Chapter 15

1.3K 31 0
                                    

Ang sabi ko nga ay dapat susunod na buwan babalik na kami ng Pilipinas pero inabot kami halos kalahating buwan bago nakabalik sa Pilipinas dahil may pinapagawa ako kay Chuck noong bumalik kami ni Cassie sa Italy. Habang tulog kasi si Cassie ay kinakausap ko si Chuck para sabihin sa kanya ang plano ko. Ang plano ko ay bahay namin sa itaas at vet naman ang nasa ibaba. Diba, ayos ang ideya kong iyon? At ako pa rin kasi ang gumagawa ng design at pinapadala ko na lang sa kanya thru emails.

Ngayon ay nakabalik na kami ni Cassie sa Pilipinas kaya ito pupuntahan na namin dahil ang sabi ni Chuck sa akin noong isang araw ay tapos na ang pinapagawa ko at ito na ang surprise ko para sa asawa ko.

"James, saan ba kasi tayo pupunta?" Tinatakpan ko kasi ang mata niya gamit ang blindfold habang inaalalayan ko siya sa pupuntahan namin.

"Basta. Sumunod ka lang sa akin." Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.

Pagkarating namin pati ako ay namangha sa ginawa ni Chuck. Hindi talaga ako binigo ng kaibigan ko.

Tinanggal ko na rin ang blindfold kay Cassie kaya laking gulat niya ng makita ang surprisr ko.

"James, ano ito?"

"This is will be your pet house. Sa taas ang bahay natin habang ang baba naman ang pet house." Sabi ko sa kanya. Kahit sabihin natin maingay ang ibang hayop pero bahala na. "Let's go inside."

Nilibot namin ang lahat kahit ang taas. Laking tuwa nga ni Cassie dahil hindi niya inakala na may ganito pa akong surprise sa kanya pagbalik namin at sinabi ko sa kanya na kinakausap ko si Chuck gabi-gabi para sa magiging design.

"Thank you." Nakikita sa mukha ni Cassie ang saya at hinalikan niya rin ako sa labi.

Biglang may tumikhim at panira ng moment. Bwesit!

"I don't mean to interupt pero may gusto lang ako tanungin sayo, Buck." Sabi ni Chuck the panira ng moment.

"Ano iyon?" Inis kong tanong sa kanya.

"Tatalikuran mo na ba ang pagiging architect mo?"

"What? No! Ako pa rin ang partner mo sa mga project, dude. Tutulungan ko lang si Cassie kapag wala akong project."

Nakita ko ang pagtango ni Chuck sa akin.

"That's all. Sige, tuloy niyo na ang ginawa niyo kanina at alam ko naman nabitin ka, Buck." Sabi ni Chuck habang tumatawa. Kabagan ka sana, gago! Bwesit!

"Tutulungan mo ko?" Tanong ni Cassie sa akin.

"Siyempre naman. Ayaw ko namang mahihirapan ka sa trabaho." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"I love you." Namilog ang mga mata ko sa aking narinig at bumilis pa ang tibok ng puso ko. Sa tagal namin mag-asawa ni Cassie ay hindi pa kami nag-I love you sa isa't isa noon. "Bakit ka tulala diyan?"

"Huh? Tulala ba ako?" Tumango naman siya sa akin. Hindi ko namalayang natulala pala ako. "Nothing."

Ilang araw rin lumipas noong nagbukas ang pet house ni Cassie. Sa tingin ko ay 5 days na rin noon at marami rin kami naging customers. Siyempre tinutulungan ko siya sa trabaho kahit wala akong alam sa trabaho ng isang veterinarian habang wala pa akong project sa trabaho. At hindi lang iyan ay nag-hire rin kami ng ilang empleyado dito.

May mga deliveries na dumating kaya tinitingnan ko dahil mga dog foods at cat foods itong dinedeliver sa amin.

May inabot sa akin isang papel ang isang lalaki kung saan ako pipirma at binalik ko naman sa kanya pagkapirma ko.

"Thank you." Sabi ko sa kanila.

"Limang araw pa lang tayo pero ang dami agad natin naging customers." Masayang sambit ni Cassie sa akin. "Kahit nga si Max ay masaya dahil may naging kalaro rin siyang aso simulang nagbukas tayo."

Totoo naman ang sinabi ni Cassie naging masaya si Max dahil maraming aso siyang nakilala simulang nagbukas ang pet house namin.

Nakita ko ang pagtakbo ni Cassie papuntang banyo kaya sinundan ko siya at nakita ko ang pagduduwal niya.

"Are you okay, Cassie?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "Baka gusto mong pumunta tayo ngayon sa doctor."

Hinugasan na muna niya ang kanyang bibig bago tumingin sa akin.

"I'm fine. Wala naman akong sakit kaya hindi na natin kailangan pumunta sa doctor." Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko naman maiwasan ang hindi magaalala sa kanya. Asawa niya ako. "Huwag ka magaalala. Ayos lang talaga ako."

"Okay, pero kapag nagduwal ka pa ulit ay dadalhin na kita sa doctor kahit ayaw mo."

"Ayos lang ako. Huwag ka na magisip ng kung anu-ano, James." Hinalikan ko siya sa labi pero isang smack lang baka kasi may pumasok na customer. Magalit pa sa akin si Cassie.

Napalingon ako noong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Luca kasama si Mufasa. Matagal na kasi wala sina Coco at Buster. Nakakalungkot nga parang dati lang pinagtatalunan namin ni Luca kung sino ang mahal ni Coco. And by the way, sina Mufasa at Max ay mga anak nina Coco at Buster. Si Mufasa nga hindi mo iisiping mix breed dahil parang pure golden retriever.

"Sup, Luca?" Bati ko sa kaibigan at hinaplos ko naman ang ulo ni Mufasa. "Hey, Mufasa."

"Dumaan lang kami ni Mufasa rito dahil ang sabi ni Chuck ay nagbukas na daw kayo ng pet house. Kahit malayo ito sa bahay ay dito ko na dadalhin si Mufasa para sa check up at makalaro nama sila ni Max."

"Dahil kaibigan ka naman ni James kaya bibigyan ka namin ng discount."

"Aba, aba. Ngayon lang ulit na may tumawag sayo sa pangalan mo ah." Natatawang sambit ni Luca.

"Tumigil ka, Luca." Inis kong sabi sa kanya.

Pero tama naman siya dahil wala naman masyado tumatawag sa pangalan ko simulang grumaduage ako ng college. Sa trabaho ay palaging arch. Fernandez ang tawag sa akin at ang mga kaibigan ko naman ay Buck.

"Bakit si Mufasa lang ang kasama mo? Nasaan ang asawa mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Now you mention my wife, I would like to tell you in person. Kris is pregnant for our second child. Kahit nga ako ay nagulat noong sinabi niya sa akin buntis niya at nasundan nga namin si Alvin." Natawa ako sa binalita niya sa akin. Hindi na ako nagulat kung nasundan nila ang kanilang anak. Lakas makaiskor ng tatlong kong kaibigan. "Eh, kayo? Wala ba kayong balak magkaroon ng anak?"

Tumingin ako kay Cassie habang nilalaro niya ang dalawang aso at tumingin muli kay Luca.

"Hindi naman kami nagmamadali magkaroon ng anak agad. Ang gusto ko na muna ay makasama ang asawa ko."

"Nilalanggam na ako. Parang dati ikaw ang nilalanggam sa aming apat pero mukhang bunabawi ka na."

"Gago." Natatawa na lang ako dahil totoo naman iyon.

She Is The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon