Chapter seven

1.2K 65 5
                                    

I was nervously looking at my class schedule. Actually wala namang tipikal doon. Class sched nga di ba? Pero bakit ko tinitignan?

It's because there is a P.E in it. At ang mas nakakaloka pa at nakapanlulumo...

It is a swimming class!

Swimming class pleople!!!!!!

"What's wrong?"

Nilingon ko si kuya Camden na nakakunot noo sa akin. "I have swimming class..." Parang batang sumbong ko dito.

Hindi na ito nagtanong pa. Alam naman kasi nito kung gaano akong hindi ka-fan ng swimming pools, any bodies of water, swimming attires, at swimming mismo!

Yeah, I suck at swimming.

Sa sport lang talaga na iyon ako walang ka-alam alam. At dahil nga iyon ang subject ko ngayong araw, mas lalo akong kinakabahan. As in to the point na hindi ko na malasahan ang agahan ko. Ganon katindi!

"Iha, magaling si Ms. Perez sa swimming. Champion iyon sa mga swimming competitions dati. Paniguradong tuturuan ka niya. Basta sabihin mo lang sa kanya na hindi ka marunong lumangoy. Hindi ka naman papalanguyin non sa malalim na parte ng swimming pool." Pang-aalo sa akin ni tita Marie.

Mas lalo lang akong nanlumo. Iyon na nga eh, tuturuan ako. Iyon nga ang ikinakakakaba ko. Pano kung matapos ang semester na ito na hindi ako natuto? Pano na ang grades? Ang medal? Ang pangarap? Ang bayan?

Seriously, pano na ang grades ko?!

So here I am, standing at the edge of the pool while looking at it dubiously. Parang timang na tinitignan ko kung gaano kalalim ang tubig kahit na may marka naman sa bawat gilid kung ilang feet iyon.

I suddenly felt tense.

No... I can't do this... I can't—

"Kinakabahan ka no?"

"Ay palakang malantod!"

Gulat na bulalas ko ng biglang sumulpot si Stefano sa likod ko na muntikan ko ng ikahulog kung di lang niya ako agad nahawakan sa baywang.

"Hey, easy..."

Hinintay ko munang makatayo ako ng medyo malayo sa edge ng pool bago ko ito pinagpapapalo sa braso sa sobrang inis!

"Ouch! Grabe ka, di pa nga kita napapangasawa ina-under mo na ako?" Arte nito habang sapo-sapo ang nasaktang braso.

"Eh kasalanan mo naman! What did I tell you about sneaking up on me? Di ba sabi ko, huwag mo akong ginugulat? Saka pwede ba? Huwag mo akong pinag-tri-tripan gayong kinakabahan ako, utang na loob!" Nangigigil na sigaw ko dito.

"Eh di inamin mo rin. Kinakabahan ka." Parang batang asar nito. Ni hindi man lang ininda ang paninigaw ko.

Inis na inismiran ko ito lalo na ng mag-pose ito na parang si superman. Hands on hips. Chest out.

"Don't worry little lamb. I'm here, the best swimmer that ever walk on Norwood University. Ako ang bahala sa iyo." Pagyayabang nito.

At imbes na ma-relieve, mas lalo lang akong kinabahan.

"Ouch!" Sabi nito habang sapo sapo ang dibdib. "Have a little tiwala in me naman."

I just rolled my eyes at him. Tumaas baba ang tingin ko dito. Ngayon ko lang napansin, nakapang swimming attire na din pala ito gaya niya. Naka black trunks ito at naka swimming cap.

Bigla kong naalala ang kaguluhan sa CR ng mga babae kanina. Kaya pala sobrang tagal magprepare ng mga babaeng classmates nila. May pinaghahandaan naman pala kasi.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWhere stories live. Discover now