Scene 20- Showbiz.

45.7K 339 24
                                    

NOTE: UPDATES WILL BE EVERY FRIDAYS AND SUNDAYS.

Dedicated to girlikeher. Hwag ka ng malungkot dahil tumalab ang puppy dog eye mo..Hehehe

----------------------------------------------------------------------------------------

Action 19- Showbiz.

Isang very hectic week ang linggong ito para kay Storm. Kaliwat kanan ang presscon, interview, mall shows, photoshoot at shooting na gagawin niya. Kasabay din ng pagka hectic ang mood niya. Halos di na nga ito makausap ng maayos nina Kiev at Anee pag umuuwi ng bahay. Hindi narin ito nag dadrive mag-isa kaya camper van na ang ginagamit nito at minamaniho ni Robin.

Magsisimula na kasi ang teleserye niya by next week dahil matatapos na ang Apoy ni Rebecca. Ito ang papalitan na slot ng teleserye niya. Kaya puspusan na ang presscon at interview para magpromote. Kahit naman isa siyang A-lister kailangan parin niyang mag promote. Nakabooked na halos ang isang linggo niya for live interview, guesting at mall shows. They have to promote harder lalo pa't bagong artista ang leading lady niya sa teleserye. They have to create a good impression. Minsan kasi kahit gaano kasikat ang lading man or lading lady, pag new face ang kapartner nahihirapang tanggapin ng tao ang produkto nila. Ang mabuti nanga lang sa kanya dahil wala siyang ka loveteam. Solo flight siya kaya kahit sino pwedeng ipartner sa kanya na walang problema sa loveteam supporters. Mababait din naman ang mga fans at supporters niya dahil tanggap nila kahit sinong iparehas sa kanya. Basta hwag lang daw siya agawin sa kanila. Ibih sabihin, basta hindi lang maging karelasyon niya. Kilala kasi nila si Nadia at kahit na hindi ito artista supportado parin ito ng lahat. At ito lang ang gusto nilang pair para sa kanya.

Linggo ngayon at dapat off day niya pero hindi siya pwedeng mag off day dahil may guesting siya sa ASA! at The Puzz! Tapos may pre-interview siya para sa isa pang talkshow. Ang mga artista kakaiba din kasi, kapag sila may trabaho halos non stop ang sulpot ng projects. Pero pag naman wala, halos talaga zero projects din. Kaya nga minsan ang iba pag pasikat pa lang, lahat ng projects tinanggap. Ika nga strike while the iron is hot. Hindi kasi lahat ng "pasikat" ay talagang sumisikat. Hindi rin lahat ng sikat ay nananatiling sikat. Bihira lang ang nakakapag-establish na talaga ng pangalan at nakakatuntong sa entablado ng mga A-List. At isa siyang masasabi na maswerte dahil established na talaga ang pangalan niya sa Philippines showbiz. May star power na siya kung baga. Pagkasi may star power ka na, hindi mo na kailangan ng kaliwat kanan na project. Dahil may solid supporters at followers ka na. Ibig sabihin kahit isang project sa isang taon, ok lang. The followers will still follows. Hindi tulad ng wala pang star power na dapat sunod sunod ang project para hindi makalimutan ng mga tao or para hindi mabaling ang attention ng followers sa iba.

Siya, isang teleserye at dalawang movie lang ang project sa isang taon. Usually, pang valentines at December affair ang movies na ginagawa niya. Tapos for May-October naman ang teleserye. So parang wala din siyang bakante sa isang taon. Hindi nga lang sunod sunod na makikita ang mukha niya. It helps din para hindi maumay ang mga tao. Bumabawi naman din siya sa endorsements. Though hindi siya masyadong active sa acting lagi naman siyang nakikita sa commercial, print add at mga magazine. Sa showbiz kasi, if you are popular lahat ng company gusto kang kunin na endorser. Mabuti nalang si tita Lucy niya nirerefer muna sa kanya ang isang endorsement bago pumirma. Ayaw kasi niya na endorse siya ng endorse kahit naman hindi niya gusto ang isang product. Tulad nalang ng pagkain ng pusa na endorsers pero wala naman siyang pusa at ayaw pa niya sa pusa. Pati narin mga sanitary pad. Hindi naman siya babae para mag endorse ng ganun.

"Storm are you ready? We will be on air after the commercial." tawag sa kanya ni ms Lucy sa labas ng dressing room niya. He was alone sa loob dahil hindi na niya pinasama si Alien.

May live interview siya with Boi Abundat ngayon for The Puzz!

"Il be out in a sec." sagot niya dito. Tumayo narin siya at naghintay sa backstage ng The Puzz!

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now