Chapter 6

1.3K 40 0
                                    

Pagdating ng Sabado ay dinala ko sa malapit na vet clinic si Max for his check up. Kakaiba itong aso ko because I know ayaw ng mga alagang hayop na pumunta sa mga vet clinic pero iba si Max, he is more excited than other pets.

"Good morning, Max." Bati ng isang lalaking veterinarian. Well, I know him when he was a baby. Siya lang naman si Allen ang anak nila Callie at Alex. "Hello po, tito Buck."

"We're here for Max's check up."

"Okay po. Let's go, Max. Titimbangin na kita at kukuhanin na rin ng temperature mo." Kinuha sa akin ni Allen ang leash ni Max para dalhin sa timbangan. Kumuha na rin siya ng thermometer para kuhanan na ng temperature si Max.

Habang naghihintay na matapos si Max ay biglang tumunog ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Chuck sa ID caller.

"Saang lupalop ka na ba ng Pilipinas ngayon, Buck? Hindi ba may usapan tayo na magkita kita sa LS bar ngayong araw?"

"Sorry, man. Mahuhuli lang ako ng dating dahil dinala ko pa si Max sa vet clinic for his check up. Pupunta din ako diyan pagkatapos ko rito."

"Bibilisan mo dahil ikaw na lang ang wala rito. Huwag ka pa-special dahil hindi ka naman special."

"Gago. Susunod ako--" Hindi natapos ang sasabihin ko na may umagaw na atensyon ko. Kailan pa nagkaroon ng kasama rito si Allen? And shit lang, si Cassie itong kasama niya. "Bro, I need to hang up. Bye."

"Allen."

"Bakit po?" Tumingin siya sa akin habang abala sa sinusulat niya sa booklet ni Max para sa susunod na schedule ng check up.

"Hindi ko alam may kasama na pala rito ngayon." Sabi ko kaya napatingin naman siya sa direksyon ni Cassie.

"Ohh.. Sorry, hindi ko pala nasabi sa inyo na nag-apply rito si Cassie and I know her since college days. She was a classmate sa isang subject."

Tumango ako sa kanya. Mukha ngang close silang dalawa.

"Ah.." Napatingin naman ako sa direksyon ni Cassie at mukhang napansin niya rin ako. "Hindi ko alam na magkikita tayo rito."

"Magkakilala kayong dalawa?" Tanong ni Allen sa amin.

"Yes. Siya yung sinasabi ko sayo noon na sikat na architecture."

Napa-oh na lang si Allen sa kanya bago humarap sa akin.

"Ikaw, tito Buck ah." Alam kong malakas mang asar itong si Allen since he knew ako na lang ang wala pang asawa sa grupo namin.

"Magkakilala rin kayo?" Tanong rin ni Cassie.

"Yes. Kaibigan siya ni papa at naging loyal customer ko na rin si tito Buck simula nagbukas ang vet clinic ko."

Nakita ko na rin lumabas sa vet clinic si Cassie pero may sinasabi rin si Allen na hindi ko maintidihan. Baka sa susunod na schedule ni Max.

Nagpaalam na rin ako kay Allen bago pa kami ni Max lumabas sa vet clinic. Pero napatingin ako sa direksyon ni Cassie.

"Can we talk?" Napalingon naman si Cassie sa akin na ng magsalita ako. Hindi niya siguro inaasahan na kakausapin ko siya ngayon.

"Sure. Tungkol saan naman?"

"Bakit ka nagsinungaling sa akin?"

"Nagsinungaling? Saan?" Sumalubong ang mga kilay.

"About you owned a condominium building but the truth is the condo where you stay in is not yours." Nakita ko ang pagkagulat niya pero nabawi rin naman agad iyon.

"I don't know where you find that information."

"My friend and I did a researched about you."

"Pinapakialaman niyo ang personal life ko? Siguro naman alam ninyo ang salitang privacy, diba?" She said with an irritated voice. At siya pa ang may ganang magalit.

Curious lang naman si Chuck kung bakit niya iyon nagawa noong isang araw. It's rare for me to fall in love with some girls.

Pero siyempre hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol doon. Love at first sight.

"Sorry kung pinakialam namin ang privacy mo. It's my fault for not stopping my friend last time." Sabi ko habang tumatango.

Hindi siya pwede, Buck. You're too old for her.

Fuck, bakit kasi pinanganak ako ng mas maaga sa kanya? Kung nahuli lang ako ng pinanganak ng nanay ko ay sana noong pangalawang pagkikita namin ay tinanong ko na siya kung pwedeng ligawan. I'm too old for her and I looked like her father. Fuck shit.

"Bakit gusto mo ba malaman ang tungkol sa akin?"

"Nothing in particular."

"I'm sure you know I am the daughter of Alejandro Castro, the powerful business tycoon around the world. But for your information, I don't really about his money. Gusto ko patunayan sa kanya kaya kong mamuhay na hindi kailangan ng pera niya."

Iyon pala ang dahilan niya kung bakit siya sa ganitong buhay. Nakatira sa isang condominium unit na dapat nasa isang mansyon.

"I know your father. He is been--" Hindi natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"No doubt. Sino pa nga ba ang hindi makakilala sa kanya? No one."

"Let me finish first, young lady. Hindi iyong magsasalita ka na lang habang nagsasalita pa ako rito."

"Sorry." Tumingin naman siya sa kay Max na tahimik lang nakaupo sa tabi ko. "Okay, spill."

"He is been my client before at walang araw na hindi niya binabanggit ang pangalan ng anak niya and I am sure he is really proud of you."

"Proud of me? That's bullshit, Buck. You don't know the real Alejandro Castro but I do. He doesn't care other people surround him even his own daughter. Pero ang masaklap pa ay baka nga ipagpalit na lang ako sa pera dahil iyon naman importante sa kanya ang kanyang yaman." Namilog ang mga mata ko ng makita kong may luhang pumapatak sa kanya pero agad naman nito pinunasan. "Kahit ganito ay hindi ko iniisip na sirain ang sarili kong ama kaya lumayas na lang ako sa amin pero ni minsan ay hindi naman niya ako hinanap. Kaya naiisip ko na lang kung mahal ba talaga niya ako o hindi."

"You know what, Cassie. Maswerte ka dahil nandiyan ang mga magulang mo pero ako ni minsan ay hindi ko sila nakilala. Lumaki ako na ang kakatandang kapatid ko lang ang palagi kong kasama sa bahay pero noong namatay siya parang nawasak ang mundo ko." Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Wala nakaalam ng totoong kwento tungkol sa akin maliban sa mga kaibigan ko. Mukha lang akong masayahin, loko-loko, gago pero sa kaloob looban ko ay nasasaktan ako. Nalulungkot. "I have to go baka mainip na kakahintay ang mga kaibigan ko sa akin. Nice to seeing you again."

She Is The OneWhere stories live. Discover now