Chapter Twenty eight

204 12 7
                                    

After that family dinner with Chance, I believe our relationship improved a lot from then on. I'm talking about our relationship as classmates... as school mates ha.

Well hindi ko naman sinasabi na super close friend ko siya like Stefano. But he helped me so many times. At sa mga pagkakataong iyon, he'd been very friendly and... sweet...

Sweet? Gosh, Katana. Why do I feel like you're starting to get giddy over his 'sweetness', huh? Don't tell me you're falling for serious guy with white hair?

No! Of course not! Agad kong tanggi sa sarili.

Defensive much? Remember, Katana. The guy you're obsessing with? He already has a girlfriend so back off!

Of course I'm not obssessing over him. Duh. It's just that... I always have this feeling that we can be good friends... like Stefano and I are.

Buti nga ngayon, namamansin na siya. Dati kasi, parang hangin lang ako dito sa loob ng classroom, parang hindi nito ramdam. Ngayon pinapansin na niya ako. Like he would look at me and then nod at me kapag nagkakasabay kaming pumasok ng classroom o kaya naman kapag nagkakasalubong kami sa cafeteria. He would even smile at me whenever we bump at each other sa hallways. Well, kahit na tipid na tipid na ngiti lang iyon, feeling ko, ang close close na namin.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Nawala lang iyon ng may sumiko sa akin.

"Oy, anong ningi-ngiti ngiti mo diyan?" Ang nakakunot noong tanong ni Stefano sa akin.

Tumikhim ako at agad na tumutok ang mga mata ko sa librong hindi ko pa nauumpisahang basahin kahit kanina pang nakabalandra ang mga pahina niyon sa aking harapan. Teka, ano na ngang title nito...?

"Ano nga?"

Napasimangot ako. Ang kulit talaga ng isang 'to eh ano?

"Wala. May naalala lang ako."

"Sino? Yung crush mo?"

Naubo ako na tila ba nabilaukan kahit wala naman akong iniinom. I stared at him aghast!

"Hindi ah!"

Mas lumalim ang pagkakakunot noo nito. "Eh bakit ganyan ang reaksyon mo?"

Bahagya naman akong natigilan. "Ha? A-ano ba ang reaksyon ko?"

"Na parang naalala mo nga si crush."

"Ha? Baliw ka ba?"

"Hindi. Ikaw? Nababaliw ka na ba? Para ka kasing timang na nakangiti diyan habang nakatingin sa kawalan eh."

Kahit hindi ako manalamin, alam kong pulang pula na ang mukha ko sa sobrang pagka-irita!

"Alam mo, paki-alaman mo na lang ang sarili mo pwede? Ang kulit mo eh."

"Eh bakit ka naaasar? Nagtatanong lang naman ako ah."

Huminga ako ng malalim.

"Sinagot na nga kita di ba? Pero ang kulit mo pa din!"

"Eh bakit ang layo kasi ng sagot mo sa tanong ko?"

Mariin akong napapikit. Lord... give me strength!

"Ano ba ang tanong mo?" Singhal ko.

"Kung nababaliw ka na dahil sa crush mo!" Sigaw nito pabalik na ikinalingon ng ibang kaklase namin.

Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong iginala ang paningin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa sina Chance at Amalia sa classroom.

Mabilis kong binalingan si Stefano.

"Shut up, pwede ba? Kung makasigaw ka, para lang palengkerang nagtatawag ng suki! Katabi mo lang ako kaya maririnig kita kahit hindi ka sumigaw!" Asik ko dito sa mahinang boses.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWo Geschichten leben. Entdecke jetzt