CHAPTER 7 (Mad)

701 25 0
                                    

"WHAT!!!? PUMAYAG KA BA DAD!?" Bulalas ni Tricia matapos sabihin ng kanyang ama ang napag-usapan nitong kondisyon na hinihingi ni Vince.

Napatungo ang kanyang ama. "Hindi.. Dahil alam kong hindi ka papayag." Tila biglang nalungkot na sagot nito.

She sighed in relief. "Ang lalaking yun talaga! hmp!" Gigil niyang sambit.

"Matanong lang kita anak. Matagal na ba kayong mag-kakilala ni Vince? Nanliligaw ba siya sayo anak?"

She looked away. "Ah... M-medyo, pero n-nagpapadala siya ng mga flowers."

After the last time they met, ay hindi na sila muling nagkita ni Vince. Pero kinukulit naman siya nito sa kanyang messenger kakamessage nito, na para itong may ginawang kasalanan sa kanya sa kakapaliwanag na wala itong girlfriend at hindi totoo ang sinabi ni Vanessa. But she didn't care anyway, she never replied him kahit madalas pa itong mag-padala sakanya ng bulaklak.

"Hindi mo ba siya gusto? He told me that he likes you so much." Tanong muli ng kanyang ama.

Napalunok si Tricia, tila biglang may kumalabog sa dibdib niya. But she ignored it. "Hindi po Dad! Tsaka wala akong balak na gustuhin siya! Wait? Huwag mong sabihin na payag kang magpakasal ako sa kanya!?"

"Will, Vince is a very nice man--"

"Sinasabi ko na nga ba Dad eh!" Iritadong sambit niya. "Daddy ano ba? Don't be so ashamed from his money! We can save our company in our own way! Hindi tayo aasa sa yaman ng hambog na lalaking yun!" Gigil na gigil niyang dagdag pa.

"Hindi naman ito tungkol lang sa pera anak. It's for your own good also-"

"And you think I will be in good hands with that asshole!?" She muttered.

"Watch your words Patricia!" He warned.

She calmed herself. "Sorry, Dad."

"I'm just being concern with you. Alam mo namang matagal ko ng hinihiling na magkaroon ka naman ng katuwang sa buhay, iyong may taong makakasama mo, magmamahal at mag-aalaga sayo habang-buhay." May bahid na kalungkutang paliwanag nito.

She rolled her eyes. "And you think Vince is that man? Dad! Nadadala ka lang sa yaman niya."

"Hindi anak. Oo sabihin na nating maisasalba niya ang kompanya, and you know how much the company is important to me. Ilang taon ko itong inalagaan, binuhay at pinatibay. At lahat ng iyon ay para sayo anak. Lahat ng meron ka ngayon ay nang dahil sa pagsisikap ko sa kompanya ko.. Patricia, anak.. Ito lang ang kaisa-isang mahalagang bagay na regalo ko sayo, pero mawawala lang ang lahat ng ito sa isang iglap ." He took a deep sighed. "Si Vince nalang ang pag-asa natin para maisalba ang kompanya. He is a very good man, anak. I knew him a lot, he's been my good friend for a year."

She looked away. "Ang bilis mo namang magtiwala sa lalaking yun Dad. Marami pa naman pong paraan, hindi ba?" She cheered him up. "We have time pa naman para unti-unting bayaran ang utang sa bangko." Tricia hold his hands tightly. "Kakayanin natin ito, hindi natin kailangan ng ibang tao para maisalba itong problema natin." She's now in teary eyes.

He nodded. But deep inside he's still not convinced.

"WHAT are you doing? Parang ngayon lang ata kita nakitang nagka-interes sa business?" Usisa ni Alice ng makita niya si Tricia na nagsasaliksik ng mga wine business companies sa kanyang laptop.

"I need to do this Alicia, this is the only way that I can help Daddy. Nag-hahanap ako ng kliyente na pwedeng mag-invest sa kompanya." Seryosong paliwanag ni Tricia habang tutok lamang sa ginagawa.

"Why don't you ask Anton for a help? I'm sure Sasagipin ka kaagad nun. Alam ko namang obssess sayo yun." Alice suggested, with a playful smile on her face.

Isang masamang tingin naman ang isinagot ni Tricia. "Alicia! This is about money! baka humingi pa yun ng kapalit!"

"Pero kahit kailan ay hindi naman humingi ng kapalit sayo si Anton sa lahat ng bagay na kusa niyang binibigay ah?"

"Kahit na noh? Baka pikotin pa ako nun para lang pakasalan siya, dahil lang nabili niya ang utang ng kompanya namin?!"

"Ikaw naman kasi, ang choosy-choosy mo pa! Anton is a perfect guy, tapos tinanggihan mo lang!?" Panghihinayang na sambit ni Alice.

"You knew from the very first place Alicia, that I don't love Anton! And I have no plans to be with a man that I don't love."

"I know! I know! Okay Fine nagsa-suggest lang naman ako." Pag-suko na lamang ni Alice.

"Tulungan mo nalang kaya akong maghanap ng kliyente ng matapos na to."

SA buong araw na iyon ay iginugol ni Tricia ang paghahanap ng mga kliyente sa tulong din ni Alice. They contacted them to reserve a meeting for tomorrow.

Desidido na talaga siyang tumulong sa kanyang ama, kaya gagawin niya ito even without informing his Dad. Hanggang sa kinabukasan ay isa-isang kinita ni Tricia ang mga nacontact nilang business clients, kasama pa niya si Alice na nagpresentang tulungan siya nito. Alice was not just her bestfriend but also her classmate in college kaya malakas ang tiwala niya rito dahil kung business lang din ang pag-uusapan ay mas magaling si Alice kaysa sa kanya.

They met five clients in that day, yung iba kombensido na sana sa proposal nila kung hindi lang nito nalaman ang kumalat na balita sa dyaryo tungkol sa pagkaka-utang ng kompanyang Gonzales Corporation.

Tricia and Alice got so tired that day when they separated their ways, hindi man naging successful ang kanilang ginawa ni Alice pero hindi parin siya nawawalan ng pag-asa na maisalba ang kanilang kompanya. She got home late at night at Naabutan niya ang ama sa loob ng opisina nito. Ganun padin, malungkot at tila may mabigat na pinapasan ag mga balikat nito.

She forced to smile when she get inside. "Hi Dad. How's work?" She asked sweetly. Napatigil si Tricia ng makita ang mga papeles na hawak ng kanyang ama, tungkol ito sa kanilang mga ari-arian. "What's this Dad?"

"Ibebenta ko ang lupa natin dito sa Makati, pero hindi parin iyon sapat para mabayaran ag utang ng bangko. Ito nalang ang paraan natin anak, dahil wala ng tumatanggap na kliyente sa atin." Napabuntong-hininga pa ito ng malalim.

"Wait Dad, Pati ba yung hacienda natin sa Probinsya ibebenta mo?!"

Hindi nakasagot ang kanyang ama, doon pa lang ay alam na ni Tricia ang isasagot nito.

She sighed. "Yun nalang yung kaisa-isang bilin sa atin ni Mommy, tapos ibebenta mo lang Dad?!" Nagpipigil inis niyang sumbat.

"I know. But we have to do this anak-"

"No! Ayoko! Hindi ako papayag! That's a very important property. Kahit naman ho ibenta yun Dad, hindi parin mababayaran ng buo ang three hundred million na utang nang kompanya."

"Mahirap para sa akin na gawin ito, but we have no choice kung hindi ay mawawala sa atin ang kompanya."

Napailing-iling si Tricia. "That's still useless."

"Not unless if you'll just listen to me... Si Vince lang ang makakatulong sa atin. He's a very nice man."

"Is that the kind of a nice man to you? Ang tumulong ng manghingi ng kapalit?!"

"He likes you sencerily, and I saw it in his eyes. He will take care of you."

"I can't believe it Dad, binebenta mo ako sa lalaking yun!" Padabog siyang umalis doon nang hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

    

❌❌❌❌❌

His Pretty Mess (Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin