Scene 17- Guys talk..

45.7K 333 31
                                    

Action 16- Guys talk..

Habang wala ang Alien sa bahay. Ang dalawang mga amo na muna niya ang gumawa ng sarili nilang tanghalian slash hapunan.

"So, man ano? Seryoso ka na ba talaga kay Aneecute?" tanong ni Kiev kay Storm habang kumakain sila.

Nagluto sila ng estek at maspoteto (steak at mashed potato) kung sa vocabulary pa ng Alien. Daig pa nila ang kumain sa isang payb star hotel. Dinala rin nila ang pagkain nila sa may swimming pool. Masarap kasi ang hangin sa labas, presko. Kaya mas masarap kumain at mag usap narin.

"What do you mean?" maang maangan na tanong pabalik ni Storm habang hinihiwa niya ang stek.

"Don't act innocent man. Hindi naman ako bulag. I know you like her to the point of stealing kisses from her.."

Naubo naman bigla dito si Storm. Halos mabilaukan siya sa stek na kakasubo palang niya. Kinailangan tuloy niya lumagok ng isang basong tubig.

"Nakita mo? But how?" tanong na naman niya pagkatapos niyang uminom.

"I was about to check Aneecute kung ok lang siya, since I know na nalasing siya kagabi. Tapos nung sinilip ko, wala siya sa kwarto niya. Then I was thingking she was already downstairs. And you knew what Ive seen next. So seryoso ka na ba sa kanya?"

"I see." yan lang din ang sinagot ng kaibigan at nagpatuloy ito sa pagkain.

"Bat ayaw mong sagutin ang tanong ko?" ani ni Kiev.

"Because I dont want to complicate anything." seryosong sagot ni Storm.

"Hindi naman magiging complicated kung seryoso ka sa kanya at hindi ka na naghihintay kay Naddy."

"Right now, im already happy with Alien besides me. And I think that's enough." ayaw sana talagang sagutin ni Storm ang tanong.

Pero alam niyang hindi siya titigilan ng kaibigan, daig pa nito ang babae pag mag usisa. Kaya ganyan nalang ang sinagot niya, hindi rin kasi niya masasabi na hindi na talaga niya hinihintay si Nadia. She was his first love at matagal na panahon na niyang inaalagaan sa puso niya ang pagmamahal dito. Matagal narin niyang hinihintay ito. Pero hindi rin siya nagsisinungaling nang sabihin niya kay Kiev na masaya siya kay Anee at pumapasok na ito sa puso niya.

"Happiness is different from love man. Everyone can make you happy, but not everyone can make you love. Because you can only love one and not everyone."

"I know man." sagot niya sa kaibigan. Dahil alam naman talaga niya ang tinutumbok nito.

"Hwag mo sanang mapagkamalan na pagmamahal ang happiness na nararamdaman mo tuwing kasama mo si Anee. Dahil ayokong masaktan siya sa huli pag narealized mong kaya ka rin pasayahin ni Naddy. Kahit handa akong saluhin siya sa oras na mangyari yun, ayoko parin na mangyari sana talaga ang ganun.She's too fragile to be hurt." gusto niyang magalit sa sinabi ng kaibigan pero narealized niya na tama din naman ito. Kahit pa pinamumukha talaga nito sa kanya na kaya nitong agawin si Anee sa kanya sa oras na masaktan niya ito, but he's damn right.

He knows she liked the Alien not just because she can make him happy. Alam niyang higit pa dun ang nagustuhan niya dito. Pero paano nga ba pag nagbalik na si Nadia. Ang babaeng pinaglaanan niya ng malaking bahagi ng puso niya.Will he choose someone who makes him smile or someone who makes him cry.

"Don't worry man. It wont happen." yan nalang ang sinabi niya para hindi na ito magtanong pa ng magtanong. Dahil baka saan na sila mapunta.

(Sana nga man. Sana nga, it wont really happen.) sa isip ni Kiev.

Takot kasi talaga siya sa oras na umuwi na si Nadia. Wala pa nga, kinakabahan na siya. Para bang siya si Storm at parang siya rin si Anee. Ang kaibahan lang nila ni Anee. Siya alam niya ang lahat, ito wala alam kahit na katiting. Kahit nga pagkakagusto nito kay Storm ay parang hindi pa talaga lubos nitong naiintindihan. At kahit na ang obvious na pagseselos ng kaibigan niya at hindi parin talaga nagegets ni Anee. Sobrang slow talaga ng Aneecute niya. Sobrang inosente, kaya ang masaktan ito ang huli niyang nanaisin na maramdaman nito.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now