Chapter ten

1.3K 64 3
                                    

It's a dog.

And not just a dog but a huge dog. As in a huge white dog is standing there, ten feet away from me. His icy blue eyes are staring back at me like I'm his meal for tonight!

Agad akong namutla. Nagsimulang manginig ang mga kalamnan ko sa takot na naguumpisang lumukob sa akin. Little drops of sweat is starting to trickle down my forehead. Lumakas din ang kabog ng dibdib ko.

I felt the panic start to creep in.

Dahan-dahan kong hinakbang paatras ang isang paa ko.

I heard him growl. At dahil doon, mabilis pa sa alas kwatrong ibinalik ko ang isang paa ko sa dati nitong pwesto.

Naalala ko ang madalas sabihin ni Kuya Cam na kapag makakakita daw ako ng mabingis na aso. Sabi niya, kahit na anong mangyari, huwag na huwag daw akong gagalaw.

I groaned inwardly. Pwede ba naman iyon gayong sinisigawan na ako ng utak ko na tumakbo? Hindi pwedeng dito lang ako! I need to get away from this rabid dog that is baring his huge teeth in front of me! Shit! Mukhang lalapain na nga ako nito tapos stay put pa din ako, ganoon? Sino bang nagimbento ng strategy na iyon?

Eye to eye, we regarded each other carefully. Hindi nagbababa ng tingin ang malaking aso. He just kept on staring at me. At syempre, ganun din ako. Nilabanan ko ang mga titig nito. I didn't back down one bit from his stares. And that seemed to piss him off— Me, not backing down.

I scoffed. Eh alangan namang magbaba ako ng tingin? Pano ko pa makikita ang mga next moves nito? Ayoko ng fear of the unknown! Yung tipong di ko alam ang mga mangyayari sa harap ko. Ayoko na ulit na maulit ang nangyari sa secret room sa school!

So no! I wont look away! Pano kung sa pagbaba ko ng tingin, bigla na lang akong sunggaban nito at lapain? For sure, sa laki ng ngipin at bunganga nito, baka isang subo lang ubos na ang katawan ko!

I cringed at the thought.

Humakbang ang malaking aso palapit sa akin.

Dumoble ang kaba ko.

Isang hakbang pa ang ginawa nito.

Shit! shit! shit! shit! Shit!

Isa pa ulit na hakbang.

Doon na ako humakbang paatras.

He stopped only to growl and snarl at me when he saw me do that.

Hindi ko pinansin iyon. Umatras pa din ako.

Mas lumakas ang tunog na nanggagaling sa lalamunan nito. Sa sobrang kaba ko, I did the only thing that I do whenever I'm too nervous. I started blabbering.

"Eh kung ayaw mo kong umatras, how about you stop advancing towards me? Wag kang lumapit!" Inis na bulyaw ko.

And it looks like he took it negatively since he started snarling at me viciously. He started stalking me like I'm his prey.

My eyes widened.

"Oh god..." Takot na takot na sambit ko. Nagsimulang manginig ang mga labi ko at mamuo ang mga luha sa mga mata ko. He continue advacing towards me. Parang ipinako ang mga paa ko sa lupa ng masaksihan ko kung papaano pinaglandas ng malaking aso ang dila nito sa ibabang labi nito na para bang takam na takam sa kanya.

Sa nanginginig na mga tuhod, I willed my feet to run back into the house. I didn't look back. I just kept on running. And then one crazy stupid thing happened!

Napatid ang isang paa ko sa nakausling bato. Padapa akong bumagsak sa lupa. Dahan-dahan akong tumihaya at ganon na lang ang pagngiwi ko sa sakit. Napunit ang tela ng pajama ko sa may bandang tuhod. My knee is bleeding!

Petrove Series: Owning the Ice Cold WolfWhere stories live. Discover now