CHAPTER 14 (Shock)

741 23 4
                                    

PAGKAGISING ni Tricia ay napansin niyang wala na si Vince sa hinigaan nitong sofabed. Vince chose to sleep in the sofabed, siya na mismo nag-desisyon sa sarili na doon matulog to give Tricia a space that she wanted.

After she do her daily morning routine, ay bumaba siya at nagtungo sa kusina. Naabutan niya ang asawa na saktong katatapos lang magluto ng agahan.

"Good Morning!" Masayang bati ni Vince nang ayusin niya ang hapag kainan.

"Are you really serious of not having maids?" She asked when she get a glass of fresh milk from the refrigerator.

"Tricia, sanay na ako'ng mag-isa. I live in my own, I cook, I wash the dishes and clean my own room. So you don't have to worry." paliwanag nito na may tonong pagmamayabang.

She crossed her arms above her chest. "And what if I'm alone in here? Who will cook for me?!"

"Shempre ako parin. Asawa mo ako, kaya ako mag-aalaga sayo." Kampanteng sagot naman ni Vince.

Hindi mawari ni Tricia kung maiinis ba siya sa mga pinagsasabi ni Vince. But she smirk when she thinks something that will try to challenge Vince's boastfulness. "Let's see.." on her mind mutters.

"What's this!?" Bulalas ni Tricia ng makita ang ihinaing agahan ni Vince sa harap niya.

"Chicken loaf."

She frowned. "I don't eat this! Gusto mo ba ako'ng patayin? Allergic ako sa manok!" Inis niyang sambit.

Napakamot si Vince sa ulo. "Pero tinanong kita kagabi kung ano yung gusto mong ulam sa breakfast, sabi mo chicken loaf."

She raised her left eyebrow. "Allergic nga ako sa manok! Bakit ako magpapaluto niyan!?" Sabay tulak ng platong may lamang chicken loaf.

Vince frowned, trying to recap the last night what he asked her. "Pero Tricia, sabi mo talaga chicken loaf ang gusto mo."

"I didn't said that! Baka magkali ka ng dinig. I will not eat that! Ayoko na lang kumain ng agahan!"

"Hey, sandali." Pigil ni Vince ng tumayo si Tricia. "Fine, I'm sorry... Baka nagkamali nga ako ng dinig. Uhm... Ano'ng gusto mong ulam, I will cook another one?"

Nanatili ang mapait na titig ni Tricia kay Vince. But behind those, is an evil smile. "I want fish fillet!"

"O-kay?" Napakunot-noo si Vince ng maalalang wala silang stock ng fish fillet. He suddenly turned back to Tricia kaya napaangat ang tingin ni Tricia sa kanya.

"What!?"

He sighed. "We don't have a stock of fish fillet."

"Edi gawan mo ng paraan problema mo na yan! Kung ayaw mo di huwag!" Pagmamaldita nito na akmang tatayo na nang pigilan ito ni Vince.

"Wait. Okay, relax... There's a fish in the ref. Gagawa nalang ako, pero you will wait for a minute, medyo matatagalan ito." Vince manage to smile when he explained.

She raised her left eyebrow. "Go on! I'm hungry." Sabay irap.

Vince opened the refrigerator upang kunin ang isda. Inilagay niya iyon sa sink habang pasulyap-sulyap kay Tricia. He got the chopping board and knife upang simulang hiwain ang isda into fillet size.

Lihim siyang napangiti sa inaasal ni Tricia. He knows that she's obviously playing with him. Klarong-klaro sa memorya niya nang tanungin niya ito kagabi kung ano ang gusto nitong ulam sa agahan, at isinagot nito ay chicken fillet.

But now, Tricia denied it. She can't lie to him. Batid ni Vince na sakyan ang trip nito, para lalong inisin si Tricia. Hindi sa paraang ito mapapasuko siya sa mga kalokohan ni Tricia.

Mabuti nalang at wala siyang pasok sa kompanya ngayon, he is on leave for a week for him to be with her. But not as a totally leave dahil minomonitor parin niya ang kanilang business but he's just in his house's office to do his work and of course with the big help of his personal assistant, James. at dahil rin hindi niya ito pwedeng pabayaan lalo na't gaganapin ang inorganize niyang party para sa launching ng pag-iisa ng kompanya ng Gonzales at Montenegro.

"Hindi ka ba naiinip? You can watch TV shows in the living room while I'm cooking." Pag-alo ni Vince ng mapansin ang pagmumuni-muni ni Tricia sa dinning table.

She glared at him. "Make it fast."

He chuckled. "Just a minute... honey!" Sinabayan pa niya ito ng kindat at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Ilang minuto matapos magluto ni Vince ay kaagad niya itong ihinain sa lamesa. Amoy palang ng fish fillet ay katakam-takam na wherein Tricia is trying her best to ignored it.

Vince sits across to her. Panay ang sulyap niya rito habang nanatili itong seryoso. Tricia was about to get the fried rice nang unahan ito ni Vince. "Ako na." Mabuti nalang at hinayaan siya ni Tricia na lagyan ng kanin ang plato nito.

"That's too much!" Tricia warned.

Ngunit hindi nakinig si Vince. "Kumain ka ng marami nang hindi ka nangangayayat." Biro niya habang dinadagdagan pa ng tamang dami ng fried rice ang plato ni Tricia.

Tinapik ni Tricia ang kamay ni Vince upang tumigil ito. "That's enough!" Inis niyang saway saka niya tinusok ang fish fillet gamit ang tinidor. "And for your information, hindi ako nangangayayat! I'm just maintaining sexiness with a proper diet!" Pagtataray niya.

Vince just chuckled and they continued eating peacefully.

Of course Vince washes the dishes and clean the table after they eat. Si Tricia naman ay nagtungo sa kanilang kwarto upang maligo. She noticed her phone with 30 missed calls from her Nana Perla. Nagtaka siya kaya muli niya itong tinawagan. Nakailang ring muna ito bago sinagot.

"Hello Nana-" Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya ng unahan siya nito.

"Patricia mabuti at tumawag ka dahil kanina pa ako tawag ng tawag sa inyo hindi niyo sinasagot ang telepono niyo, tinatawagan ko rin si Vince pero hindi rin sumasagot." There was a histerical tone in her voice kaya hindi maiwasang kabahan bigla ni Tricia.

"Bakit ano po bang nangyari?" Pag-aalala niyang tanong.

Bigla itong humagulgol ng iyak. "Ang Daddy mo... Inatake nanaman sa puso kaya isinugod namin dito sa Ospital ngayon, pumunta kayo dito ngayon din..." Halos hindi maklaro ang boses nito sa hagulgol.

Biglang nanghina ang pakiramdam ni Tricia sa narinig. "O-Opo pupunta kaagad kami..." Nanginginig ang boses niyang sagot at kaagad ibinaba ang cellphone, she immediately recieved her Nana's text message for the location of the hospital.

Halos hindi na makapag-concentrate si Tricia ng maghanap ng damit na susuotin, she change her clothes and didn't bother to continue her plan to take a bath.

Kaagad siyang bumaba at nagtungo kay Vince na nasa kusina at ngayo'y kakatapos lamang maghugas ng mga pinggan. "Vince! We need to go to the hospital."

Bahagyang nagulat si Vince. "Bakit anong nangyari?"

"Daddy was rushed to the hospital, inatake siya sa puso. Kailangan nating pumunta ngayon din Vince!"

"Hintayin mo ako sa labas kukunin ko lang ang susi ng kotse." Nagmamadaling utos nito nang mag-tungo sa kanilang kwarto sa taas.

    

❌❌❌❌❌

His Pretty Mess (Editing)Where stories live. Discover now