Scene 26- Pasalubong..

39.2K 389 87
                                    

Action 25- Pasalubong...

"Storm anong masasabi mo sa balitang girlfriend mo daw ang personal maid mo?"

"Storm totoo bang maid ang bagong girlfriend mo? Siya ba ang babae sa picture?"

"Storm gaano ka totoo ang balitang maid mo ang hinalikan mo sa airport?"

"Storm totoo bang pinagpalit mo ang isang supermodel sa isang maid?"

"Storm gaano na kayo katagal ng personal maid mo?"

Yan ang ilan lamang sa mga tanong na sumalubong sa grupo nina Storm paglabas nila ng arrival area ng NAIA. Kahit alam na nilang dadagsain sila ng media nagulat parin sila sa dami ng nakaabang sa kanila sa labas. Halos hindi na sila makagalaw dahil sa siksikan ng mga reporters at fans. Mabuti nalang at may nakahanda naring bodyguards na aalalay sa kanilang lahat lalo na kay Storm na kasalukuyang nagsisimula ng mainis sa mga tanong ng reporters. Bakit kasi kailangan pa nilang i emphasize ang "maid" ano naman kung personal maid niya ang Alien niya. May magagawa ba sila? Minsan talaga akala ng mga tao, silang mga artista wala ng karapatang mag magkagusto sa hindi kapwa artista o kaya naman ay supermodel. Akala ng ibang tao, puro ganda ng katawan at mukha lang ang hanap nila. At isang malaking taboo ang pagkakaroon ng non-showbiz girlfriends lalo na at isang simpling personal maid lang. Sometimes, he hates their logic towards love.

Sa lahat ng binabatong tanong sa kanya, puro "No Comment" at smile lang ang sinasagot niya. Kahit si ms Lucy wala ring sagot. Noong nasa Thailand pa kasi sila sinabi ni ms Lucy na wala silang sasagutin kahit na isang tanong. They have to follow the protocol of "No comment" para walang ibang version ng sagot nila ang lumabas. Dahil baka pag may masabi silang iba, both he and Anee will suffer.

Pagkasabi na pagkasabi niya kay ms Lucy na may paparazzo na nakakuha ng picture niya at ni Anee sa airport bago siya tumulak papuntang Thailand. Kinausap siya nito ng mabuti at tinanong kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Anee. Ayaw man niyang sabihin pero wala na rin siyang choice dahil ayaw na niyang magalit pa lalo si ms Lucy. Kaya sinabi niya na dito ang totoo. Naintindihan naman ito ng manager niya at dun nga pinag-usapan nila kung anong measure ang gagawin nila pag uwi nila ng Pilipinas.

Ang instruction nga sa kanya ni ms Lucy wala silang sasabihin na kahit ano. Sasagutin nila ang issue sa press conference ng movie nila ni Angel para may diversion ang topic. Hindi lang mafofocus sa "Storm Affair". Ito ang tawag sa issue nila ni Anee. At pwede rin niyang i decline ang mga tanong na ayaw niyang sagutin.

Pero kahit na ihahandle nila ang issue wala rin silang babanggitin tungkol kay Anee. A simple Yes or No can do. Ayaw kasi niyang madawit ang pangalan ni Anee dahil alam nila paano gumagawa ng paraan ang media to get more information. Ayaw niyang mapasok ng mga ito ang private life ng Alien niya. As much as possible, he wanted to keep his Alien's private life, private. Isa pa, hindi naman malinaw ang mukha nito sa picture na kumakalat sa social network. Hindi rin agad ito marerecognized. Sabi rin ni ms Lucy siya na daw ang bahala na gagawa sa isasagot niya sa presscon. And he trust ms Lucy.

Sa lahat ng mga past issues niya palaging si ms Lucy ang gumagawa ng isasagot niya o sasabihin niya sa press. Ms Lucy knows na hindi siya ang tipo ng tao na mahilig mag isip ng explanation. Kung siya lang kasi ang masusunod, wala talagang maririnig sa kanya. In the end mapapalitan lang din naman ng iba pang issue ang issue niya. Kaso lang bilang entertainer kailangan talaga niyang magbigay ng kahit kunting explanation sa mga tao.

Ngayon nasa loob na sila ng sasakyan pero kinakatok parin sila ng mga reporters.

"Come on Robin, umalis na tayo dito at baka mabiyak pa yang salamin ng sasakyan." utos ni ms Lucy sa kanilang driver.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now