CHAPTER TWENTY-THREE (Playful)

998 30 7
                                    

"WHAT are you doing here!?" Bakas ang inis sa boses na sambit ni Tricia habang papalabas na sila ng botique, dala-dala ni Vince and mga paperbag na may lamang pinamili ni Tricia na mga braded clothes and shoes.

"You did not reply to my calls and texts kaya sinundan na kita dito."

"I just want to shop dahil mga luma na yung mga damit ko, bakit mo ba ako pinagbabawalan!?" Iritadong sagot naman nito habang nakabusangot na naglalakad.

"Hindi kita pinagbabawalan. I just want to know where are you going, pero dahil hindi mo naman ako nirereply kaya nag-aalala lang ako." Paliwanag ni Vince.

She just rolled her eyes. "Whatever!"

Napansin ni Vince na patungo sila sa isang fastfood restaurant. "And if you just tell me that you wanted to shop, di sana sinabi mo rin so I can give you a budget for this kahit ilan pa."

"Bakit ko pa sasabihin sayo? I have my own money Vince! Tsaka hindi mo na dapat ginawa yung kanina, nag-mukha tuloy ako'ng mukhang pera dahil ikaw pa nagbayad ng lahat ng iyan!" Dadag pa niyang sumbat.

"What's the matter of it? I'm your husband Tricia! Kung gusto mo balikan ko pa yung cashier para sabihing asawa kita kaya ako ang nagbayad sa mga pinamili mo?" Sagot naman ni Vince habang nakapila na sila. They're arguing and neverminding some people at their sides.

Tricia irritably look at him. "Ewan ko nga sayo!"

AS USUAL Vince insisted to pay for their food, saktong hindi pa siya nakakapag-lunch at gutom na rin siya kaya good timing talaga ang pagsunod niya kay Tricia dito sa mall.

"Nasaan na ang kasama mo?" He accusingly asked while putting their orders in the table.

Kuryosong napakunot-noo si Tricia. "Wala naman ako'ng kasama ah?"

"Then who's the guy you talk to?" Nanliit ang mga mata ni Vince, as if trying to investigate her, if she's telling the truth.

Nanliit din ang mga mata ni Tricia as if also arguing his investigation. "Are you stalking me!?" Matalim niyang tinitigan si Vince.

"Just answer me kung may kasama ka nga kanina na lalaki?"

Inirapan siya ni Tricia. "God! Vince! You're really stalking me wherever I go!"

"Oo na, pinasundan kita kay James. And you can't deny me that you fool him so you could escape from him." Kalmadong sagot ni Vince.

"Dahil alam ko'ng pinababantayan mo ako sa kanya! I'm not a kid anymore para bantayan niyo lahat ng kilos ko! Kung wala na si Daddy na istrikto sa akin, ikaw naman itong substitute sa kanya!" Hindi na napigilang singhal ni Tricia dahilan upang makaagaw ito ng pansin sa mga tao sa paligid nila.

Napahilamos na lamang si Tricia at muling kumalma na hinarap si Vince.

"Fine, sorry for that. If you could just text me wherever you go and reply my calls ay hindi na kita pababantayan kay James." Nanatiling kalmado namang ani Vince. "Now tell me, who's the guy you talk to?"

"Now you're over reacting! He's just Homer, one of my blockmates in college.. Nagkasalubong lang kami kanina!" Wala sa mood na sagot ni Tricia, Vince finally sighed in relief nang malama'ng hindi naman pala si Anton. "And he's also one of my suitors before!" Dagdag pa ni Tricia na ikinatigil ng pagkakalma ni Vince.

"Ano'ng pinag-usapan niyo?"

"Vince babatuhin na talaga kita nito." Gigil na itinaas ni Tricia ang kanyang tinidor kay Vince na may pagpipigil.

His Pretty Mess (Editing)Where stories live. Discover now