CHAPTER TWENTY-ONE (Plan)

953 21 2
                                    

VINCE was at the mini bar, maghahating gabi na iyon. Si Tricia ay tulog na sa kanilang kwarto.

Pagkauwi kasi nila galing sa party ay kaagad sumalampak ng higa sa kama si Tricia matapos makapagpalit ng damit, hindi siya nito kinausap manlang o sinagot sa kanyang mga tanong. In short, sinungitan siya nito magdamag na kinaiinisan niya!

Hindi lang siya naiinis, dahil nagseselos siya! Kaya dumeritso siya sa mini bar ng kanyang bahay para maglabas ng sama ng loob. Every brands of his alcoholic drinks ay tinikman niya na halos lahat pero parang hindi parin nito natatanggal ang sama ng loob niya sa Anton na iyon.

Oo sobrang nag-seselos siya, because Tricia never smile at him the way she smile at Anton. She never talk to him with fondness like the way she talk to Anton. At may pakiramdam talaga siyang gustong agawin ni Anton sa kanya si Tricia, tinginan palang nila kanina ni Anton ay tila nag-usap na ang kanilang mga mata, and he will never let him have his wife!

Gagawin niya ang lahat para hindi makuha ni Anton sa kanya si Tricia. Hindi dahil asawa na niya ito ay hindi na siya makakampante. Tricia don't feel for him, at may posibilidad pang hiwalayan siya ni Tricia kapag makuha ni Anton ang loob nito. And he thinks, that will never happen if Tricia will fall inlove with him. Kaya kailangan makuha niya kaagad ang loob nito.

Ano ba ang dapat niyang gawin? He don't even know how to court, kailanman ay hindi siya nanligaw.

Napamura si Vince ng inis na ilapag ang shot glass sa counter table.

Nang maramdaman ang pagkalasing ay tumayo na siya at nagtungo sa kanilang kwarto. He stare at his wife for awhile, mahimbing na itong natutulog na parang reyna na nakahiga sa isang buong king-sized bed. Suot nito ang terno'ng silk shorts at spaghetti strap blouse na pantulog. Napairap na lamang si Vince at kumuha ng kumot sa closet dahil hindi manlang nito naisipang gumamit ng kumot.

Nilapitan niya ito at dahan-dahang kinumutan ng maayos. He also fix some pillows on her both sides of the bed dahil wala ito sa ayos.

Saka na siya nagtungo sa kanyang higaan, sa sofabed.

"NANA Perla... can I ask you something?" Vince suddenly asked as he get cold water from the water dispenser. Kagagaling lang niya sa labas at nag-jogging as his usual routine every morning. Tulog pa si Tricia as usual maaga pa kasi.

"Oo naman, ano ba iyon hijo?" Ani Nana Perla habang abala sa pagluluto ng agahan.

Itinukod ni Vince ang mga kamay sa counter table matapos ilapag ang basong ininuman. "Ano po ba yung paboritong bulaklak ni Tricia?"

Napangiti naman si Nana Perla sa katanungan nito. "Yun ba, eh gustong-gusto niya yung mga pulang rosas, at iba't-ibang klase ng tulips!" Natutuwang sagot nito.

"May tampuhan ba kayo ni Patricia? kaya gusto mo siyang suyuin?" Kyuryosong tanong nito.

He sighed. "Wala naman po, I just want to give her flowers."

Napatango-tango ito.

"Ano pa po ba yung mga hilig niyang gawin? o kaya mga gusto niyang bagay... like chocolates?" He asked again.

"Naku hindi yun masyadong mahilig sa tsokolate! Alam mo ba dati yung mga manliligaw niyan, pati iyong naging nobyo niyang si Anton..."

Vince frowned when he heard that name again.

"Eh palagi iyan pinapadalhan ng mga bulaklak na may kasamang tsokolate. Alam mo bang nasasayang lang yung iba dahil konti lang naman kinakain niya. Kaya ibinibigay nalang niya sa akin minsan, eh hindi rin naman ako mahilig sa matatamis, kaya iyong iba pinamimigay niya sa driver at sa hardinero namin dati."

"Eh ano po ba ang hilig niyang pagkain?"

"Ice cream!" Kaagad na sagot ni Nana Perla. "Yun ang paborito niyang meryenda simula pagkabata niya, at hanggang ngayon."

Hindi mapigilang matawa ni Vince. Because at her age, he just think that it's too childish. Pero wala namang pinipiling edad ang pagkain ng ice cream.

"Ano pa ba ang gusto mo pang malaman tungkol kay Tricia? Kahit ano pwede kitang bigyan ng mga tips diyan." Birong sabi ni Nana Perla.

Vince can't help to smile. "What else she likes?"

"Aha! Hilig ni Patricia ang gumuhit. Sigurado ako matutuwa yun kapag niregaluhan mo nang mga materyales sa pag-guhit."

"Talaga po?" He was a bit ashame.

"Oo! Alam mo ba noong bata pa iyan hanggang sa nag-dalaga ay palaging hinihingi na pasalubong kay Jose kapag umaalis ito ay mga art materials. Kahit napakarami na ng gamit niyan sa kwarto niya doon sa mansyon." Kwento pa ni Nana Perla.

Napatango-tango si Vince at biglang napaisip.

"O ayan na pala ang asawa mo." Pasimpleng sabi nito ng maanigan si Tricia mula living room at patungo na ito sa kusina. "Sakto, luto na itong sinangag."

Vince immediately help Nana Perla to prepare their breakfast in the dinning table.

"Good Morning po Nana!" She simply said as she headed towards the dinning area.

"Magandang umaga rin. Hindi mo ba babatiin itong asawa mo?" Panunukso nito.

Tricia immediately sit on the chair, sabay sulyap kay Vince nang hainan siya nito ng plato. Nagtama ang kanilang tingin. "Morning." Walang ka-ekspresyon niyang bati, sabay baling kaagad ng atensyon sa kanyang pagkain.

Vince's lips form a half smile, he goes to Tricia's back on her chair. Samantalang pasimple naman siyang pinapakiramdaman ni Tricia, lalo na ng maramdaman nito ang mga kamay ni Vince na tumukod sa magkabilang dulo ng kanyang silya. She frowned.

Vince lean down his face to her head, so he could smell her hair. "Good Morning Love." He whispered sensually and planted a peak kiss on her nape that send shiver down to her spine.

Tricia irretably turn her head to him, pero bago pa siya makapag-react ay siniil na ni Vince ng nakaw na halik ang kanyang labi. It's just a quick kiss but it leads Tricia to felt very mad at Vince.

On the other hand, napailing-iling na lamang si Nana Perla. "Maiiwan ko muna kayo, kukunin ko lang ang mga lalabhang damit sa kwarto ninyo."

Matapos makuha ang atensyon ni Tricia kay Nana Perla ay binalengan niya ulit si Vince, saka niya ito hinambalos sa mukha gamit ang kamay."You're such a-!... such an-!..." Hindi matapos-tapos na sambit ni Tricia dahil sa inis kay Vince.

Kahit nasaktan ang mukha ay tila baliwala iyon kay Vince dahil sa ngisi nito nang maupo na ito sa kanyang upuan sa tapat ni Tricia. "I'm a what?" Tanong niya habang nakangisi parin.

She raised her left eyebrow. "Asshole!" Gigil nitong sumbat.

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

His Pretty Mess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon