Chapter 4

1.5K 35 0
                                    

Pagkabigay ko ng bayad ay tumayo na ako para makauwi na rin. Habang palakad ako para makaalis ay may nakabangga na naman ako. Hindi naman madilim dito sa bar pero ang daming tao kasi.

"Sorry, miss." Humarap siya sa akin kaya pareho kaming nagulat. "Ikaw?!"

Hindi na ako sumagot dahil nagmamadali akong lumabas sa bar.

"Miss, wait!" Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag niya sa akin pero may humablot sa braso ko kaya napalingon ako sa likuran. "Ang hirap mo naman habulin, miss."

"Bakit mo gusto akong habulin, mister? Wala naman akong atraso sayo para habulin ako."

"Wala nga pero nahulog mo ito kanina." May inabot siya sa akin. Ang ID ko kaya agad ko iyon kinuha sa kanya.

"Cassandra Castro. Nice name." Ngumiti ito sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. "By the way, I'm James Fernandez."

"Nakita mo na rin naman sa ID ko ang pangalan ko kaya hindi ko na kailangan magpakilala pero pwede mo rin akong tawaging Cassie."

"Then, you can call me Buck. Dahil doon ako tinatawag ng mga kaibigan ko."

"Pero hindi mo naman ako kaibigan at kakilala pa lang natin ngayon."

"Basta tawagin mo doon. Kapag nagkita ulit tayo ay dapat Buck na ang tawag mo sa akin, okay?"

Ang weird niya. Hindi pa niya ako masyado kilala pero ganito na siya ngayon sa akin.

"And let's talk about animals. Alam kong isa kang veterinarian pero huwag tayo rito magusap dahil ang ingay sa loob." Sabi nito sa akin.

"Paano na yung mga kasama mo kanina? Hindi ba may mga kasama ka?"

"Yes. Nagsiuwian na silang dalawa ngayon dahil hinahanap na sila ng mga asawa nila."

"Eh, ikaw. Baka hinahanap ka na rin sa inyo." Sabi ko sa kanya. Kahit alam ko namang single siya dahil narinig ko ang pinaguusapan nila kanina ng mga kasama niya.

"Wala pa akong asawa. Sa grupo namin ay ako na lang ang wala pang asawa."

"Bakit naman? May itsura ka naman kaya malabong wala nagkakagusto sayong babae."

"Busy palagi ako sa trabaho at wala na akong oras para sa sarili ko." Huninto siya sa tapat ng isang sasakyan. "May dala ka bang sasakyan?"

"Wala."

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na sinundan ko siya hanggang sa bar na parang stalker lang ang peg ko. Ni hindi ko pa nga siya kilala kanina perk sinundan ko.

"Hop in. Hatid na rin kita sa inyo mamaya."

Kinakabahan ako bigla na hindi ko alam dahil sumakay ako sa kotse ng isang lalaki na ngayon ko lang naman nakilala.

Bumaba na kami pareho dahil nandito kami sa bay. Ang lamig ng simoy ng hangin.

"Ang sabi mo kanina ay gusto mo pagusapan ang tungkol sa mga hayop. Mahilig ka rin pala sa mga hayop."

"Yes, especially dogs." Tumingin siya sa akin. Gosh! Ang gwapo niya sa malapitan ah. "May alaga akong aso."

"Anong breed?"

"Mix breed ng golden retriever at husky. Bigay lang sa akin ng kaibigan ko."

"Cool. Hindi pa ako nakakita ng mix breed ng golden retriever at husky."

"Heto papakita ko sayo." May pinakita siyang picture sa phone niya. Picture ng alaga niyang aso.

"Ang cute. Hindi mo alam kung husky ba siya o golden retriever." Napapangiti ako dahil ang cute ng alaga niyang aso. Pero sabagay mix breed naman ito. "Ano pangalan niya?"

"Max. Matalino at mabait iyan."

Bigla ko naalala ang dalawa kong alagang aso. Kailangan ko silang iwanan pero ang gusto ko yung aalagaan sila.

Napatingin ako sa kanya bigla. Hindi ako sigurado kung papayag siya. Wala naman siguro mawawala kung tatanungin ko, no?

"Gusto mo ba mag-alaga pa ng mga aso?"

"Hm? Not sure kung may oras pa ako mag-alaga ng aso ngayon dahil busy ako sa trabaho. May project pa kasi kami na kailangan matapos."

"Project? As in project sa school?" Tumawa naman siya sa akin. Bakit naman siya tumatawa? Wala naman nakakatawa sa tanong ko.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin na project. Project sa site."

"Oh. Isa ka pa lang engineer o architect."

"Architect ako."

Bigla ko naalala ang tungkol sa kanya. Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na makakalimutan ko iyon.

"Ikaw yung sikat na architect dahil magaganda ang design na ginagawa mo sa bawat project na pinapagawa sayo."

"Hindi naman talaga ako sikat."

"Ano tawag sayo? Kilala ang pangalan mo sa buong mundo."

"Iyon ba? Wala lang iyon at saka trabaho lang."

Siya na ang kailangan ko para makapagtayo ako ng sariling vet clinic. Dream come true na na ba?

"Magkano ang service mo kapag may kliyente ka?"

"Depende kung gaano kalaki ang ipapagawa sa akin."

"Paano kung magpapagawa sayo ng isang vet clinic?"

"Depede pa rin. Kailangan ko rin kasi kausapin ang partner ko sa mga project na kukunin namin." Tumingin siya ulit sa akin. "Siya kasi yung engineer."

Ano ba iyan. Akala ko ito na ang pagkakataon ko para magkaroon ng sariling vet clinic.

"Bakit mo pala naitanong?"

"May balak sana ako magpatayo ng vet clinic pero ang problema wala akong makitang magandang lugar kung magpapatayo at wala rin akong pera. Kaya tinatanong kita for canvassing muna."

"I see. Big company kasi ang kumukuha sa amin."

Big company. Kung ganoon ay saan naman ako kukuha ng malaking pera para magkaroon na ako ng sariling vet clinic? Kaibis naman. Ayaw ko naman humingi ng tulong sa ama ko. Baka sabihin sa akin alis ako ng alis sa puder niya tapos hindi naman kaya mamuhay na mag-isa.

Kailangan kong patunayan na kaya kong mamuhay na mag-isa hindi kailangan na kahit anong pera niya.

Kung lang lumugi yung pinagtatrabahuan ko noong vet clinic ay sana hindi ako naghihirap ngayon.

"Hatid na kita sa condo mo dahil masyado na ng late." Tumango na lang ako sa kanya.

Pagkarating namin sa tapat mg building ng condominium kung saan ako nakatira ngayon ay bumaba na ako sa kotse niya.

"Salamat sa pag-sama mo sa akin ngayon gabi."

"Wala iyon. Masaya rin naman akong pinagusapan ang tungkol sa alaga mo."

"Good night."

"Night."

Pagkarating ko sa unit ko ay binuksan ko agad ang laptop para i-research ang tungkol kay arch. James Fernandez.

Tama nga siya dahil isang big company palagi ang kumukuha sa kanila ng kanyang partner na si Chuck Smith.

Clinick ko yung link tungkol sa partner niyang si Chuck Smith.

15 years ago ay may nangyaring sunog noon isa sa resort sa may Ilocos at isa si Chuck Smith ang nandoon. Ang akala ng lahat ay namatay siya sa sunog pero iyon pala ay nakaligtas siya.

"Ugh, ibig sabihin pala ay kuya ko na siya. Hindi ko inaasahan na mas matanda pala siya sa akin dahil mukhang kasing edad ko lang siya."

20 years ang tanda sa akin, my god.

She Is The OneWhere stories live. Discover now