Chapter 2

2.9K 42 0
                                    

Napapatingin ako kay Chuck dahil palagi siyang tumitingin sa kanyang relos.

"Bago ba iyang relos mo?" Tanong ko sa kanya. Malamang bago iyan dahil wala na rin naman yung relos niya noon.

"Yes, binigay sa akin ito ni Nika noong birthday ko." Sabi naman niya. Kaya naman pala. Bigay ng asawa niya. "Titingnan ko lang sila sa loob."

"Sama na ako sayo."

Pagkasuot namin ni Chuck ng hard helmet ay pumasok na kami sa loob ng site. Tiningnan namin ang trabaho ng mga worker.

Nagulat na lang ako na may nahulog na isang bagay mula sa itaas at tumingin ako kay Chuck pero nanginginig ito.

"Ayos ka lang, pre?" Nagaalala ako sa kanya dahil ngayon ko lang nakitang ganoon ang kaibigan ko.

"Huh? Y-Yeah, I'm fine." Tumalikod na siya sa akin. "Labas na ulit ako ah. Kung may kailangan tawagin mo lang ako."

May kakaiba nangyari kay Chuck ngayon. Baka naalala niya ang aksidente 15 years ago. Mahirap rin naman kasi ang makamove on sa ganoong trahedya, buhay niya ang kapalit. Bigla kong naalala ang sinabi ni Aizen sa akin.

"Our friend had a trauma sa nangyari noon. Any falling debris ay pwede niya maalala ang sunog 15 taon nakalipas, Buck. Kaya kung ako lang ang masusunod ay huwag na siya magtrabaho sa site dahil pwede niya maalala ang lahat na iyon."

Wala rin alam si Nika tungkol dito dahil ayaw naman namin siya magaalala pa kay Chuck. Mas pinili na lang namin ni Aizen na huwag na lang sabihin sa asawa nito.

Lumabas na rin ako sa site at nakita ko si Chuck nakaupo sa isang bato. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay.

"Chuck, mukhang ikaw ang kailangan ng day off ngayon lalo na kailangan ko rin ni Nika sa tabi niya." Tumingala sa akin si Chuck.

"I'm fine. Kailangan natin itong tapusing project."

"Stop saying you are okay because you are not. Aiz told me that you had a trauma of what happened 15 years ago." Umupo na rin ako sa tabi ng kaibigan ko. "Chuck, alam kong ayaw mong magaalala si Nika sayo kaya napagdesisyunan naming hindi sabihin sa kanya dahil makakasama sa magiging anak niyo."

"What should I do? I want to overcome this fear. Hindi naman pwedeng habang buhay ay matatakot na lang ako sa mga nahuhulog na bagay. This is not me, Buck."

Bumuntong hininga ako bago pa sumagot sa kanya.

"If you really want to overcome your fear, you have to take a risk. Hindi madali ang gusto mong gawin dahil kailangan mong harapin ang takot mo."

"I'm ready to take a risk." Sagot naman nito sa akin.

"We're always here for you." Tinapik ko siya sa balikat at tumayo na ako. Tatawagan ko si Aizen.

Wala pang isang ring ay sinagot na ng kaibigan ko ang tawag.

"Hello?"

"Aiz, Chuck told me he wants to overcome his fear. Okay lang ba? Wala naman siguro mangyayaring masama sa kaibigan natin, 'diba?"

"Yes, wala naman. Iyon pa ang makakabuti para makalimutan niya ang nangyari sa kanya noon."

"Kung ganoon ay handa akong tulungan si Chuck."

"To be honest, Buck, pagsubok lang ang lahat na ito kay Chuck. I hope he will overcome his fear."

"Thanks, Aiz." Binaba ko na ang tawag at lumingon ulit sa likuran kung nasaan si Chuck pero wala na siya. Nasaan na ngayon ang kaibigan ko.

Hinanap ko kung saan si Chuck hanggang nakita ko siya nakatayo sa ilalim ng isang malaking puno at mukhang may kausap rin siya sa telepono.

"Yes, uuwi rin ako agad pagkatapos ng project namin ni Buck. I love you." Mukhang alam ko na kung sino ang kausap ni Chuck at nakita ko ring binaba na niya ang tawag.

"Shit. Nilalanggam na ako sa inyo ni Nika." Nilingon naman ako ni Chuck.

"Gago. Maghanap ka na kasi ng magiging asawa mo para hindi ka na mainggit sa amin."

"Gago ka rin. Sinabi ko nga sayo kanina ay wala na akong oras para maghanap ng babaeng mamahalin ako. Tanggap ko naman na ito ang magiging kapalaran ko ngayon."

"Ang maging matandang binata?"

"Yeah, kung hindi naman ay sana noon pa lang may naging girlfriend na ako. Hindi iyon aabot ng ganito."

I'm already a 42 years old but still a single. Sa edad kong ito dapat may sariling pamilya na ako. Sila Aizen at Alex nga may mga apo na.

"Kaya nga ang sabi sayo ay mag-day off ka pagkatapos nitong project. Kailangan mo rin magkaroon ng oras sa sarili mo, hindi yung palagi ka na lang sa trabaho. Talagang tatanda kang binata sa ginagawa mo."

Nakukuha ko naman ang gustong sabihin ni Chuck sa akin.

"Fine. Mag-day off na ako para magkaroon ng oras sa sarili." Wala na rin naman ako magagawa dahil hindi na rin naman ako titigilan ni Chuck.

Biglang umingay ang sikmura ko. Naalala ko hindi pa nga pala ako kumakain ng almusal kanina. Dapat maging almusal ko ay nasayang lang kanina.

"Lakas noon ah." Natatawang sambit ni Chuck, nakakahiya. "Hindi ka pa ba kumakain?"

"Wala na kasi akong oras para kumain pa kaya bumili na lang ako ng kape kanina pero minalas."

"Bakit? Ano nangyari?"

"Natapon yung kapeng iniinom ko kanina kasi may nakabangga akong babae kanina. Kaya rin ako natagalan kasi pinalabhan pa niya ang suot ko."

"Baka siya na ang one true love mo." Sabay akbay sa akin ni Chuck.

"Sira ulo 'to. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya pero ang alam ko lang ay isa siyang veterinarian ay may ari ng isang condominium."

"Whoa! Isang may ari ng condominium? Mayaman. Pero paano mo nalaman?"

"Nakausap ko rin siya kanina kaya nga nakalimutan ang tungkol sa trabaho. Kung hindi nga lang tumawag sa akin kanina ay baka tuluyan ko-- aray!" Tama daw bang batukan ako? Ang sakit ng batok ni Chuck sa akin ah.

"Kumain na muna tayo ng lunch dahil malapit na rin naman." Tumango na lang ako sa kanya at bumalik na kami sa site pero ako ang pumasok sa loob para sabihan ang iba na kumain na muna sila bago magtrabaho ulit.

She Is The OneWhere stories live. Discover now