Chapter 13: Hunter in Distress

Start from the beginning
                                    

Abandonadong gusali sa gitna ng kagubatan?

“Teka. Parang wala naman ata ’yan kanina, ah. Kasi dapat malayo pa lang tayo ay natanaw na natin ’yan,” nagtatakang sambit ni Reiko.

Napaisip ako. May punto nga naman siya.

“Mamaya na natin isipin ang tungkol sa biglaang pagsulpot niyan. Sa ngayon ay kailangan na tayo ni Hailey. Hindi natin alam kung ano na ba ang ginagawa nila sa kanya,” nag-aalalang aniya naman ni Hevn.

Napatango ako at tiningnan sila isa-isa.

“Let’s go inside. Basta wag lang tayo maghiwa-hiwalay hangga’t maaari,” mariin kong bilin sa kanila at napatango lang sila.

Sabay-sabay at tahimik kaming pumasok sa loob ng abandonadong gusali habang alerto naming inililibot ang tingin sa madilim na paligid.

Kahit nababalutan ito ng kadiliman ay masasabi kong hindi ito ganoon kalawak. Mayroon lamang din itong tatlong palapag base na rin sa pagkakakita namin dito mula sa labas.

Wala rin itong laman na kahit ano dahil malaya naman kaming nakakalakad at tanging ang tatlong naaaninag naming kulay puting pintuan lamang ang makikita rito.

Akmang hahakbang ako paakyat sa hagdan na nasa isang tabi nang bigla kaming nakarinig ng pagsigaw ng isang babae mula sa pangatlo at pinakadulong pinto.

“Shit! It’s Hailey!” natatarantang wika ni Hevn bago nauna ng tumakbo patungo sa direksyon na pinanggagalingan ng sigaw.

Mabilis naman kaming sumunod sa kanya. The moment we reached the last room and opened the door, we were all stunned at what we saw.

“What the hell? Where are we?” Yuki exclaimed.

Nakakuyom ang kamao na inilibot ko ng tingin ang paligid.

Nasa dalampasigan kami at nakaharap sa isang malawak na karagatan.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Kung sino man ang kumuha kay Hailey ay paniguradong mayroon siyang kasama na witch.

Or the leader might be the witch itself.

Shin and I exchanged knowing looks before nodding to each other.

“Brace yourselves, everyone. We’re under an illusion,” he explained.

I smirked. This is a witch thing. Finally, I can now use my abilities.

***

Hailey’s POV

Nagising ako sa pakiramdam na tila init na init ako. Ramdam ko rin ang tumatagaktak kong pawis na nagmumula sa noo ko.

Slowly, I opened my eyes, and an endless darkness welcomed my sight. I blinked enumerable times, and that’s when I realized that I was in a dark, elevated room, sitting on a chair with my hands and feet tied up.

Napakunot noo ako dala ng pagtataka. Hanggang sa unti-unti kong maalala ang mga nangyari kanina.

“Hevn! Reiko!” nag-aalalang tawag ko sa mga kaibigan ko. Kahit pa hindi naman ako sigurado kung kasama ko nga ba sila rito.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now