Chapter 8

1.2K 31 0
                                    

Nilalagay ko ang leash kay Max dahil papasyal kami ngayon ng may tumatawag sa akin kaya agad ko iyon kinuha na hindi inaabala tingnan kung sino ang tumatawag.

"Musta, Buck?"

"Salamat sa mga kalokohan niyo kaya makakasal ako sa wala sa oras." Inis kong sabi. Naalala ko ang sabi ni Jewel na buntis siya. Fuck naman. I'm not ready to get married pero wala na dahil nandiyan na yung bata.

"What? Makasal?"

"Yes, because Jewel's pregnant. She is carrying my child. May nangyari sa amin noong araw na iyon. At ang sabi mo pabalik pa lang siya ng bansa, hindi iyong bumalik na siya ng bansa."

"Bro, I was shocked. We all shocked when we saw Jewel at Luca's bar that day. Ang akala ko nga rin pabalik pa lang siya ng bansa."

"Ang sabi pa niya ay tinawagan mo daw siya."

"Why should I? Ni hindi ko nga alam ang contact number niya at hindi ko rin alam kung kailan siya babalik ng Pilipinas. But trust me, Buck."

"Paano ako nakarating sa bahay niya?" Tanong ko. Gulong gulo na talaga ang utak ko ngayon.

"She really insist to take you home. Hindi ko alam na may binabalak pala siya sayo."

"Kahit anong paliwanag mo, Chuck ay wala na. Pati ako naiinis sa sarili ko kung hindi lang ako naglasing noong araw na iyon ay sana hindi mangyayari iyon. I'm not ready to get married."

"I will help you, bro. I believe that child is not yours but I don't have any proof yet. And I will ask our friends to help us."

"Sana nga dahil ayaw ko makasal agad. Wala pa sa plano ko iyon."

"Kailan ba ang kasal?"

"Next month dahil minamadali na ni Jewel ang kasal. Ang gusto niya makasal kami agad sa madaling panahon at bago pa lumaki ang tyan niya."

"Fuck. Okay, gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal."

Hindi na hinintay ni Chuck ang sagot ko dahil binaba na niya ang tawag. Lumabas na rin kami ni Max ng bahay kaya pinasakay ko na siya sa passenger's seat at ako naman sa driver's seat.

Pagkarating namin sa isang park. Actually, this park is for dogs. They are free to run and play woth other dogs kaya kapag may free time ako katulad nito ay dinadala ko dito si Max para maglaro siya. At kailangan ko rin ang malibang para makalimutan ko ang problema napasok ko.

Pinapanood ko lang si Max na masayang masaya habang nakikipaglaro siya sa ibang aso.

Napansin kong malapit na pala gumabi pero ayaw ko pang umuwi sa bahay at mabuti na lang may malapit na bay rito kaya pumunta kami ni Max doon.

Umupo ako sa isang semento na parang wall at nakatingin lang sa dagat habang hawak ang leash ni Max. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin. Para tuloy gusto ko pumunta sa mga probinsya para doon magbakasyon na muna. Masyado na akong stress dito. Ayaw ko naman guluhin ang buhay ni Chase sa Italy dahil masaya na siya sa pamilya niya. Ang naging asawa niya ay si Rina ang panganay na anak ni Enzo. Si Enzo naman ay ang pinsan ni Aizen na minsan na lang umuwi ng Pilipinas dahil may sarili na ring pamilya sa Australia at kaibigan rin namin siya, kuya na rin dahil siya ang pinakamatanda sa aming lahat.

Narinig ko ang pagtahol ni Max pero hindi ko na lang iyon pinansin baka dahil may naglalaro lang sa kanya.

"Ang lalim naman ng iniisip mo ngayon." Bumalik ako sa katinuan ko ng may narinig akong familiar na boses. Kaya agad ako napatingin sa kanya. Si Cassie. "Ano ba iyang iniisip mo?"

Hindi ko alam tsismosa rin pala ang babaeng ito at gusto pa talaga niya malaman ang iniisip ko ngayon.

"I'm getting married next month." Sabi ko at binalik ko ang tingin sa dagat.

Wala akong naririnig na kahit ano mula sa kanya kaya binaling ang tingin ko sa kanya. Tahimik lang siyang nakaupo sa may harapan ko.

"C-Congrats." Sabi niya habang nakatingin sa ibaba. "Pero bakit naman yatang biglaang ang pagpapakasal mo?"

"I got her pregnant. Kailangan kong panagutan silang dalawa ng bata."

"That's the reason. Pero mahal mo ba siya?"

She is my crush during my college days pero sa tagal na panahon na rin kaya naglaho na rin ang nararamdam ko sa kanya. Simulang sa ibang bansa siya nagtatrabaho ay nakalimutan ko na ngang nageexist si Jewel sa mundo. For fucking 15 years.

"You don't need to answer my question. Mukhang ala--"

"No, I don't love her anymore. Inaamin kong naging crush ko siya noong college days pero nakalimutan ko na rin ang tungkol sa kanya pagkaalis siya ng bansa." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "And besides, I love someone else but it's complicated."

Hindi ko na narinig nagsalita pang muli si Cassie kaya nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung saan ako makikita ngayong araw.

Pagkasakay ko sa kotse ay may tumatawag sa akin and I saw Jewel's name. Tsk. Kahit ayaw kong sagutin ay wala akong magagawa. Buntis siya.

"Hi, babe. Pupunta ka ba ngayon sa bahay? I really miss you."

"Not today. I'm tired, Jewel. Bukas na lang ako pupunta sayo."

"Okay. I love yo--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil binaba ko na ang tawag. Lalong tumatagal ay nagiging clingy siya sa akin and I really hate it.

Nilagay ko na rin ng seatbelt si Max bago ang akin at pinatakbo na ang sasakyan ko pauwi sa bahay.

Pagkarating sa bahay ay may nakita akong isang babae nakatayo lang sa labas ng bahay ko. Wait, si Rian ba iyon?

"Ugh. Kailan ba ako papatahimikin ng mga babae? Isa pang pasaway ang babaeng ito." Inis kong sabi sa sarili habang hinihilamos ang mukha gamit ang palad.

Wala na akong magagawa kaya bumaba na ako ng sasakyan.

"What are you doing here, Rian? Alam ba ng mga magulang mo nandito ka ngayon?" Walang gana kong tanong.

"Narinig ko kasi kay dad kanina na ikakasal ka na, tito Buck. I'm so happy for you dahil kakasal ka na."

"Kung wala kang magandang sasabihin sa akin, pwede bang umuwi ka na sa inyo. I'm so freaking tired!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil sobrang bigat na ng problema ko ngayon. Kung pwede lang lumayo sa lahat na problema pero alam ko naman kahit lumayo ako, kapag bumalik ako ay babalik rin ang lahat na problema na iniwan ko rito.

She Is The OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin