CHAPTER 9 (Approval)

707 23 3
                                    

"MUKHANG malalim ho ata ang iniisip niyo Sir?" Pukaw ni James, nang maabutan niya si Vince sa opisina nito na kanina pa tulala habang iniikot-ikot ang hawak nitong ballpen.

Napakurap-kurap si Vince. He cleared his throat. "James, pumunta ka sa Ospital ngayon din at kumustahin mo si Tito Jose." Utos nito.

Iyon kasi sana ang pakay ni James, dahil tinawag siya nito upang may ipag-utos. "Opo Sir, masusunod po."

"And look for his daughter, baka kung saan-saan nanaman mag-lakwatsa yun at iwanan si Tito Jose." May pag-aalangang dadag niya.

Lihim namang napangiti si James. "Masusunod ho Sir."

Vince nodded. "Thank you James."

"Sige ho Sir, tawagin niyo nalang ako ulit kapag may ipag-uutos pa kayo."

Tumango-tango si Vince, pero tila may malalim pa itong iniisip. Tatalikod na sana paalis si James ng tawagin niya ulit ito.

"James."

Nagtaka nama si James ng humarap ulit ito. "Bakit po Sir?"

Napabuntong-hininga si Vince bago nag-salita. "Kapag may gusto kang babae, at gusto mo siyang pakasalan, Pero ayaw sayo... Anong gagawin mo?" Seryosong tanong nito.

"Hmm... Siguro susuyuin ko muna.. Hanggang sa magustuhan niya ako." Simpleng sagot niya.

"Paano naman kung kahit anong suyo mo, ay ayaw parin sayo?" Dagdag pang tanong ni Vince.

"Eh mukhang malabo na ho yan Sir. Kung ayaw sayo ng isang babae eh hindi natin mapipilit yan." Sagot naman ni James.

Vince nodded.

"Pero kung gusto niyo talaga ang isang babae, huwag kayong tumigil na suyuin ito. Kahit ayaw sayo, baka kapag nagtagal magustuhan na kayo." Nakangiting dagdag pa ni James pero hindi niya lubos maisip na nagkakaganito na ngayon ang kanyang amo. Sa tinagal-tagal niyang pagiging personal assistant ni Vince ay hindi pa niya ito kailan man nakitang may niligawan o may sineryosong babae. Ni hindi nga ito marunong manligaw at wala nga ata itong planong magpakasal dahil puro trabaho lamang ang inaatupag nito. Kaya ngayon ay naninibago si James sa ikinikilos ng kanyang Sir Vince.

NAGISING si Tricia ng may maramdamang tumatapik-tapik sa balikat niya.

"Tricia hija, gising na. Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo." Pukaw sa kanya ng kanyang Nana Perla.

She quickly get up from the sofabed. Doon na kasi siya nakatulog, hanggang sa umuwi nalang si Alice kagabi at dahil sa kakahintay niya na magising ang kanyang ama.

"Heto't dinalhan kita ng damit mo hindi ka pa nakakapag-bihis. Eh nung dumating ako dito kagabi ay tulog kana." Iniabot sa kanya ni Nana Perla ang isang paperbag na may lamang damit.

"Thanks Nana."

"O siya Aalis muna ako bibili ako ng breakfast mo." Paalam nito sa kanya.

She nodded and headed towards his father.

"Dad, How are you?" Sabik niya itong niyakap.

"I-Im fine... How's my beautiful girl?" Paglalambing naman ng kanyang ama at tila hirap pa itong makapag-salita.

Tricia chuckled when she sitted beside him on the bed. "Daddy talaga ginawa mo pa akong bata."

"You will always be my baby girl, anak." Marahan nitong hinahaplos ang kanyang kamay. "Perla told me, si Vince ang nag-dala sa akin dito sa Ospital, siya ang nag-asikaso ng lahat dito. We should thank him anak."

"Yeah..." Tipid niyang sagot. "By the way dad. Can you please have some break from your work?" Pag-iiba niya sa usapan. "Kasi palagi kana lang po nai-stress, dahil diyan nag-kakasakit pa kayo."

"Hindi ako pwedeng sumuko anak. The company is now in a critical condition, we only have one week.. And I don't know what to do anymore.." Puno ng panghihinayang na sabi nito.

Tricia bowed her head while holding his father's hand.

"Ilang taon kong pinaghirapan ang kompanya, para sa pamilya ko, lalo na sayo... pero mapupunta lang ito sa wala, napaka-walang kwenta kong ama."

Tricia wiped her tears, she's trying her best to hide her tears from her father. "Don't say that Daddy. Hindi naman po iyon ang basehan ng pagiging ama mo. Hindi ka nag-kulang dad, ginawa mo ang lahat magkaroon lang ako ng magandang buhay. Ayos lang naman sa akin mawala ang kung anong meron tayo, basta't kasama ko lang kayo Dad."

"Hindi lang naman ito tungkol sa pera anak. Tungkol din ito sayo, ayokong maranasan mo ang paghihirap na naranasan ko noong walang-wala pa ako, Hindi rin habang buhay ay magkasama tayo. At balang araw kailangan mo rin ng taong mag-aalaga at magmamahal sayo."

She rolled her eyes and look up the ceiling to hide her tears. "Dad if this is about Vince's proposal again... then I'm telling you, I won't ever marry him!"

Umirap ang kanyang ama. "He likes you, Patricia. And I'm pretty sure, he will take good care of you." Mahinahong paliwanag nito.

"How are you so sure!? You just met him in business! And yet you're giving him your whole trust."

Hinarap siya nito at seryosong tumitig sa kanyang mga mata.

"I am also a man, and I know, I see it in his eyes how much he wants you Patricia. I'm just doing this for your own good, not just for the company. Kapag nawala na ako, sino na ang gagabay sayo?-" Hinihingal nitong paliwanag.

"Dad please don't say that!" Sunod-sunod nang bumuhos ang kanyang mga luha, at niyakap ang kanyang ama.

"Remember what I only want for you... a better life and a good husband who will love you the way I love and treasured you." He whispered as he stroke her back.

Tricia sobs on her father's shoulder. Ramdam niya ang kalungkutan nito, and God knows how much she wanted him to be happy...

For all those years na sila nalang ng kanyang ama, lahat ng mga gusto at kailangan niya ay ibinibigay nito, kahit pagod ito galing sa trabaho, he always make her happy and contented even many times she disobeyed him.

Siguro this time it's her turn, to return her dad's sacrifices for her. It's her turn to make him happy at sundin naman niya ang kahilingan nito.

It's about time para siya naman ang mag-sakripisyo para sa lahat ng sakripisyong ginawa ng kanyang ama para sa kanya.

Kumalas siya sa yakap nito, she wipe her tears while facing her weak father.

"F-fine Daddy, I- W-will marry Vince." Buong pusong pag-payag niya. "If that would make you happy.."

Unti-unting napangiti ang kanyang ama, he pulled her and planted a soft kiss on her forehead.

"But in one condition..." Dagdag pa niya.

Napakunot-noo ito.

"You'll recover very soon. You won't get stress anymore from work!"

Napahagikgik ang kanyang ama. "Yes sweetheart, I will."

❌❌❌❌❌

His Pretty Mess (Editing)Where stories live. Discover now