Scene 33- Knowing you...

21.5K 346 50
                                    

Action 32- Knowing you...



Nasa Pangulasian Island na si Anee at Storm. Thank God at walang masamang nangyari sa kanila habang sakay ng bangka sa kabila ng kalikutan ni Anee.



Habang nasa bangka kasi sila ikot ng ikot si Anee dahil sa amazement niya sa paligid, nakalimutan yata niyang nasa bangka sila at anumang oras ay pwede silang ma disbalanse. Sa una sinasaway pa siya ni Storm pero sa huli tumigil narin ito sa kakasaway sa Alien niya dahil para itong nursery na batang makikinig lang ng isang minuto at pagkatapos maglilikot na naman. Kaya si Storm na ang sumuko.



At sa ngayon nga nasa luxury villa na sila dito sa loob ng Pangulasian. May dalawang malalaking kwarto ang VIP Villa na nirentahan nila. Isa ito sa mga luxurious at very private villa ng resort. Mga VIP members lang ang pweding gumamit sa villa ito. Para din itong secluded area dahil nakahiwalay ang villa sa ibang mga normal villas. Tapos napapaligiran ito ng mga puno at halaman. May sariling swimming sa compound ng villa maliban pa sa kaharap nila mismo ang dagat.



Pagpasok nila sa reception para mag register at kunin ang susi nakilala na agad si Storm ng mga receptionist pero parang wala namang nakita ang mga ito. Lalo pa't may babaeng kasama ang actor. Nag rest assure narin mismo ang manager ng resort na pribado ang resort nila at pananagutan nila kung may lumabas man na issue sa actor habang nasa loob ito ng resort. Kaya kampante na si Storm.



Pagdating nila sa loob ng villa sinubukan niyang biruin si Anee na sa isang kwarto lang sila matutulog dahil isang kwarto lang meron ang villa. Pero hindi pa nga siya natatapos sa sasabihin sana niya kumarepas na ng takbo ang Alien papasok sa unang pinto na nakita nito which the toilet at doon nalang daw ito matutulog. Kahit pa sinabi ni Storm na isa lang din ang banyo sa boung villa at yung pinagtataguan lang nito ngayon ay ayaw parin talaga lumabas ng Alien. May dagat naman daw sa harapan kay pweding pwede na daw doon mag banyo si Storm.



"What?! What did you said Alien? Dagat, banyo??! Are you that dumb?"



"Oi sir hindi naman ko dambuhala no. Pero bitaw sir pwede mong gawing banyo ang dagat talaga. Sa amin nga sir pag naliligo kami ng dagat at naiihi kami. Ayun diretso na..."



"So you're telling me ginagawa niyong banyo ang dagat?"



"Oo gani sir..kasi inaanod naman ng tubug dagat ang ihi diba? Kaya malinis narin yun tska may iba pa gani sir na hindi lang ihi yung nilala..."



Sa time na ito hindi na pinatapos ni Storm ang pagkukwento ng Alien niya sa dagat escapades ng mga ito dahil baka hindi na siya makaligo sa dagat dahil yung sinabi nalang nito ang iisipin niya. Balak pa naman sana talaga niyang maligo talaga dahil nakakarelax din ang tubig dagat at maganda din ito sa balat.



"Ok Alien enough of that story. Mabuti pa magpahinga nalang muna tayo coz I know you're tired. And I need to talk to tita Lucy and Kiev too. Ikaw, you can call your family in Davao too. Il knock on you later pag nakapag pahinga kana. Ok?"



"Opo sir. Pero tulungan muna kita diyan sa mga  bagahe nimo sir."



"No. Hwag na ako na. Pumasok ka na sa kwarto mo bago pa magbago ang isip ko."



Tiningnan niya ito ng nakakaloko kaya kumarepas na naman ito sa kwarto nito. Nakalimutang dalhin ang mga gamit nito. Kaya nung katukin niya ito para ibigay ang mga luggage halo ayaw pa siyang pagbuksan. Natatawa na lang talaga siya.



Pagkatapos niyang i deliver ang bagahe nito, binitbit naman niya ang luggage niya at pumasok na sa sariling kwarto. Naligo muna siya't nagbihis bago tumawag kay ms Lucy.



I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now