Scene 44- Picnic na sana naging..scene pa?

5.8K 142 92
                                    

Scene 44- Picnic na sana naging..scene pa?


Nakauwi na sina Anee, Storm at Kiev mula sa davao isang linggo na ang nakakaraan. At sa loob ng mga panahon na yun wala naman masyadong nangyari dahil nasa bahay lang silang tatlo. Pinag papahinga nila si Storm hanggat wala pa itong commitments. Minsan bumibisita rin sina Anne at Angel tapos nag pool party naman sila. Wala ring dalaw na nagmula kay Nadia dahil busy rin ito sa sariling craft. Noong dumating sila mula sa davao nasa London ito para sa London Fashion Week. Ngunit kamakailan lang ay nakauwi na ito ayun sa balita.

"Guys! Gusto kong may gagawin. Its saturday at andito lang tayo sa bahay? Come on! Storm, man?" reklamo ni Kiev habang kumakain ng agahan. Mahahalata na bored na talaga ito dahil kahit pag nguya sa kinakain para ng walang gana. Hindi narin ito kasing gana kung kumain tulad dati. Nararamdaman na talaga nito ang boredom sa isang linggo na pagkukulong lang sa bahay. Hindi rin kasi ito umaalis kahit na tinataboy na minsan ni Storm. Mas gusto daw nito na makipag-asaran kay Storm at makipag-biruan kay Anee. In short nagpapaka martyr siya. Pero tinatawanan nalang din niya ang mga kalukuhan niya.

"Sir Kiev bakit man hindi kayo maglabas?" takang tanong naman ni Anee na kasalukuyang naglalagay ng hotdog sa mesa. Parati silang mag hotdog dahil ito na daw ang bagong paborito ni Kiev na pagkain sa agahan. Si Storm naman minsan lang kong kumain nito dahil ayun sa kanya masyado daw itong unhealthy. Na binabara naman ni Kiev ayun sa diskusyon niya sa hotdog. Masarap at nakakabibo.

"Oyoko Onoocute, oi wont to go out woth you goys."

Parang bata na iling nito habang may lamang hotdog ang bibig. Pinagalitan pa ito ni Storm dahil hindi nito maintindihan kong anong pinagsasabi ni Kiev. Inulit nalang nito ang sinabi nung wala ng laman ang bibig nito.

Si Anee naman ay umupo narin sa tabi ni Storm at naglagay ng pagkain sa plato niya. Pero bago pa siya sinubo yung pagkain na nasa malapit sa bibig niya kinausap muna niya si Kiev kaya ayun napagalitan ni Storm.

"Ay kamo ni sir Storm, sir Kiev mag labas kay ako hindi man pwede dahil daghan pa gagawin dito sa bahay. Maglaba pa ko, tapos mag-linis pa gyud." ani nito habang pasubo na.

"Ok long yon Onoocute tutulungan nomon koto so mgo gogowin mo. Royt Storm?" sagot naman ni Kiev na puno na naman ang bibig. Sinasadya talaga niyang magsalita ng ganun dahil natataw siya sa hitsura ni Anee na ngumunguso din pag nagsasalita siya. Para itong isda.

"I dont know the two of you Kiev and Victoria. Bahala na kayo." ani Storm sa kanila. "But please Kiev stop doing that stupid thing on your mouth! Its disgusting man!" sita pa nito sa kaibigan na kanina parin naiirita sa letter o lahat na sinasabi nito. Bigla namang humagalpak nang tawa si Kiev na kinagulat ng dalawa.

"Hahahha! Kasi naman man, Aneecute mouth is so funny! Parang isda na nakanguso hahaha" tawa ito ng tawa habang ginagaya pa ang bibig ni Anee. Nakitawa nalang din ang magkasintaha sa kalolohan ni Kiev. "But, really? Are you sure that you want to go out with us? Coz if you are, Im gonna prepare right away. I have a place in mind already." tumango lang din si Storm sa kaibigan. Alam naman niyang gusto na talaga nitong lumabas ang hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi ito lumalabas. Kaya pagbibigyan nalang niya ang kahilingan nito. Minsan may pagkaisip bata pa naman ito at baka isumbong pa siya sa mommy nito.

"Yeah I am."

Pagkasabi niya ng ganun tumayo na agad si Kiev sa mesa at tatalikod na sana para umakyat sa taas, pero lumingon muna ulit ito sa kanilang dalawa ni Anee na naiwan sa dining table.

"Ah! Aneecute iligpit mo na lahat ng pagkain tapos ilagay sa picnic basket. We're going somewhere!" aba nag-utos pa sa girlfriend niya. Naisip ni Storm.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now