Scene 57- Please, hear me out.

1.5K 48 8
                                    

Scene 57-  Please hear me out.

"You need more rice?" tanong ni Storm sa kumakain na alien supermodel. Umiling-iling lang ito habang patuloy na sumusubo ng pagkain. Halatang gutom na gutom ito. Tumayo siya para kunin ang rice cooker at yun ang nilapag sa mesa.

"What are you doing?" ani ng babae nang makita ang rice cooker sa harapan. Nagkibit balikat lang din si Storm.

"I want to eat more so I bring this here. Why?" hindi na naman umimik ang kausap niya. Nagpatuloy lang ito sa pagkain at hinayaan nalang din naman niya kahit pa sumasandok narin ito ng kanin sa rice cooker dahil ubos na yung nasa rice bowl. Hindi na rin nito napansin na paubos na yung mga ulam na nakahain.  Sisimply sana siyang tatayo at mag-iinit nang ulam na naiwan sa ref pero tumigil na ang alien sa pagsubo. Sinisimot nalang nito ang mga kanin na dumikit sa kamay nito dahil nakakamay ito habang kumakain.

"Wow! Salamat gyud kaayo sa pagkain sir!" masayang sabi nito habang hinihipo-hipo pa ang busog na busog na tiyan, "Busog gyud kaa--" bigla itong natauhan at tumigil sa sasabihin pa sana, "I mean thanks for the food! Lami gyu--"tumigil na naman ito. Hindi na ulit ito nagsalita bagkus tumayo na lamang at niligpit yung mga pinagkainan nila.

"What are you doing?" tanong niya dito habang nililigpit yung platong pinagkainan niya. Hindi siya nito sinagot, tumalikod lang ito at nagpunta sa kusina dala-dala yung mga platong pinag-kainan.

Hindi muna siya sumunod sa dalaga dahil nilinis muna niya ang table at pagkatapos saka pa lang siya pumunta sa kusina. Nadatnan niyang naghuhugas na ng plato ni Anee.

"What are you doing? You don't need to do that. Just leave it there and I will clean that later." umiling-iling na naman ito.

"Okay lang sir oi, sanay naman ko ani.." tumigil na naman ito sa pagsasalita. "What I mean is since you let me eat atleast allow me to wash the dishes."

"I know but you're a visitor you should not be doing that."

"Dili man gud ko bisita si--can you just let me do this atleast?" angil nito sa kanya habang nakataas ang kilay. Hindi tuloy niya maiwasang ngumiti. Ang cute parin kasi talaga nito pag nagagalit. Pero kahit cute itong magalit iniwan muna na niya itong mag-isa at naghanap ng pang ipit sa buhok. Pagbalik niya may dala na siyang pink na ipit at lumapit siya sa gilid ni Anee. Bigla itong huminto sa paghuhugas.

"What do you think you are doing?" matigas na tanong nito sa kanya. Hindi muna siya sumagot at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Nothing, just clipping your hair." napapansin kasi niyang nakahawi yung buhok nito sa mukha at iniipit naman nito ng iniipit sa tenga at nahahawi na naman kaya naghanap siya ng lumang pang-ipit nito sa buhok na naiwan nito sa dating kwarto.

"You don't need to do that--"

"There! Done!" putol niya sa sasabihin sana nito pagkatapos niyang i ipit yung maiksing buhok nito.

"Why did you cut your long hair?" tanong niya dito. Bumalik na siya sa pwesto niya kung saan nakatayo at nakalean siya sa wall habang pinapanood ang naghuhugas na modelo.

"For a change, I guess." maiksing sagot nito. Kasalukuyan na itong nagkukus-kus ng kawaling pinaglutuan niya.

"It fits you but you look more beautiful with a long hair." hindi na naman ito sumagot patuloy lang sa pagkukus-kus ng kawali.

Wala na silang imikan hanggang natapos itong magsabon sa mga gamit at nagbanlaw. Tinulungan na niya ito sa pagtatrapo ng mga nahugasang gamit. Nung nasa huling plato na sila, niyakap na niya ito. Backhug katulad nung pictorial nila. Nagpipilit itong kumawala pero mas hinigpitan niya ang yakap dito.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now