Scene 18- Siya na byutipol!

47.1K 339 21
                                    

Action 17- Siya na byutipol!

Masyadong kinakabahan si Anee habang naglalakad kasama sina Anne at Angel papunta sa kinauupuan nina Storm at Kiev sa kabilang side ng swimming pool. Para bang nagkakaroon ng maraming baterply sa tyan niya. Nanlalamig at pinapawisan ng malamig ang mga kamay niya tapos para siyang matatae na naiihi din. Pakiramadam nga niya nangangatog ang tuhod niya at kunting tapilok lang niya ay magiging talaba diver siya sa swimming pool. Kinakabahan na nahihiya at natatakot siya sa reaksyon ng mga sir niya pag nakilala kung sino siya. Ayaw naman talaga sana niyang magsout ng damit na sout niya ngayon kaso pinilit siya nina Anne at Angel.Kaya napapayag din siya. At parang malaking pagkakamali ang pagpayag niya dahil kunting kembot lang niya nakaparada na ang bulaklaking short niya. Maganda sana kung rose pa ang bulaklak na design nito eh kalachuche naman. At halos mapupunit na ang laylayan nito sa kaka hila niya pababa. Sana lang talaga masorpresa ang mga sir niya sa mukha niya at hindi sa kalachucheng bulaklak.

At ito nga at malapit na sila sa dalawang sir niya na umiinom ng tubig na bumubula bula pa. Parang bigla tuloy siyang nauhaw, siguro pagnakarating na siya sa pinising (finishing) line ay yun din ang iinomin niya. Para namang papainomin siya ng sir Storm niya ng bumubulang tubig na yun. Baka nung iced tea ang ininom eh drunken kiss ang ginawa niya dito, siguro pag itong tubig na bumubula na ay maging apat na sila kinabukasan. Ikaapat si baby Bula na gawa sa tubig na bumubula.

Habang napapalapit sila sa mga ito mas lalo siyang kinakabahan, lalo na nang tingnan niya ang mukha ni Storm na magkasalubong na naman ang malalagong kilay at halos nawawala na ang singkit na mata nito sa paninigkit. Nginitian nalang niya ito ng pilit. At kung si Storm ay naninigkit ang mata kabaliktaran naman si Kiev na halos abot tenga na ang ngiti. May kasama pang kunting laway sa gilid. Nawala na ang pagkasuave nito. Napalitan na ng pagkadoggie. Wagas na reaksyon, walang katumbas at kapantay. At dahil nga nasa may swimming pool kumakain ang mga sir ni Anee. Sa may swimming pool din sila dumaan. Malayo na kasi kung papasok pa sila sa bahay at lalabas na naman samantalang pwede naman nilang i shortcut. Habang naglalakad sila, pinangungusapan siya nina Angel at Anne na mag relax lang at hwag padadala sa magkaibang reaksyon ng sir niya. Natural lang naman daw yun dahil hindi pa siya kilala ng mga ito.

Napapagitnaan nila ni Angel si Anne. Siya sana ang gusto na ipagitna ng dalawa pero ayaw niya. Kaya sa malapit sa swimming pool na side ang pinili niya. Nakalimutan yata niya na pwede talaga siyang maging talaba diver sa posisyon ng nilalakaran niya. Mamasa masa pa naman ang gilid ng pool.

"Anee, are you ok lang ba?" tanong sa kanya ni Anne nung halos ilang hakbang nalang ang layo nila sa mga sir niya. Napansin kasi nito na nanginginig na siya.

"O-ok lang po ms Anne. Medyo nilalamig lang. Hehehe" binalingan lang siya nito ng kunting sulyap at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Aw, tiis tiis lang ng kunti Anee, we are almost there" tumango lang siya sa sinabi ni Angel sa kanya.

Samantalang sa totoo lang, pakiramdam niya ay maiihi na talaga siya sa kaba at nagsusuntukan na ang mga baterply sa tiyan na.

Nararamdaman naman nina Angel at Anne ang nararamdaman ni Anee ngayon, pero wala naman silang makita na mali. Talagang sinigurado nilang perfect ito bago sila umuwi. At talagang pinilit na ipasout dito ang bubble dress dahil ang cute cute at ganda ganda nitong tingnan. Instead na maging malaswa ang damit, naging fit at talagang bagay ito dito.

Mga ilang hakbang nalang ang layo nila kena Storm at Kiev. Pero para kay Anee ang layo layo ng nilakad nila, daig pa nila ang nagprosisyon. Siguro dahil sa naka high heels siya tapos talagang naka kunot ang noo ng sir Storm niya.

Nung nasa harapan na halos sila ng dalawang lalaki, napatid niya ang sariling paa niya at splash! Sa swimming pool siya nagpaganda, dahil ito ang sumalubong sa kanya. Maghahanap na sana siya ng talaba pero blue tiles lang ang nakikita niya sa baba.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now