Chapter Twenty five

292 18 5
                                    

Naabutan ko si tita Marie na nasa kusina kinabukasan. Napangiti ako ng maamoy ang binebake nitong chocolate chip cookies. Kumalam tuloy bigla ang sikmura ko. Nakakatakam!

"Ang bango naman niyan, tita."

Lumingon sa akin si tita at napangiti. "Malapit ng maluto ang first batch." Anito habang nagpeprepare ulit ng panibago.

"Bakit ang dami naman nitong bine-bake mo, tita?" Puna ko.

"Order ang iba diyan ng mga katrabaho ko. Ang iba naman ay para sa inyo ni Cam."

"Hm." Dinampot ko ang isang piraso ng tsokolate sa mesa at saka isinubo. I thought for a moment. "Mahirap bang gawin 'to, tita?"

"Madali lang. Bakit, gusto mong subukan mag-bake?"

Dumiretso ako ng tayo. "Pwede? Gusto kong masubukan gumawa."

"Of course. Halika, tuturuan kita."

Mabilis akong lumapit at saka nakinig sa mga instructions nito.

"So these are the ingredients." Inisa isa nito sa akin ang mga nakalatag sa mesa. "You have to put all these together. Huli ang chocolates. Then you have to mold."

Nagsample ito ng isa bago ini-abot sa akin ang natitirang dough. Ginaya ko ang ginawa nito. Hindi naman pala mahirap. Akala ko nga noong una ay komplikado iyong gawin pero ng matapos i-explain sa akin ay napakadali lang pala. Easy peasy.

"Okay na ba ito, tita?"

Ngumiti si tita sa akin. "Yeah, that's good. Tapos lagyan mo ng chocolates sa loob ah."

Sinunod ko iyon bago inilagay sa tray ang dough. Inulit ko ulit hanggang sa makagawa pa ng lima.

"Can I get the ones I've made?" Hiling ko kay tita matapos nitong ilagay sa oven ang tray kung nasaan ang mga cookies na gawa ko.

Hinarap ako nito bigla. "Bakit, may pagbibigyan ka ba?"

Nagbawi ako ng tingin. "Uh. A friend." Alanganing sagot ko.

Tumaas ang isang kilay nito sa akin. Isang nanunuksong ngiti ang sumilay sa mga labi. "Who? Is it a boy?"

Bigla akong namula.

Mas lalong itong napangisi. "Is he cute?"

"Tita..." Nahihiyang sabi ko. "He's just a classmate."

"That didn't answer my question though."

Gusto kong iikot ang mga mata dito.

"It's just a thank you gift kasi tinulungan niya akong makapasa sa swimming subject namin." Hindi ko na sinabi dito ang tungkol sa nangyari sa dungeon dahil baka biglang tumaas ang presyon nito sa akin.

"Uh-huh."

Mukhang malabo ko itong makumbinsi kaya naman ay sumuko na lang ako sa pagsasabi ng platonic na hangarin ko kay Chance. As if naman na magugustuhan ko ang mas malamig pa sa yelo nitong ugali 'no. I know he's got good looks... and a nice body... and gorgeous blue eyes...

Mabilis kong ipinilig ang ulo. Concentrate, Katana!

Pero aanhin mo naman ang napaka-gwapong mukha kung lagi iyong naka-irap sa sayo. Sure he's being nice to me sometimes pero oftentimes naman, lagi itong parang laging bad trip din sa akin.

Chancellor Petrov is a hot and cold guy. Sala sa lamig sala sa init. Minsan nga iniisip kong bipolar talaga ang isang iyon eh.

Hold your thoughts right there, Katana. You know that's not a nice thing to say to someone who just saved your sorry ass yesterday. Pagalit sa aking wika ng konsensya ko.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWhere stories live. Discover now