Chapter 17

1.2K 30 1
                                    

Buck's POV

Bumaba na ako para tawagin si Cassie kumain ng tanghalian pero pagkababa ko ay wala siya rito. Kahit saan sulok na ng pet house ay hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita.

Saan naman pumunta ang asawa ko?

Tinanong ko na rin sa ibang tauhan namin kung nakita ba nila si Cassie pero ang sagot sa akin ay hindi nila nakita si Cassie.

My wife is missing. Damn it!

Napalingon ako ng may pumasok sa loob ng pet house at nakita ko si Cassie na papasok. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Saan ba nanggaling ah? Pinagaa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko na may hawak siyang kape. Kunot noo ako napatingin sa kanya.

"Sorry kung umalis ako kanina na hindi nagpapaalam sayo. Binilihan kita ng kape." Inabot naman niya sa akin ang kapeng hawak niya.

"Bakit mo naman ako binibigyan ng kape?"

"Dahil sa kape kaya tayo nagkakilalang dalawa. Tanda mo pa iyon?" Sabi niya sa akin.

Paano ko ba naman hindi maalala iyon? Nahuli na ako ng dating sa site at nakatikim pa ako ng sermon kay Chuck.

"Hindi ko alam kung ito ba yung kape na iniinom mo noong araw na iyon." Kinuha ko na sa kanya ang hawak niyang kape.

"Hindi mo na dapat ginawa ito dahil pinagaalala mo talaga ako. Natatakot ako na baka hindi ka na bumalik sa akin." Sinimulan ko na ang paginom sa kape. Latte? Ito nga yung iniinom ko noon pero nasayang lang dahil natapon sa akin.

"Hindi ko naman gagawin iyan." Niyakap ko na si Cassie dahil sa sobrang takot ko talagang mawala siya sa akin. "Tumawag nga pala sa akin kanina si kuya Arwen at pinapasabi niya kung pwede ka daw na ngayon ay gusto ka niyang kausapin sa isang restaurant daw after lunch. Tawagan mo na lang daw siya."

Kunot noo ako. Wala akong contact number ng kapatid niya.

"Can you give me his contact number?"

"Okay, heto." Nilabas niyang kanyang phone.

"Doon na tayo sa taas para makakain na rin tayo." Tumango na lang siya sa akin at sabay na kaming umakyat sa taas.

Pagkatapos kumain ay tinawagan ko na ang kapatid Cassie at sinabi niya sa akin kung saan kami magkikita. Sa isang restaurant. Alam ko ang restaurant na iyon at pagmamay ari ni Callie ang restaurant. Kahit rin pala anak mayaman ay nagustuhan rin ang pagkain doon. Hindi na ako nagulat dahil isang professional chef si Callie.

Pagkarating ko sa restaurant ni Callie ay nakita ko agad ang kapatid ni Cassie kaya lumapit na ako sa table niya.

"Sorry if I'm late." Sabi ko kaya napaangat siya ng tingin sa akin sabay tayo.

"No, it's okay. Have a seat." Pag alok niya sa akin sa silya nasa harapan niya at umupo na rin kaming pareho.

"Sa anong dahilan bakit gusto mo ko pinapupunta rito?"

"Hindi ba ang sabi ko noon ay gusto pa kita makausap kaya lang kailangan ko na rin bumalik sa kumpanya. Naisipan ko ngayong araw na lang, that's why I cancelled all my meetings today."

"Sa ano naman ang paguusapan nating dalawa?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"I just want to meet my brother in law. That's all. At mamaya ay pupunta rin dito si Jeff."

Hindi naman kami naghintay ng matagal dahil dumating na rin ang isa pa niyang kapatid.

"Brother, meet the husband of our little sister, James Fernandez." Pagpakilala ni Arwen sa akin sa kapatid niya.

"Hello, I'm Jeffrey Castro." Nilahad niya ang kanyang palad for asking a handshake. Agad ko naman iyon tinanggap. "Nice to meet you."

"Pleasure is mine."

Kahit wala ako sa trabaho ay kailangan ko pa rin maging profressional dahil mga kapatid ito ni Cassie.

"Okay. Kaya kita pinapupunta rito ngayon dahil gusto nga namin ikaw makilala ng lubusan. Nagulat kami noong may kapag sabi kay papa na kinasal sa Italy si Cassie without letting us know. I don't know the reason kung bakit nakapunta ng Italy si Cassie until Jeff told me." Mahabang saad ni Arwen.

"Hindi naman kami naparito ni kuya para paghiwalayin kayo ni Cassie. Huwag kang kabahan, bro."

"What Jeff's said. Gusto ka lang namin makilala ng lubusan. So, gusto namin malalaman kung ano ang trabaho mo."

"I'm an architect and one of the owner of J&C Contruction Company."

"J&C Construct Company? Sounds familiar." Sabi ni Arwen.

"Ang sikat na contruction company sa bansa?" Tanong ni Jeffrey kaya tumango ako sa kanya.

"I see. Kaya naman pala familiar sa akin ang pangalan ng kumpanya."

"Okay, tatapatin na kita ah. Mahal mo ba talaga si Cassie kaya ka nagpakasal sa kanya? Dahil hindi kami papayag ni kuya na makitang umiiyak ang kapatid namin." Sabi ni Jeffrey. Alam ko naman iyon at alam ko rin they are just protecting their little sister like older brother always did.

"Yes, since the day I met her. Humanga na ako sa kanya kahit wala pa akong masyadong alam tungkol sa kanya. Tinago niya sa akin ang tunay niyang pagkatao noon, ang alam ko lang ay isa siyang veterinarian."

"Actually, kaya lang naman iyon ni Cassie because of our father. I'm sure she already told you." Tunango ako kay Arwen. "Habang lumalaki kami magkakapatid ay nakilimutan na ni papa kung saan nanggaling noon. Hindi naman talaga kami mayaman talaga, laki kami sa hirap. Nagsumikap si papa para iahon kami sa hirap until he succeed as a businessman pero ang laki ng pinagbago niya dahil wala na siya pakialam sa mga taong nakapalibot sa kanya. That's why our mom decided to left, kahit kami mga anak niya ay iniwanan sa puder ni papa."

Kaya naman pala dahil ni minsan ay walang nababanggit si Cassie tungkol sa mom niya.

"Cassie doesn't remember how our mother looks like. Masyado pang bata si Cassie noong umalis siya kaya pinalabas na lang si papa na patay si mama para hindi na siya tanung ni Cassie kahit hindi naman iyon ang totoong nangyari. Wala naman kami magawa ni Jeff noong panahon na iyon dahil hindi namin kayang suwayin ang mga gusto ni papa until Cassie college, doon na niya nalaman ang katotohanan na hindi naman talaga patay si mama. Nagalit siya kay papa at lumayas sa bahay namin. Simula noon hindi na nagparamdam si Cassie sa amin pero pinagbabantay naman namin siya sa ibang tauhan kaya alam namin okay naman siya."

Nakakuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa pagkatapos ko narinig sa kapatid ni Cassie ang tungkol sa kanya noon.

"Don't worry, aalagaan at poprotektahan ko si Cassie hanggang makakaya ko. Hinding hindi aalis sa tabi niya. Pinapangako ko iyan sa inyong dalawa." Seryosong sabi ko sa kanilang dalawa.

"Thank you, bro. Hindi nagkamali si Cassie na ikaw ang pinakasalan niya." Nakangiting sabi ni Arwen.

"Yes, nakikita namin mabuti kang tao at handang protektahan ang kapatid namin." Saad naman ni Jeffrey.

"Okay, masyado ng seryoso ang paguusap natin ngayon. Gusto lang din namin malaman ni Jeff kung may balak ba kayo ni Cassie na magpakasal dito sa Pilipinas."

Tumangi na muna ako sa kanya bago sumagot.

"Meron pero ang gusto ay maayos na muna ang lahat na ito."

"Kung ang iniisip mo ang tungkol kay papa ay huwag mo na isipin dahil kami na bahala ni Jeff na kumausap sa kanya. Ang asikasuhin niyo na lang preparation ng kasal. Even engagement, maybe?"

"Thank you." Nakangiting sabi ko sa kanila.

"You are also part of our family dahil asawa ka ni Cassie at narinig ko rin kay kuya na magkakaanak na kayong dalawa. Congrats."

"That's all. May dokumento pa kasi akong kailangan tapusin ngayon kaya mauuna na ako." Sabi ni Arwen sabay tayo kahit rin si Jeffrey ay tumayo na rin.

"I really have to go. May meeting pa kasi ng alas tres."

She Is The OneWhere stories live. Discover now