Scene 12- Movie..bite to death.

49.8K 392 59
                                    

Please like this page mga aliens. Dito ako magpopost ng announcement, and teasers for new updates. You can talk to me about IAMFYS here as well. :))

http://www.facebook.com/Wattpadstoriesbymzpublic

Paabutin niyo ng 30+ and votes at mag UUD ako. Hahaha. Demanding ba? pero seryoso ako. LOL

----------------------------------------------------------------------------------------

Action 11- Movie..bite to death.

Movie. Sa normal na tao pagsinabing movie, manood ng pelikula agad ang maiisip. Kung sa mga couples, movie date. Makakascore ng akbay o halik sa pisngi si lalaki. Pero sa isang Alien, pag sinabi mong movie. Shooting agad ang maiisip. Kaya laking gulat niya ng pumasok sila ni Storm sa loob ng cinema. Alam niyo naman ang cinema, madilim. Pagkapasok palang ng ulo niya sa pintuan ng cinema 1, nanginig na siya. Ayaw na niyang tumuloy kahit pa hawak hawak ni Storm ang kamay niya. Kahit pa pinagtutulukan na ang pwetan niya papasok sa cinema 1. Ayaw parin niya.

Hindi naman sa naignorante siya, sa Davao kasi lagi siyang inaaya ni Leena mag movie. Ayaw nga lang niya, kasi diba, ayaw niya sa mga artista? Kaya ang ibibili niya ng ticket, pinang KFC nalang niya. Busog pa siya. Kaya ngayon nga, ito siya takot na takot sa loob. Maiba sa madilim, ang ingay ingay din at talagang wala siyang makita. Hindi naman siya night blind. Kaso talagang nabulag siya sa dilim sa loob.

"Alien, are you coming or coming?" mariing tanong ni Storm sa kanya.

Nasa pintuan parin kasi sila ng cinema one at parang mga guard na naghihilaan sa gilid. Ayaw kasi talaga ni Anee pumasok. Ang dilim kasi tapos kasama pa niya si sir niya. Pano na?

"Si..sir. Hwag na po tayong pumasok. Sige na gud sir."

"Papasok tayo sa ayaw mo at hindi, kaya halika na." tapos bigla siya nitong hinatak kaya nakapasok ang boung katawan niya sa loob at napayakap kay Storm.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Nagkakaheart attack na naman siya kaya ininom niya lahat ng coke na hawak niya. Ngayon, wala na siyang coke, nakapasok pa siya sa loob. Mas lalo siyang magkakaheart attack.

Hinila siya ni Storm ng hinila hanggang nakarating sila sa gitna ng sinehan. Bago siya umupo, lumingon muna siya sa paligid.

(Bakit kami lang ni sir diri na side?)

Nas gitna kasi sila ng sinehan at sila lang ang nakaupo sa bandang yun. Ang ibang tao nasa gilid gilid. May iba pang nasa pinakasulok. Yun naman ang namataan ni Anee nung nakapag adjust na ang mata niya. Ang mga taong nasa gilid ay seryosong naghahalikan.

(Oh may Gash!)

Napatakip siya ng mata niya tapos unti unting umupo katabi ni sir niya. Pakiramdam niya napapaso ang mukha niya. Yun bang parang manok na nilelechon. Ganun ang pakiramdam niya sa init ng mukha niya.

"You like what you see?" tanong ni Storm nung tahimik na siyang nakaupo at nagnonovena.

(Jusko pong mahabagin, linisin niyo po ang mga mata ko..plese po.)

Hindi na niya sinagot si Storm at nagpatuloy nalang sa pagnonovena.

(Patawarin niyo po ang kaluluwa ng mga manok na nagtutukuan. Plese po.)

"Alien, what are you doing?"

"Nagnonovena sir. Para sa kaluluwa ng mga manok na nagtutukuan sa gilid ng sinehang ito."

Napatawa naman si Storm sa sagot ng Alien niya. Talagang naniniwala na siyang alien nga ito. Tawagin ba naman kasing manok ang mga teenagers na naghahalikan? Para namang hindi rin ito dumaan sa pagkateenager. Kunsabagay, alien nga pala ito kaya malamang sa malamang eh manok na nagtutukaan nga lang nakikita nito.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now