Chapter 18

1.3K 34 0
                                    

Habang pababa ako papuntang pet house ay nakita ko si Cassie nakalikod sa direksyon ko at mukhang busy sa ginagawa. Kaya dahan-dahan akong lumalapit sa kanya at niyakap ko siya mula likod.

"Ay puso ko mahulog!" Natawa ako dahil sa pagkagulat niya.

"Sasaluhin ko naman ang puso mo." Bulong ko sa kanyang tenga. Mabuti na lang closing time na kaya nagsara na yung pet house.

"Kainis ka, James. Hindi pa nga malaki ang tyan pero baka makunan naman ako sa ginagawa mo sa akin kanina." Kinukurot niya ang braso ko at dahil sobrang sakit ang kurot niya kaya hinawakan ko na ang kamay nito.

"Huwag ka magsalita ng ganyan and sorry kung nagulat kita." Hinawakan ko ang kanyang mukha para humarap sa akin at hinalikan ko siya sa labi. "Gawin nating kambal ang magiging anak natin."

"Kainis ka talaga." Napangiti na lang ako dahil sa pagkamula ng kanyang pisngi. Ang cute talaga ni Cassie.

"Biro lang. Kailan pala ang next check up para naman masamahan kita."

"Talaga?" Tumango ako sa kanya. "Next week pa naman ang check up ko sa OB."

"Okay. Ipapasa ko na lang kay Chuck ang blueprint para sa project na ginagawa namin at siya na ang bahala doon. Malaki na siya."

"May project pala kayong ginagawa baka hanapin ka rin niya. At baka importante rin yung ginagawa niyo."

"Siya na muna ang bahala. Noong inakala naming patay siya ay ako ang tumapos sa lahat na iniwanan niya. Hindi naman yata patas iyon, no. Gusto kong fair and square."

"Baliw ka talaga. Pero musta naman ang paguusap niyong dalawa ni kuya Arwen kanina?"

"Everything's fine pero hindi lang si Arwen ang kausap ko kanina dahil dumating din ang isa mong kapatid." Sabi ko sa kanya.

"Si kuya Jeff?" Parang hindi makapaniwala si Cassie.

"Yes, gusto lang nila makilala ang naging asawa mo. Siyempre nagiisang kapatid ka nilang babae dapat kilalanin nila ang magiging asawa mo." Nakangiting kwento ko sa kanya. Pero kung ako ang nasa pwesto ng mga kuya ni Cassie ay ganoon rin ang gagawin ko pero hindi naman ako pinalad na magkaroon ng kababatang kapatid na babae. Nakakatandang kapatid, siguro pero once ko lang nakausap ang boyfriend ni ate Eva. Noong araw na ililibing na si ate Eva, doon ko lang nakilala si Creed.

Kinabukasan...

Maaga akong umalis sa bahay para puntahan si Chuck sa trabaho.

Pagkarating ko sa J&C Construction Company ay binati ako ng security guard at siyempre binati ko rin si manong guard, hindi naman ako bastos o strict boss. Gago at loko-loko lang. Deretso lang ako hanggang nakasakay na ako sa elevator at pinindot ko na ang 15 button dahil doon ang opisina namin ni Chuck.

Pagkarating ko sa 15th floor ay agad naman akong bumaba at natanaw ko na ang assistant ni Chuck.

"Good morning, arch. Fernandez." Bati niya sa akin.

"Good morning, Mich." Bati ko rin sa kanya. Si Mich lang kasi ang gusto ni Chuck maging assistant niya dahil pinagkatiwalaan niya ito. Nagulat pa nga si Mich noong nalaman niyang buhay ang kanyang boss. "Um, nandiyan ba si Chuck sa loob?"

"Yes po."

"Okay, thanks." Sabi ko bago pa tumuloy sa opisina ni Chuck. Wala ng katok katok pasok na agad.

"Hindi ka talaga marunog kumatok kahit kailan, no?" Inikot na niya ang kanyang swivel chair sa direksyon ko.

"You know me, dude. But anyway, kaya ako nandito para pakita sayo ang blueprint para sa project na gagawin natin." Kinuha ko ang blueprint sa bag ko at nilapag sa desk niya.

"Hmm... Kahit kailan talaga hindi mo ko binibigo, Buck." Sabi niya habang pinaglalaruan ang ballpen sa daliri nito.

"Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa project na ito?"

"Why?" Kunot noo nakatingin sa akin. Kilala ako ni Chuck dahil hindi naman ako nagbabakasyon simula noon.

"Because Cassie is pregnant at gusto ko siyang samahan sa check up niya."

"Whoa, you said she's pregnant? Kailan pa?"

"Noong nasa Italy pa kaming dalawa."

Nakita ko ang pagtayo ni Chuck at lumapit sa akin sabay akbay.

"Congrats dahil tatay ka na rin. Kapag nagkayayaan sa outing ay hindi ka na pwedeng umexcuse dahil may asawa ka na rin."

"Gago ka talaga kahit kailan. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sayo ni Nika." Pang aasar ko sa kanya. Kahit kailan ay walang pikon sa amin magkakaibigan. Sanay na rin naman kami sa asaran sa isa't isa.

"Ikaw pa nga nagsabi sa akin noon na mabait akong tao pero hindi ko pinaparamdam sa iba. Kay Nika lang." Humiwalay na sa akin si Chuck at bumalik na siya sa swivel chair. "Ano naman ang nagustuhan sayo ni Cassie ah?"

"My gorgeous body." Nakangising sabi ko pero natawa na rin ako dahil sa reaksyon ni Chuck. Binato na rin niya sa akin ang hawak niyang ballpen.

"Gago. Huwag ako, Buck." Sabi nito na mukhang naiinis kaya tuloy lang ako sa pagtawa.

"Hindi naman importante kung ano ang nagustuhan sa akin ni Cassie. Ang importante ay nagmamahalan kaming dalawa." Sabi ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano nga ba ang nagustuhan ni Cassie sa akin.

"Pumapayag ako na mag-leave ka sa monthly check up ng asawa mo. Alam ko naman excited kang makita ang first baby niyong dalawa."

"Thank you, dude. Pakiss nga."

"Tigil tigilan mo ko, Buck. Baka ibato ko sayo itong libro." Hinawakan na niya ang libro nakapatong sa desk niya kanina. "Umalis ka na baka hinahanap ka ng asawa mo ngayon."

"Baka hinahanap ka rin ni Nika."

"Bro, bibigyan kita ng isang taong bakasyon dahil alam ko namang may balak kang yayain ulit si Cassie na magpakasal." Kumunot ang noo sa pinagsasabi nito. Isang taong bakasyon? Parang sinasabi rin ni Chuck na ubusin ko na ang lahat na taong hindi ako nagbakasyon ah. "Go now!"

Napakamot na lang ako ng ulo dahil tinataboy na ako ng kaibigan ko. Wala na rin naman ako magagawa kaya umalis na ako.

Pagkauwi ko ay nakita ko si Cassie nakaupo lang sa isang silya at nakanguso. Ano nangyari sa kanya? Mukha kasing hindi maganda ang gising ng asawa ko ngayon. Kaya ba siya ganyan dahil walang customers?

"What's wrong?" Tanong ko pero inirapan lang ako. "Hey, Cassie. Tell me, what's wrong? May masakit ba sayo?"

"Saan ka ba nanggaling ah? Pagkagising ko kaninang umaga ay wala ka." Mag namumuong luha sa kanyang mga mata at onti na lang ay iiyak na siya.

"Sorry." Lumuhod ako sa tabi niya. "May pinasa lang akong blueprint kay Chuck kanina at nagpaalam na rin ako sa kanya na hindi ako makakapasok dahil sasamahan kita sa check up mo."

Inirapan na naman ako ni Cassie. Naiintidihan ko na ang nararamdaman ni Chuck noong pinagbubuntis pa ni Nika si Cody.

"Cassie, I'm really sorry. Hindi na mauulit." Pinaharap ko ang mukha niya sa akin at hinalikan ko siya sa labi. Isang smack lang, baka kasi saan pa mapunta at mawala sa isip kong buntis si Cassie ngayon. Nakita kong ngumiti siya sa akin. "Tara sa taas. Hayaan mo muna sila ang bahala rito sa baba."

"Hoy, ano ang binalak mo ah?"

"Morning exercise." Ngumiti akong pilyo sa kanya dahil kasalanan naman niya kung bakit ko nasabi ang morning exercise.

Bago pa makasagot si Cassie ay binuhat ko na siyang bridal style at umakyat na kami sa taas.

She Is The OneWhere stories live. Discover now