Chapter eight

1.2K 74 13
                                    

"Ahm... we could just swap partners if you like... kami na lang ni Stefano at kayo na lang ng partner niya. Gusto mo ba?" I'm sure magugustuhan mo ang suggestion ko since pareho naman nating ayaw ang isa't-isa. Gusto ko sanag idagdag pero mas minabuti kong huwag na lang.

Nanatili lang ang tingin nito sa akin. Nakalublob ito sa pool habang nakatingala sa akin habang ako, nanatiling nakatayo pa rin sa edge ng pool.

His face was void of any emotions. Poker face. That's the right term.

"Well? What do you think?" Naiinip nang tanong ko.

"I think you should stop talking and just get into the pool. You're wasting my time." Ang malamig nitong sagot.

Gosh! Why does he hates me so much? Why?

"S-so... I'll just jump?"

Chance looked at me like I'm the most stupid person in the whole wide world.

"If you think you can fly or worm your way to the pool instead of just jumping, then why don't you do it?" He snapped.

Namula ako sa pagkapahiya!

"Fine!" Hindi pa sila naguumpisa, pinapa-init na niya ang ulo ko!

Gosh! I need patience! Baka di ko mapigilan ang sarili ko at malunod ko itong lalaking 'to!

Umupo na ako sa edge ng pool at saka bumaba na sa tubig. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hanggang dibdib ko lang ang iyon.

"Let's start." Came the cold voice.

Ano ba naman... nilalamig na nga ako dito sa pool, ang lamig pa ng boses ng lalaking 'to. Bakanaman maging ice age na ng tuluyan tong lugar na to ah!

"What are you waiting for?"

"What?" Naguguluhang tanong ko pabalik.

Bumuntong hininga ito ng malakas na animoy konting-konti na lang, sasambulat na ang frustrations niya sa akin.

"Pano kita matuturuan kung hindi ka lalapit sa akin dito?" Anito na akala mo toddler lang ang kausap!

At ano? lalapit ako sa kanya? Eh hanggang dibdib na niya yung tubig eh! For sure gang ilong ko na ang tubig pag lumapit pa ako! May balak ba itong lunurin ako bago pa man ako matutong lumangoy?

"Bakit di na lang dito?"

"Crowded diyan. At ayoko sa masikip."

Aba! Eh ang arte pala talaga ng hinayupak na to eh!

"Isa pa, baka makasipa ka lang diyan."

Ah okay. Wala akong laban sa part na iyon.

Huminga muna ako ng malalim saka dahan dahang naglakad papunta sa kanya. Nakataas sa ibabaw ng tubig ang mga kamay ko na animo'y toddler lang na nag-aaral maglakad for the first time! Nakakahiya, I know. Pero anong magagawa ko? Hindi talaga kami friends ng mga bodies of water... including pools!

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay nito sa akin. Binalewala ko na lang iyon. Magsaya siya sa paghihirap ko ngayong araw. Wala akong pake! Basta ba matulungan niya akong maipasa itong subject na to!

"Shit!" Napamura ako ng pag-apak ko, wala ng maramdamang tiles ang mga paa ko. At huli na, dahil hindi na ako maka-atras pabalik. Sa sobrang paghampas na ginawa ng mga kamay ko sa tubig, mas napalayo pa ata ako sa mababaw na parte ng pool!

Oh my god! Oh my god! Hanggang ilong ko na ang tubig!

"Shit!" Napapikit na ako sa sobrang pagpa-panic.

"I got you."

Napakapit ako sa 'bagay' na iyon. As in kumapit talaga ako as if my life depended on it. Idinikit ko talaga ang sarili ko doon.

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWhere stories live. Discover now