Chapter Twenty four

543 40 16
                                    

Kinabukasan ay sinisimangutan ko talaga at hindi pinapansin si Stefano. Gagong iyon. Masyadong sinamantala ang kabaitan ko at pagiging responsibleng mamamayan? Hamak ba naman na ipain ako sa mga multo at engkanto sa bwisit na dungeon na iyon kagabi? Nakakainis lang!

Hindi maalis alis ang iritasyon sa aking mukha habang nakapila sa counter upang kumuha ng agahan. Padabog kong inilagay ang isang pirasong mansanas sa aking tray. Pagpihit ko'y ang nakangiti at kumakaway na si Stefano ang bumungad sa akin. Awtomatiko ang pagkulo ng dugo ko. Pakiramdam ko'y dumilim ang paligid pagkakita ko sa nakangisi nitong mukha. He's acting like he didn't do me anything wrong! The nerve!

"Tana, dito ka na umup—"

Natigilan ito ng dire-diretso ako sa paglalakad na tila ba walang naririnig. Umupo ako dalawang mesa ang layo mula dito. Ipinasak ko ang earphones ko sa tenga at saka nakinig ng mga pa-tweetums na kanta ni Taylor Swift pampagood vibes at pampawala ng bad vibes na dala ni Stefano.

Ninanamnam ko ang unang kagat sa aking ham sandwich ng biglang may nagtanggal ng earphones ko sa tenga. Para tuloy gasolinang sinilaban ang inis ko sa katawan ng mga oras na iyon!

"Ano ba ang gusto mo?!" Singhal ko.

"Oh, bago ka mainis ay hayaan mo muna akong magpaliwanag..."

"Wala akong oras para makinig sa iyo kaya pwede ba, tantanan mo ako?" Matalim kong turan pero binalewala lang nito ang sinabi ko.

"Hindi ko naman akalain na ganon ang mangyayari eh..."

"Wala akong pake. Get lost!"

Stefano sighed. "Sige. Papanagutan ko na lang ang ginawa ko sa iyo kagabi huwag ka lang magalit sa akin oh..."

Pagkasabi niyon ay katahimikan ang agad na pumailanlang sa paligid. Awtomatikong lumipat sa akin ang mala-laser na tingin ng mga babaeng estudyanteng naroon. Awang ang bibig na bumaling ako dito.

"What the hell, Stefano?" I hissed at him in a low voice para walang makarinig.

"Iyon nga, papanagutan ko yung ginawa ko..." Anito sa nagsisising tono.

Humulagpos ang sandwich na nasa mga kamay ko. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas dahil ramdam na ramdam ko na ang mga nakamamatay na titig ng mga kaklase naming babae.

I could see judgement in their eyes. Feeling ko, isa akong kalapating mababa ang lipad sa klase ng tinging ipinupukol ng mga ito. Kulang na lang batuhin nila ako ng bato! Goodness!

"You're joking. No, you know what? That joke was so funny... hahaha..." I forced a laugh to dispel the awkwardness and tension swirling in the air.

"But I wasn't—"

Ipinasak ko sa bunganga nito ang ham sandwich na hawak ko.

"You are!" I gave him a deadly look that instantly shut him up. I plastered one friendly smile on my face before turning to my schoolmates. "He was just joking." Wika ko sa mga ito.

"Yeah... as if naman na papatulan siya ni Stefano."

"Right, kahit kailan talaga feeling maganda iyang babaeng iyan!"

"So true! Ang kapal talaga ng face, gosh!"

Umikot na lang ang mga mata ko. Mga abnormal. As if naman din na papatulan ko ang Stefano nila no? Hindi ako baliw, pwede ba?

"Ouch! That hurt, little lamb."

"Che! Huwag mo akong kausapin. Abnormal ka!"

Sunod sunod na pagsinghap naman ang pumailanlang sa paligid.

"How dare she say that to Stefano?"

"Can you belive her? The nerve of that girl!"

"I want to slap her face!"

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWhere stories live. Discover now