Chapter 9

1.2K 43 0
                                    

Isang buwan na naman ang lumipas at ngayon araw ang kasal ko kay Jewel.

Pwede bang tumakbo na lang ngayon para hindi matuloy ang kasal? I'm not ready for this and I don't really love her.

Siyempre hindi pwede dahil masisira ang pangalan ko kapag ginawa ko iyon. A runaway groom.

May anak ka na kailangan panagutan kaya kailangan mo rin pakasalan ang ina kahit hindi mo mahal.

Ugh. Dammit!

It's a simple civil wedding. Mga kamag anak lang ni Jewel ang imbitado, tutal wala na rin naman akong kamag anak rito sa Pilipinas. Sinabihan ko na rin ang mga kaibigan ko na huwag na sila pumunta at magaksaya ng oras.

Napatingin ako dahil sa pagbukas ng pinto, ang akala ko kasi dumating na si Jewel pero laking gulat ko na lang nang makita ko si Aizen. Ano ang ginagawa niya rito?

"Don't mind me. Ni request ng bride na maglagay ng wedding theme song para mamaya sa pagdating niya." Sabi niya. Wedding theme song ba talaga? O baka may iba pang binabalak si Aizen ngayon kaya siya nandito? Kilala ko ang ugali ng mga kaibigan ko.

Pagkadating ni Jewel ay biglang namatay ang mga ilaw. Ano nangyayari ngayon?

"What's going on?" Takang tanong ni Jewel dahil sa biglang pagpatay sa mga ilaw.

"Enjoy the show, ladies and gentlemen." Sabi ni Aizen. I knew it, hindi wedding theme song ang inaayos niya kanina.

Napatingin naman ako agad sa pinapakitang pictures sa projector. Pictures of Jewel with other guy at may video pang kuha. They are both kissing sa harapan ng isang bahay.

"What's the meaning of this Jewel?" Galit na tanong ng kanyang ama.

"I-I don't know--" Hindi natapos ang sasabihin ni Jewel ng may nagsalita.

"Aminin mo na sa kanilang lahat ang totoo na hindi siya ang tunay na ama sa dinadala mong anak ngayon." Sabi ng isang lalaki.

"What are you talking about? Ni hindi nga kita kilala."

"That's impossible you don't know me, Jewel. Dahil pagkauwi na pagkauwi mo ng Pilipinas ay pinuntahan mo ko agad sa bahay ko at may nangyari sa ating dalawa 3 months ago kaya alam kong akin iyang bata nasa sinapupunan mo ngayon."

3 months ago? Eh, 2 months pa lang kami nagkita muli ni Jewel. Paano nangyari iyon? Buntis na siya noong dinala niya ako sa bahay niya noong gabing iyon? At pinapalabas niya sa akin ang bata. Ilang araw ako hindi lumalabas ng bahay dahil sobrang problemado ako tapos malalaman kong hindi pala akin ang bata.

Habang nagkakagulo sa loob ay may humawak sa kamay ko and I saw Cassie. Hinila na rin niya ako lumalabas at nakita ko na rin ang iba ko pang mga kaibigan.

"Can you tell me what's going on?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Sabi ko nga sayo tutulungan ka namin, Buck. Alam kong sinabi kong ligawan mo si Jewel pero wala naman akong alam na may secret boyfriend pala siya and with ms. Castro's help kaya nalaman namin agad." Sabi naman ni Chuck. Tumingin ako kay Cassie.

"Kinausap nila ako para humingi ng tulong sa akin at ako na lang ang huli nilang pagasa para hindi matuloy ang kasal mo. Pumunta pa ako sa opisina ni kuya Jeff para humingi ng tulong. Ang kapatid ko ang nag-hire ng private investigator para malaman ang katotohanan and for the last time..."

"What do you mean for the last time?" Kumunot ang noo ko habang nakatitig kay Cassie. What she's talking about?

"Nakita ko rin si papa sa kumpanya at sinabi niya sa akin na papayag lang siyang mag-hire si kuya Jeff kung papayag rin akong bumalik sa amin. Kaya ito na rin ang huling araw na magkikita tayo."

Sasagot pa sana ako pero may isang magarang sasakyan ang huminto sa harapan namin at bumaba doon si mr. Alejandro Castro, ang ama ni Cassie.

"And your soon to be husband is waiting for you, Cassandra." Sabi ng kanyang ama. Lahat kami rito ay nagulat even Cassie. Wala siyang alam tungkol doon.

"Pero wala sa usapan natin ang tungkol doon, papa."

"Kapag sinabi ko ba sayo ang tungkol sa lalaking papakasalan mo ay papayag kang uuwi sa bahay? I know you, Cassandra."

After she helped me with this at alam kong ayaw niya rin magpakasal sa isang lalaki na hindi naman niya alam. Malabo na rin ako doon.

Ayaw ko rin mapalayo sa akin si Cassie dahil kapag nangyari iyon ay hindi ko na siya makakausap at malalapitan pang muli.

"I know how you love her, pre." Sabi ni Luca. Ano ang gagawin ko? Isang makapangyarihan ang ama ni Cassie at wala akong laban sa kanya.

"Get her and runaway from here, Buck. Kami na ang bahala sa ama ni ms. Castro at sa mga bodyguards nito." Sabi naman ni Chuck.

"But he is the powerful ma--"

"Bago pa mahuli ang lahat, Buck at baka ikaw pa ang magsisi sa huli kapag natuloy ang pinaplano ni Alejandro sa anak niya." Ani naman ni Alex.

Argh. Damn it. Damn it!

I have no other choice. Kaya lumapit ako sa kanila sabay hatak sa kamay ni Cassie bago pa siya sa makasakay sa kotse nila. Tumakbo na kami palayo sa kanila.

"Get them!" Rinig kong sigaw ng ama ni Cassie.

Sorry, guys kung nadamay pa kayo ngayon and thank you.

Pagkarating namin kung saan ko pinarada ang kotse ko ay binuksan ko agad ang passenger's seat para sa kanya.

"Get in." Sabi ko kaya agad naman sumakay si Cassie sa passenger's seat. Pumunta na rin ako agad sa driver's seat.

Pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan ko. Wala na akong pakialam sa overspeeding.

"Saan tayo pupunta ngayon?"

"Sa bahay na muna para kunin si Max. I can't leave him there."

Pagdating sa bahay ay bumaba ako sa kotse ko para buksan ang gate ng bahay ko.

"Max!" Tawag ko sa alaga kong aso. Nang makita ko na siya ay binuksan ko na ang pinto sa backseat kaya agad siyang sumakay doon. Bumalik na rin ako agad sa driver's seat para makaalis na kami agad rito.

"Saan na tayo ngayon pupunta?"

"I don't know yet. Bahala na kung saang direksyon tayo pupunta basta makalayo lang rito."

"Maraming connection si papa kaya imposibleng hindi tayo mahahanap agad."

She's right. And I have no other choice na tawagan ko si Chase para humingi ng tulong ngayon.

Kinabit ko ang bluetooth ng phone ko sa radio ng sasakyan ko bago tawagan si Chase. Kahit alam kong busy siya. Wala na akong kilalang pwedeng tumulong sa akin.

"Napatawag po kayo, uncle Buck."

"I need your help, Chase. Kailangan ko ang private plane mo para makaalis ako rito."

"Is that really an emergency?"

"Yes! I really need your private plane as soon as possible."

"Okay po. Tatawagan ko na lang si Gids para i-handa na yung private plane."

---

Hey, y'all. Ngayon lang ako nagkaroon ng author's note. Sana suportahan niyo si Buck. 😆

-Skye

She Is The OneWhere stories live. Discover now