Chapter sixteen

1K 67 4
                                    

"I thought I told you to be here on time?"

Halos umikot ang mga mata ko sa sinabi nito. Sa sobrang pagod ko ngayon, gustong gusto ko talaga itong sigawan pero pinigilan ko ang sarili.

Patience Tana. Remember may kailangan ka pa sa kanya, di ba? Para ito sa grades kapatid kaya chillax ka lang...

"Eh ang layo ng bahay ninyo mula sa gate eh. Halos takasan na nga ako ng bagang ko sa pagtakbo papunta dito."

"That doesn't change the fact that you're late. Kung ako lang, hindi na kita tuturuan." Ang nakahalukipkip na sabi nito habang seryosong nakatingin sa akin.

Itinirik ko ang mga mata ko sa langit.

Lord... bless me with patience please... pag di ako nakapag-pigil baka ma-salvage ko ang taong yelo na ito ng wala sa oras! Ayoko pong makulong sa murang edad! At isa pa po, kailangan ko pa pong pumasa sa lintik na exam na 'to para sa future...!

Binigyan ko ito ng isang pekeng ngiti. Pinaamo ko din ang mukha at binigyan ito ng puppy dog eyes. "Sorry na..." Labas sa ilong na wika ko.

Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa mga mata ko. Medyo nakakailang na nga pero itinikom ko na lang ang aking mga labi. Sandali pa akong tinitigan nito bago tumalikod.

"Follow me."

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito nagsalita pa. Dire-diretso silang naglakad hanggang sa makarating sila sa isang glass door. Binuksan nito iyon at tumambad sa harap nila ang isang napakalaking pool. Tumingala siya at napansing yari sa salamin ang kisame na tumatakip dito. Grabe, ang yaman lang talaga ng magkakaibigang ito.

"Now strip."

Mabilis pa sa alas kwatrong napalingon ako dito. Ano daw? Strip? Teka, namali ba ako ng dinig dito?

"H-huh?"

He sighed. "I said strip."

"D-dito?"

Tinitigan ako nito na para bang ako na ang pinaka-slow na taong nakilala nito sa buong mundo.

"Ever heard of a bathroom?" Sabi nito bago itinuro ang isang pinto na may nakalagay na 'woman' sign.

"Ah..." I chuckled awkwardly. "S-sige. Wait lang ha." Sabi ko bago mabilis na tumalikod at nagmartsa papuntang CR. Sa loob loob ko ay binabatukan ko na ang sarili.

Kahit kelan talaga ang tanga tanga mo Tana!!!!! Nakakahiya ka!!!!! Assuming ka pa masyado!!!!!

Mabilis akong nagbihis sa aking baon na itim na boy shorts at razor back na sando. Paglabas ko muntik na akong matalisod ng makita ang tila slow motion na pagtanggal ni serious guy with white hair ng puti nitong T shirt.

Tila ako nababatubalani habang sinusundan ng mga mata ko ang damit nitong umaangat pataas sa abs nito at pataas pa sa matitipuno nitong dibdib. Hindi ko napigilan ang sariling mapatanga dito ng magsimula na itong mag streching. Ang maganda nitong katawan ay mas lalo pang nadepina sa ginagawa.

I gulped when his hands went to the button of his jeans. Tinanggal nito iyon at ibinaba ang zipper. I could already see the waistband of his white briefs, for pete's sake! Bakit ba kasi ito nagbo-borles sa open space?! Eh may CR naman! Pervert!

Akmang ibababa na nito ang pantalon ng bigla akong pumasok muli sa CR at napasandal sa pinto. Sinapo ko ang dibdib. Abot abot ang pagtahip niyon. Pakiramdam ko, isang round pa ulit ng pagtakbo mula driveway hanggang sa mansyon ang ginawa ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko!

Oh my gosh!

Wala sa sariling napatingin ako sa salamin. Nasapo ko ang magkabilang pisngi ng makitang pulang pula na ang mga iyon!

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWhere stories live. Discover now