CHAPTER TWENTY-SEVEN (In denial)

977 36 6
                                    

ISANG maleta ang bumungad kay Tricia pagka-gising niya sa umaga. Pumupungay pa ang mga mata niyang hinahanap ang presensiya ni Vince. At nang makita niyang bumukas ang pinto ng walk-in closet ay kaagad siyang bumalik sa pagtulog ng mapansin niyang si Vince iyon. Wala siyang balak na maabutan niya ito kaya pinili na lamang niya mag-tulog-tulugan. Pagkatapos ng mga sinabi nito na bumagabag sa kanya kagabi ay parang ayaw niya muna itong makausap at gusto niya itong iwasan ngayong umaga. And good thing that he's living now for his business trip.

She's hugging the pillow while hiding her face on it and peeping, so she has a half view of Vince who's now fixing the necktie of his suit. Obviously aalis na nga ito ngayong umaga at naka-business attire pa.

Bawat galaw nito ay kita ni Tricia habang pasulyap-sulyap din naman si Vince sa kanya na hindi napapansin ang pagtutulog-tulugan niya.

He sit on his sofabed paharap sa kama kung nasaan si Tricia, isa-isang inilagay niya ang mga damit sa maleta. After he zipped and lock it ay napatitig siya sa asawa.

He stand and walk towards her, he put a paperbag beside the lamp habang lihim na inoobserbahan ni Tricia ang bawat kilos niya.

Mariing napapikit si Tricia ng makitang lumapit ng husto si Vince. That's when she felt a soft long kiss on her forehead with a stroke on her hair. "I gotta go... I'm gonna miss you." Puno ng lambing na bulong ni Vince.

Muntik ng mapamulat si Tricia sa ginawa ni Vince. It was like, his voice and kisses sent shiver to her spine.

Nang madinig ni Tricia ang yapak nito papalayo at pagtunog ng pinto ay iminulat na niya ang kanyang mga mata. When she noticed that Vince is gone, ay kaagad siyang bumangon at tiningnan ang laman ng paperbag na inilagay nito sa lamp table. She was surprised seeing a set of pencil sketch, sketch pad with coloring pencils, acrylic paints and brushes. May kasama rin itong maliit na note na naka attached sa paperbag.

Enjoy this gift, I'm sorry If I got angry last night. But I meant what I said, Tricia... Please call or text me back while I'm away for this business trip. I will miss you. I love you.
~Vince

She just rolled her eyes and get the art materials inside saka ibinalik ang paperbag sa lamp table, niyakap niya ang mga ito at tumayo na at maglalakad sana siya patungo sa pintuan ng bumukas iyon at halos mapatalon siya sa pagkagulat at pagkataranta ng biglang pumasok si Vince.

Nagkatitigan sila ni Vince. Kinabahan tuloy siya bigla na baka nadiskubre nitong kanina pa siya gising lalo na't yakap-yakap na niya ang regalo nito!

A smile formed on Vince's lips as he look at to his gift on Tricia. "Gising kana pala." He walk towards her side. Sinundan naman ito nang tingin ni Tricia. Binuksan ni Vince ang drawer at kinuha ang wallet at cellphone sa loob. Kaya naman pala bumalik ito ay nakalimutan pala ang wallet at cellphone.

"I'm glad you like my gift." Hindi mawala ang mga ngiti sa labi nito nang tinungo muli ang pintuan.

Halos manlumo naman si Tricia kung bakit ba pakiramdam niya ay nahihiya siyang aminin dito na gustong-gusto niya ang regalo nito. Gusto nga niya itong iwasan ngayon tapos hito pa't bumalik ito! Sobrang inis tuloy ang nararamdaman niya.

Pasulyap-sulyap pa si Vince sa asawa hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.

Tricia closed her eyes with frustrations. Biglang nag-alangan na tuloy siyang lumabas ng kwarto baka naroon pa ito. Kaya ilang minuto muna ang hinintay niya, nang madinig niya ang ugong ng sasakyan nito ay kaagad niya ito sinilip sa bintana. Nang makita niya ang kotse ni Vince na lumabas na ng gate ay saka na siya lumabas ng kwarto at nagtungo sa living room.

KUNG hindi sa pool area, minsan sa living room o kaya sa kwarto ang pwesto ni Tricia habang walang ibang hawak kundi ang sketch pad at lapis buong araw. Because of boredom, nasubukan na niya na ring tawagan si Alice para sana yayain itong mag-libang sila ngunit busy pala ito at nag-out of town kasama ang boyfriend nitong si Jordan na ikinatampo niya dahil hindi manlang ito nag-text o tumawag sa kanya, sagot naman ni Alice ay biglaan pala iyon dahil sinurpresa pala siya ng boyfriend na mag-bakasyon sa ibang lugar.

It was like, Tricia's day got so boring and lonely thinking that Vince left this morning. At ayaw niya itong nararamdaman, she shoudn't feel this way! Dapat ay malaya at masaya siya ngayo'ng araw at walang Vince na nakabantay sa kanya.

"Kanina pa tumatawag sa akin si Vince, hindi ka raw nagrereply sa mga text niya." Napukaw ang atensiyon ni Tricia nang si Nana Perla iyong nagsalita matapos ilapag and isang baso ng juice at isang slice ng red velvet cake sa lamesa kaharap ni Tricia dito sa pool area.

"Uhmm.. sige po itetext ko nalang siya, Nana." Wala sa mood na sagot niya.

Napatango-tango naman si Nana Perla at umalis na.

She get her phone from her pocket and turn it on. Sinadya niya talaga itong i-off dahil panay ang text ni Vince na nakarating na raw ito sa Italy, at kinakamusta siya at tinatanong kung anong ginagawa. Na ni-isang text ay hindi niya nireplyan.

As her phone lights, automatically Vince video call her. Dahil sa inis at nakukulitan na rin niya kay Vince ay sinagot niya ito.

Bumungad kay Vince ang nakabusangot na mukha ng asawa. "Thank god you answered my call." He said in a relieve tone.

Napansin ni Tricia na parang nasa isang hotel room na si Vince basi sa nakikita niyang backgroud nito. "You're disturbing me! Bakit ba ang kulit mo? Kakakita palang natin kaninang umaga panay na kaagad ang kumusta mo?" Iritado niyang sabi.

Vince just smile at her. "I just want to know kung ano ang ginagawa mo..." He said and narrowed his eyes as if inspecting Tricia's background place. "Nasa bahay ka naman pala, that's good." Sabay tango-tango.

"Yeah, but I'll go out later." She proudly said as if teasing him that she is now free wherever she wants to go.

Napakunot-noo naman si Vince. "James will accompany you if you want to go anywhere."

Tricia just rolled her eyes.

"What are you doing anyway? Are you sketching?" Hula ni Vince ng makita niya ang kalahating bahagi ng lapis na hawak-hawak ni Tricia.

She immediately hide her things. "Wala, paki mo ba?" Pagsusungit nito.

He just sighed and sit on his bed while still facing on the screen. "We will have a convention later, kaya magpapahinga muna ako." Kwento niya kahit alam niyang hindi naman interesado si Tricia sa mga kaganapan niya, wala lang talagang ibang maisip na sasabihin si Vince dahil gusto niyang tumagal pa ang usapan nila.

"I don't care anyway." She raised her left eyebrow.

"I miss you..." He said with full of sincerity.

Inirapan lamang ito ni Tricia. Pero muli niyang tinutukan ang screen ng marinig ang isang boses ng babae sa background ni Vince.

"Vince, open the door please..." Sambit ng isang boses babae habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Vince.

She frowned nang makita ang biglang pagkataranta ni Vince. "ah-Uhm, I'll call you later Tricia."

Her eyebrows met deeply. Gusto niya sanang tanungin kung sino iyon ngunit umurong ang dila niya. Baka gawing big deal pa iyon ni Vince, thinking that she's a jealous wife kahit hindi naman. She snap her thoughts as Vince bid goodbye to her.

"I'll call you later, Love." Paalam ni Vince. She just ignore him and click the end call button.

She was clueless thinking about the voice of obviously from a woman.

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

His Pretty Mess (Editing)Where stories live. Discover now