Scene 38- the Visitor

15.6K 334 191
                                    

Action 37- the Visitor.

"Ladies and Gentleman lets welcome the newly wed, Mr and Mrs Montecarlo!!" Malakas na sigaw ni Kiev pagkapasok nina Storm at Anee sa pintuan. May kasama pang torotot at palakpakan.

"Cheers! Yohoo!! Cheers!!"

"Congratulation guys, I am so proud of you two. Im so envious--"

Confetti scattered.

"Shut up man! Stop fooling around. And by the way you will clean all this mess." Ani ni Storm na nakakunot ang noo at nakaturo sa mga confetting naka kalat sa sahig.

And the end. Hahaha. Hindi ang storya kundi ang kalokohan ni Kiev kasi nasupalpal agad ng bagyo. Kaya ayon failed ang kinalabasan. Yung romantic background sana naging sirang plaka tuloy. Poor Kiev, naging broken hearted. Yung kaninang high energy niya sa pagsalubong sa bagong kasal este bagong bakasyunista biglang naging negative one nalang.

The party was supposedly his welcoming party sa dalawa kaso nga lang di yata nagustuhan ng bagyo ang idea niyang "newly wed" theme kaya hindi pa man nagsisimula ang party nag end na. Para tuloy siyang naluging bombay. Siya pa naman ang naghanda sa lahat ng yun sana, hindi nanga siya nakipag date doon sa model na bago niyang nakilala kasi nga he needs all his energy to prepare the party tapos hindi man lang naapreciate. Ang sakit lang sa puso. Pati narin sa bulsa kasi malaki laki rin ang ginasto niya dito.

"Hala sir Kiev ayaw na kalungkot sir, ako gusto ko man ang imo party. Pramis pa! Kaya smile naka diha sir, smile." Naka panatang makabayan pa talaga ang Alien para lang talaga maniwala si sir Kiev niya na nagustuhan niya ang ginawa nito.

"Talaga?! You like it? Mabuti naman at nagustuhan mo Aneecute, di tulad nong boyfriend mong sin tigas ng gold ang puso. Hindi man lang naapreciate ang pinaghirapan ko. Tssk"

"And why should I appreciate it? Sa lahat ng pwede mong gawing theme "newly wed" pa? With all those wedding cakes, red carpet and confetti? Bakit hindi ka nalang nag rent ng priest to make it complete?!"

Opps nakikinig pa pala ang Bagyo sa usapan. Mas lalo tuloy gustong asarin ito ni Kiev. Para maging fair sila, pinagalitan siya nito mabuti pang asarin niya rin to. Hmmm. Bagyo versus Kalawang ito ngayon. Hahaha

"Oh! man you give me more idea, should I call my priest friend now? Should I" hamon niya dito at hawak hawak pa ang phone.

"Shut up Kiev you're nuts!"

"Oh come on man I know you like the idea of getting married to Aneecute..right?"

"Whatever man, do as you wish hwag mo lang akong isali dyan sa mga kalokohan mo." at tuluyan ng umakyat ang naasar na Bagyo.

"See that Aneecute? Wala talagang ka humour humour yang boyfriend mo. Tsk tsk. So ano ready ka na to have party?"

"Opcourse sir! I me ready!! Lets go to da moon!"

"Moon?! Hahaha opcourse to the moon!!"

Ayon nag simula na nga silang mag party na silang dalawa lang. Una nilang nilantakan ang dalawang wedding cake.

"Wow sher Kiev ka lami mon so kook no ito o..i! Adbans!!" ani ng Alien na punong puno ang bibig ng cake. Kaya pati pagsasalita nito hindi na maintindihan.

"Advance? Yung cake advance?" tila nalilitong tanong ni Kiev.

Tango lang sinagot ng alien "adbans sa sharap sir!"

"Hahaha, ok ok advance na kung advance! You're really funny Aneecute."

Pagkatapos nilang maubos ang cake na adbans nga daw sa sarap sabi ni Anee, yung ibang pagkain naman ang nilantakan nila. Hanggang sa dumating sila sa wine.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now