat anumang oras ay may nakaambang panganib.

Aaahhhh

Napaluhod siya ng may tumamang kung ano sa kanyang binti.nagsimula na rin siyang makarinig ng ibat ibang klase ng mga bagay na sa tyansa niya ay mga kagamitang maaaring magwakas sa kanyang buhay.muli niyang nailuhod ang isang binti ng may parang kung anong matalim na bagay ang humiwa dito.marahan niya itong hinaplos ngunit napadaing lamang siya.may nahawakan siyang sugat mula rito.naaamoy narin niya ang kanyang sariling dugo.paano siya makaalis sa lugar na ito gayong hindi na niya maitayo ang kanyang mga paa.muli siyang napahiyaw sa sakit ng subukan niyang tumayo .umecho sa buong paligid ang kanyang hiyaw.
Sinubukan niyang gumapang ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may dumagang mabigat na bagay sa kanyang mga kamay kayat hindi siya makagalaw waring dinurog ang kanyang mga buto

Aaaahhhhh!!!

Pakiramdam niya ay ito na ang kanyang katapusan ng sunod sunod na tumama sa kanyang katawan ang mga matutulis na bagay na sa kanyang pakiwari ay mga palaso.

Ito na ba?ito na ba ang kanyang kamatayan.pero hindi siya maaaring sumuko.kung susuko siya ngayon para naring tuluyan niyang tinanggap na isa siyang mahina at walang silbing lobo sa kanilang pack.

Kasabay ng pagbasak ng kung anong mabigat na bagay sa kanyang isa pang kamay ay ang pagbagsak ng kanyang mga mata.

Anak!

Mom!

Lumapit ka rito anak.

Mom!
Agad siyang yumakap rito
Bakit umiiyak ang baby ko ha!

Eh kasi po si ella palagi nya kong dinadaya kapag naglalaro kami palagi niya akong nahuhuli kahit papalapit pa lamang ako sa kanya.

Anak maaaring hindi ka dinaraya ni ella bakit naman niya dadayain ang mas bata sa kanya.tandaan mo na sa lahat ng bagay wala ng pimalamahalaga kundi ang malakas na pakiramdam sapagkat ito ang magliligtas sayo sa tiyak na kapahamakan.

Pero pano ko naman po malalaman na totoo ang aking nararamdaman hindi lamang isang guni guni.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at ipinatong sa kanyang kaliwang dibdib.

Pakinggan mo lamang ang bulong nito.ipikit mo ang iyong mga mata at hayaang lamunin ng kalayaan ang iyong
Isipan.makisabay ka sa haplos ng hangin sapagkat siya ang bubulong sayo ng dapat mong gawin.

Himiwalay sa kanya ang kanyang ina at marahang naglakad palayo.

Mom saan po kayo pupunta.

Sa iyong ama nais mo bang sumama?

Opo

Ngunit bago pa man siya makalapit dito ay naglaho na ito .

Mom!

Mom!

Tuluyan na siyang muling binalot ng kadiliman.

Iminulat niya ang kanyang mga mata.

Nasaan ako?

Naramdaman niyang namamanhid ang buo niyang katawan.

Mapait siyang napangiti ng mapagtantong naroon parin siya sa loob ng yungib.

Naghilom na ang ilan sa kanyang mga galos dala narin ng kanyang pagiging lobo ngunit naiwan ang mga tamang palaso sapagkat hindi pa ito natatanggal sa kanyang katawan.

Kahit hirap na hirap ay nagawa parin niyang tanggalin ang pagkakadagan sa kanyang mga kamay.ginamit niya ang nahawakang kahoy upang makatayo.

Muli siyang naglakad ng paika ika.

Hindi ako maaaring sumuko.

Hindi niya alintana ang mga dugong lumalabas sa kanyang bigbig .hindi pa man siya nakakahakbang ng malayo ay muli siyang natumba.hinang hina na ang kanyang katawan.

Itinukod niya ang mga kamay at muling sinubukang tumayo.

Ipinikit niya ang kanyang mata at itinuon ang isip sa iisang bagay ,

Namnamin mo ang kalayaan at pakinggan ang iyong puso,makisabay sa haplos ng hangin at ito ang magtuturo ng dapat mong gawin.

Agad niyang ibinagsak ang katawan sa lupa kasabay ng sunod sunod na paglipad ng mga matutulis na bagay.

Itinaas niya ang kanyang ulo kasabay ng pagkalat ng nakasisilaw na liwanag.

Kahit nais pa niyang alamin kung ano ito ay wala na siyang lakas sapagkat tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga mata.narinig pa niya ang boses ni sky ngunit unti unti din itong naglaho.

A/N vote and comment

She's my lycan mate(completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें