CHAPTER SIXTEEN (Mess)

844 23 1
                                    

BUONG magdamag ay nakatuon lamang ang atensyon ni Vince kay Anton hanggang sa natapos ang libing ni Mr. Gonzales, nagpaalam na ang ibang dumalo. He remained at Tricia's side of course na hanggang ngayon ay hindi parin maguhit ang malungkot na ekspresyon na parang pinagsukluban ng langit at lupa. Nag-paalam na rin si Anton. They headed to their car, ihinatid niya si Tricia hanggang sa front seat ng kanyang kotse habang pasulyap-sulyap parin ito sa pinaglibingan ng ama. He closed the car's door at napasulyap kay Alice na papadaan patungo sa kanya.

"Vince mauuna na rin kami, pakisabi nalang kay Tricia." Paalam ni Alice kasama ang boyfriend nitong si Jordan.

He nodded. "Alice.." Tawag niya rito at napasulyap muna kay Tricia sa loob ng tinted car bago hinarap muli si Alice.

"O bakit?" She curiously ask.

"Who's Anton Delgado?" Walang pag-aalangang tanong ni Vince.

Bahagyang natuwa ang ekspresyon ni Alice sa tono ng pagtatanong ni Vince. "Ah.. Ex yun ni Tricia huwag kang mag-alala. Hiniwalayan niya nung magpropose ng kasal itong si Anton." Kwento pa niya.

Vince frown in curiousity. "Why?"

Alice shrugged. "Eh tinanggihan ni Tricia, kasi ayaw niya."

Vince nodded. "Okay, we gotta go. Thanks." Paalam niya na at nagtungo sa driver's seat ng kotse.

"Sige ingat kayo, mauuna na rin kami." Napailing-iling na lamang si Alice.

                

HINDI nahirapang kombinsihin ni Vince si Nana Perla na tumira sa kanila, gayong mag-iisa nalang ito sa mansyon nila Tricia kung hindi pa ito pumayag at dahil rin hindi naman maiiwan ni Nana Perla ang parang anak na niyang si Tricia.

She decided to prepare a corn soup for Tricia, dahil hirap itong pilitin sa pagkain. And corn soup is one of her specialty na paboritong-paborito ni Tricia.

"Okay na po ba ito Nana Perla?" Tanong ni Vince nang magboluntaryo itong tumulong kay Nana Perla.

"Oo ayos na yan, ilipat mo nalang sa lalagyan."

Vince put some soup into a bowl. "Dadalhin ko muna ito kay Tricia." Paalam niya ng ilagay niya ito sa hinandang tray ni Nana Perla.

"O sige, sigurado akong gising na iyon ngayon dahil kanina pa nakatulog."

Vince nodded and quickly headed to their room. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang blanko na higaan. "Tricia?" Inilapag niya ang tray sa mini table sa gilid ng kama.

Nagtungo siya sa nakasaradong pinto ng bathroom baka sakaling nandoon si Tricia. "Tricia, Are you there?" Tawag niya ngunit walang sumagot. He knock the door. "Tricia?" Napakunot-noo si Vince at nagtaka nang wala parin sumasagot, kaya sinubukan niyang pihitin ang door handle at nabukas iyon ngunit wala si Tricia sa loob ng banyo. Kaya nagtaka na si Vince.

"Patricia!?" He get inside the walk in closet pero wala rin doon si Tricia. Kaya bumaba siya at nagtungo kay Nana Perla.

"Nana Perla, Where's Tricia? Bakit wala na siya sa kwarto?"

Bahagyang nagtaka naman ang matanda. "Eh nandun lang yun natutulog, hindi ba't ikaw pa nga nagdala sa kanya sa kwarto niyo nung makatulog siya sa kotse?"

"Napansin niyo ho bang bumaba? o Lumabas?"

"Hindi." Kampanteng sagot nito. "Hanapin mo lang, baka nariyan lang sa labas o sa kung saan at nag-papahangin."

Kaagad na lumabas si Vince, nakita niya sa garahe ang kotse kaya naibsan ang pangangamba niya na baka hindi ito umalis. He goes to the pool area ngunit wala rin doon. Halos halughugin niya ang buong bahay subalit ay hindi niya mahanap si Tricia.

Hindi na mapigilang mag-alala ni Vince. He goes back to their room to get his phone to call her, pero napansin din niyang nandoon ang cellphone ni Tricia kaya nagtataka na siya. He walk towards the small balcony or their room at kaagad niyang tinawagan si Alice.

"O Vince napatawag ka?"  Pagtatakang bungad ni Alice sa kabilang linya.

"Pumunta ba diyan si Tricia? Magkasama ba kayo?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Nope, why?"

"Are you telling me the truth, Alice?!" May himig na pagbabanta niya.

Alice laugh. "Yes Vince, ofcourse!"

He sighed, and not convinced.

"I swear."  Dadag ni Alice.

"Okay, thank you." He ended their phonecall.

Tatawagan na sana niya si James ng mapansin niya ang ladder na madalas gamitin ng kanilang hardeniro na ngayo'y nasa tapat nitong kinaroroonan niyang bankonahe sa gilid banda. Sapat lang upang makatawid ang isang tao pababa patungo sa daanang bermuda grass na patungo sa pool area. Kinutuban na siya na si Tricia ang may kagagawan nito.

He immediately called James upang utusan itong hanapin si Tricia.

               

                 
ISANG lagok ng alak, ay kasabay nun ang paghihit ni Tricia ng sigarilyo at pag buga ng usok nito habang nakaupo ito sa damuhan sa ibabaw ng puntod ng kanyang ama, at simisinok ng iyak.

"So... These are all your purpose!" Wala sa sariling sambit niya na may bahid na kalasingan at puno ng hinanakit ang boses niya. Tila kinakausap nito ang ama sa pamamagitan ng hangin.

"Parang sinasadya mo naman ang lahat Dad eh!" She carelessly wipe her tears everytime she sob.

Uminom siya muli ng alak direkta sa boteng hawak nito. "K-Kaya ba... G-gusto mo kong ipakasal kay Vince... Kasi... Iiwan mo na pala ako!" She cried again, she just can't help her tears.

"K-kaya... i-pinagkatiwala mo'ko sa ibang tao!" Puno ng hinanakit niyang sambit habang tuktok na tutok sa puntod nito.

"You're so unfair Dad!" She wipe her tears again at muling humithit ng sigarilyo. "You're so unfair!"

She drank and drank while sobbing. "Ang hirap naman po Dad... Ang sakit-sakit..."

"Ikaw na nga lang itong natitirang magulang ko, mawawala pa! A-Ang bilis niyo namang sumuko! Ang bilis niyong magtiwala sa ibang tao!" Sumbat pa niya.

"G-ganun na po ba ako kahirap palakihin at ituwid... kaya sumuko kayo! At ipinaubaya sa ibang tao?" Inis na ibinato ni Tricia sa kung saan ang naubos na bote ng alak.

She opened another one bottle and drink. She laugh with bitterness while crying. "S-siguro... masyado na akong naging pabigat sayo... K-kaya iniwan niyo 'ko!.."

              

SAMANTALANG sinubukan naman puntahan ni Vince ang alam niyang pwedeng puntahang bar ni Tricia, subalit ay nabigo lamang siya. Hapon na iyon at dumidilim na kaya lalong nag-aalala na si Vince na hindi pa umuuwi si Tricia.

He was now driving on his way to somewhere when his phone rings, kaagad niya itong sinagot dahil si James ang tumatawag.

"Sir, nahanap ko na ho Sir Ma'am Patricia."  Bungad nito sa kabilang linya.

Muling nabuhayan ng pag-asa ang loob ni Vince. "Talaga? Nasaan siya?"

"Dito lang ho sa pinaglibingan ng kanyang ama. Iuuwi ko na ho ba Sir? mukhang may malaking problema ho, lasing na lasing, hindi ko pa malapitan."

"Huwag mo munang lapitan James, papunta na ako riyan."  He automatically turn his car to another way. "Pero diyan kalang huwag kang aalis bantayan mo ng maigi."

"Okay po Sir Vince."

Vince ended their phonecall and he drove fast to the cementery.

          

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

His Pretty Mess (Editing)Where stories live. Discover now