Chapter 3

1.7K 35 0
                                    

Cassie's POV

Nakatingin lang ako sa mga asong kasama ko rito sa unit ko. I'm actually a veterinarian pero wala naman akong sariling clinic at totoo ang sinabi ko doon sa lalaking nakabangga ko noong isang araw. Lahat na pusa at aso nakikita ko sa kalsada ay kinukuha ko at dinadala rito kahit bawal ang alaga sa condo. I have no choice dahil hindi ko naman kayang iiwanan sila para rin naman silang tao, may pakiramdam.

May narinig akong katok mula sa pinto kaya binuksan ko iyon agad. I saw my best friend, Diane. Nakatingin lang siya sa mga aso bago binaling sa akin.

"How many times I told you bawal ang hayop sa loob ng unit. Ano ba mahirap intidihin ang sinabi ko sayo bago kita patirahin rito, Cassie?" Napakamot ako ng ulo dahil nakatikim ako ng sermon mula kay Diane. Palagi niya kasi sinasabi sa akin ipadala ko na lang sila sa vet clinic sa malapit pero hindi ko magawa. Napamahal na silang lahat sa akin.

At sa totoo lang hindi naman talaga sa akin ang buong building na ito. Sa pamilya ni Diane. Pinapatira lang niya ako rito simulang nawalan ako ng trabaho hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na trabaho.

"Bakit hindi ka na lang mag-apply sa vet clinic. Diyan sa malapit?"

"Eh? Alam mo naman gusto ko magkaroon ng sariling clinic." Sabi ko. Iyon kasi ang pangarap ko sa bahay ang magkaroon ng sariling clinic para sa mga hayop.

"Maghanap ka ng trabaho mo para magkaroon ka ng pera. Hindi habang buhay ay pwede kita patirahin dito dahil nagagalit na sa akin si papa. Wala ka pang nababayaran sa kuryente at tubig, Cassie." Lumabi ako. Paano ba naman ako makakabayad? Wala naman akong trabaho at ayaw ko naman umuwi sa amin. "At diyan sa mga aso na iyan.. sa susunod na punta ko rito ay wala na sila kung ayaw mo paalisin na kita rito."

"Diane naman. Hindi mo naman pwede gawin sa akin iyan. Kaibigan mo ko."

"Walang kaibigan kaibigan, Cassie kaysa naman magalit sa akin si papa. At mas mabuti pang maghanap ka ng trabaho sa madaling panahon."

Bumuga ako ng hangin pagkaalis ni Diane sa unit ko. Ano na lang ako ang gagawin ko? Saan ako kukuha ng pera para pangbayad sa kuryente at tubig dito? Hindi ako pwede palayasin dahil wala na akong matitirahan kapag pinalayas ako ni Diane.

Wala na rin siguro mawawala sa akin kung maghanap ako ng trabaho ko ngayon, no? Hindi naman ako mabubuhay kung puro instant noodles na lang ang palagi kong kinakain araw-araw.

Pumunta na ako sa vet clinic na sinasabi ni Diane kanina para magtanong.

"Excuse me, miss." Tumingin sa akin ang babae nasa counter. "Naghahanap ba kayo rito ng veterinarian?"

"Sorry, miss. Hindi, eh." Sumimangot ako dahil mahirap pala maghanap sa inakala ko.

"Okay. Salamat na lang." Paalis na sana ako pero bigla kong naalala na kailangan ko pa lang paiwan ang mga aso ko rito. "Bago ko pala makalimutan, tumatanggap ba kayo ng aso?"

"Yes po. Vet po ito kung saan kayo ngayon." Sagot niya sa akin. Alam ko naman iyon at isa pa hindi naman ako tanga para hindi malaman na isang vet clinic ito.

Cassie, kalma. Ang puso.

"May dalawang aso kasi ako at hindi pwede sa tinitirahan ko kaya dito ko na lang sila papaiwan. Dalaw-dalawin ko na lang sila."

Lumabas na ako sa vet clinic pero may isang bagay ako nakita.

Siya yung tao nakabangga ko noong isang araw ah. Ngayon ko lang ulit siya nakita ulit.

Saan naman kaya pupunta?

Wala rin naman akong gagawin ngayon kaya sinundan ko siya kung saan siya pupunta. Nagmumukha tuloy akong stalker nito hanggang sa makita kong pumasok siya sa isang bar.

Papasok na sana ako pero pinigilan ako ng isang bouncer.

"Sorry, miss bawal kayo pumasok sa loob." Sabi niya.

"Bakit naman?"

"Bawal kasing menor de edad sa loob ng bar. Baka matanggalan ako sa trabaho."

Hindi ko alam kung pinupuri o iniinsulto ba ako nitong bouncer, eh. For your information, I'm already 22 years old kaya nasa tamang edad na ako.

"Mukha lang akong menor de edad dahil baby face ako. Sige na, oh.. Papasukin niyo na ako."

"Hindi talaga pwede, miss."

ID. Kailangab ko ng ID para patunayan sa bouncer na ito nasa legal age na ako.

"Pero yung pumasok kanina. Mukha rin naman siyang menor de edad."

"VIP iyon dito at kaibigan siya ng boss ko."

Tsk, kainis naman. VIP pala at kaibigan niya ang may ari ng bar na ito. Ano ang magagawa ko?

May nakita akong ID sa bag ko kaya pinakita ko sa kanya. Malapit na rin ang expiration date nito.

"Oh. Heto. Patunay nasa legal age na ako."

"Original ba ito? Baka fake lang ito ah."

"Totoo iyan." Binalik niya sa akin ang lisensya ko.

"Pasok ka na." Napangiti ako dahil pinayagan na ako ng bouncer na itong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob ay agad kong hinanap yung lalaking sinundan ko rito hanggang sa makita ko siyang nakaupo malapit sa bar counter at mukhang may kausap pa siya. Lumapit na ako sa kanila at umupo sa isang stool.

"Kuya, any drink. Basta mild lang ang alcohol." Sabi ko doon sa bartender. Hindi kasi ako masyado umiinom.

"Okay, ms. Beautiful."

Napatingin ako doon sa direksyon sa lalaking sinusundan ko kanina dahil may bagong dating. Kaibigan siguro niya.

"Sup, Buck?" Tumango naman siya doon sa lalaki bagong dating. Tumingin naman iyon sa isa pang kasama niya. "Hey, Chuck."

"Musta ka na, Luca?"

"Okay naman ako. Musta naman ang project na ginagawa niyong dalawa?"

"Everything's fine. Wala naman naging problema at kinausap ko itong si Buck na magbakasyon na muna para naman hindi maiinggit sa atin. Siya na lang ang wala pang asawa sa grupo."

"Tigilan mo ko, Chuck."

"Tama naman si Chuck, pre. Tingnan mo... si Aizen may Aya, si Alex may Callie, si Enzo may Aria, si Chuck may Nika at ako kay Kristine."

"Si Aizen at Alex nga magkakaroon na silang apo."

"Meron ka na rin naman ah. Diba, buntis ngayon ang girlfriend ni Patrick?"

"At least ako isa lang ang magiging apo ako pero doon sa dalawa, dalawa agad dahil kambal."

"Teka, lolo na rin pala si Buck dahil may anak na nga pala si Chase ngayon."

"Not one but two grandchildren."

"Mga gago talaga kayo."

Single pala siya.

Pero teka nga, ano ba ang pakialam ko kung single siya o hindi? Ni hindi ko nga siya kilala.

"Ms. Beautiful, heto na yung order niyo." Inabot na sa akin ng bartender ang inorder kong inumin.

"Salamat." Nagsimula na akong uminom. Aba, ang sarap naman nito.

She Is The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon